CAROLINE’S POV Pagbalik namin ni Lysander sa loob ng mansion, ramdam ko pa rin ang tensyon sa paligid. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang niya akong sinamahan pabalik. Napatingin ako sa kanya habang naglalakad kami sa hallway. Tahimik lang siya, gaya ng dati, pero may kakaiba sa ekspresyon niya. Parang… bad trip? Pero bakit? Napailing ako at iniwas ang tingin ko. Bakit ko ba pinag-iisipan ‘to? Malay ko ba kung trip lang niya. "Tumigil ka na sa kakaisip ng kung anu-ano." Halos matapilok ako nang bigla siyang magsalita. "H-ha?" Napatingin ako sa kanya. Nakakunot lang ang noo niya, hindi ako tinatapunan ng tingin. "You’re thinking too much," dagdag niya, malamig pa rin ang boses. "Hindi ah," sagot ko agad. Napatingin siya sa akin saglit, saka bumaling sa harapan ulit.

