CAROLINE’S POV Maagang-maaga pa lang, naglakad-lakad na ako sa garden para mag-relax. Ang hangin ay preskong-presko, at tahimik ang paligid. Matapos ang nangyari kahapon—kung saan ako natalo sa arm wrestling at halos sumuko sa kahihiyan—naisip kong kailangan kong simulan ang araw ko nang maayos. Ngayon, mag-eenjoy lang ako, walang istorbo, walang nang-aasar— "Good morning, my dear Caroline!" Napatigil ako sa paglalakad at napabuntong-hininga. Alam ko na kung kaninong boses ‘yon. Napapikit ako saglit bago dahan-dahang lumingon. At ayun na nga, si Owen, nakangiti nang parang may binabalak na masama. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko agad, iniwasang makipaglaro sa trip niya ngayong umaga. "Hmm? Wala naman. Naisip ko lang na baka gusto mong may kausap habang naglalakad ka rito," sago

