CAROLINE’S POV Matapos kong hugasan ang mga pinagkainan namin ni Lysander, saglit akong nagpahinga sa kusina. Napatingin ako sa orasan—lampas hatinggabi na. Nakakapagod din pala magluto at magligpit, pero at least busog na ako. Napaisip ako kung kumusta na si Lysander. Kanina pa siya sa opisina, at halatang pagod na pagod na siya. Kung ako nga na nagluto lang ng sopas ay gusto nang humiga, paano pa kaya siya na buong araw nang nagtatrabaho? Dahan-dahan akong bumalik sa opisina niya para tingnan siya. Kumatok ako ng dalawang beses, pero walang sumagot. “Lysander?” Wala pa ring tugon. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto, at agad akong natigilan sa nadatnan ko—si Lysander, nakatulog sa lamesa niya, ang noo ay nakasandal sa braso niya habang hawak pa rin ang isang ballpen. Napabuntong-h

