CAROLINE’S POV Burr… Ang lamig naman! Kahapon pa ang sama ng panahon. Malakas ang ulan sa labas, at ang hangin ay parang gustong pasukin ang buong mansion. Kahit naka-pajama at may suot na makapal na medyas, nanginginig pa rin ako. Gabi na, pero hindi pa ako inaantok. Kakarating ko lang sa loob ng kusina para kumuha ng maiinom nang mapansin kong medyo basa ang damit ko. Siguro dahil sa malamig na hangin na galing sa bukas na bintana kanina sa kwarto ko. Napansin kong may nakasabit na hoodie sa isang silya malapit sa akin. Kulay itim, mukhang makapal, at obvious na hindi akin. Alam kong kay Lysander ‘yon. Pero dahil hindi ko na matiis ang lamig, agad ko iyong sinuot. Hala, ang bango… Napatingin ako sa sarili ko sa repleksyon ng salamin sa gilid. Ang laki nito para sa akin! Halos lumub

