One

623 Words
Mildred sat on a chair comfortably while focusing her attention at the laptop screen monitor. Kasalukuyan niyang hinihintay mag-online ang estudyante niyang batang Koreano, na tuturuan niya ng Basic English Vocabulary. Propesyon na matatawag at hindi lang basta trabaho para sa kanya ang pagtuturo. Parte ito ng kanyang daily schedule as Online English Teacher, na mahigit two years na niyang ginagawa. “Anyeonghaseyo!” masigla niyang bati pagkakita pa lang niya sa kanyang student. Start na ng kanilang session. Laging nkahanda ang kanyang friendly smile at huwag kalimutan ang charming face, para kahit paano ay maging komportable sa kanya ang bata. Nakakailang tutorial siya sa buong araw kaya naman kahit ubos na ang oras niya ay sulit naman dahil kapag payday na ay busog lagi ang kanyang bank account at purse. Salamat sa kanyang mabait na employer na isang korean national. Dalawang oras din tumagal ang kanyang tutorial. Tiyagaan lang. Thus, her classes for today ended. Malaya na ang oras niya. Wait, hindi pa pala! Sinulyapan niya ang kanyang wrist watch from Giftgate. Nooo! Napahiyaw siya sa isip nang makita ang oras. Isang oras na lang pala at start na ng gig ng kanyang bestfriend na kung saan sa Malate gaganapin. Kailangan pa niyang magbiyahe mula Fairview papunta doon. How can be so careless she is? Magtatampo tiyak si Gareth sa kanya. Kaso, mag-uumpisa na rin ang inaabangan niyang Koreanovela. Binuksan niya ang smart tv. Saglit lang ‘to, titingnan ko lang! sa isip-isip niya. Hanggang ang saglit niya ay tumagal at matapos niya ang pinapanood. Distracted si Gareth habang kumakanta. Paano ay kanina pa niya hinahagilap ng tingin si Mimi pero hindi niya makita. Baka naman hindi pa dumarating? O darating pa kaya? Mimi, where the hell are you? I need you… aniya sa isip. Ramdam rin niya ang samo ng kanyang puso. Parang gusto niyang mawalan ng gana sa pag-awit dahil wala pa ang kanyang bestfriend. Mabuti na lang at maayos pa rin siyang kumakanta habang occupied ang kanyang isip. Subalit nakailang kanta na siya. Pinalitan na rin siya pansamantala ng isang banda para maipahinga niya ang kanyang boses. Pero wala pa rin ang dalaga. Mga thirty minutes pa ay sumalang na ulit siya. Muling nagpalakpakan ang mga nasa crowd. Hindi pa man siya kumakanta ulit ay may mga kadalagahan na agad na tumitili. Papasok pa lang ng bar si Mimi ay dinig na niya ang magandang boses ni Gareth. Napapikit siya saglit. Nanunoot sa kanyang pandinig ang malambing nitong pag-awit. Hindi niya ikinakaila sa sarili na kahit paano, bilang isang babae ay may kilig siyang nararamdaman kapag naririnig niyang kumakanta ang kaibigan. Hindi siya immune sa taglay nitong charm. Kung paano nga kiligin ang mga kababaihang tagahanga nito ay ganoon din naman siya. Pero hanggang doon lang. Pagkakita pa lang sa binatang nasa entablado ay kinawayan na niya ito. Sana ay hindi nagtatampo sa kanya si Gareth. Nakihalo siya sa mga dalagang nasa harapan. 'Now I know I have met an angel in person and she looks so perfect. I don’t deserve this, You look perfect tonight.' Nagkahiyawan ang mga dalaga sa unahan nang matapos ng binata ang kanta. Tapos na ang session nito. Medyo guilty si Mimi dahil super duper late na siya. Hindi muna siya kumilos sa kinatatayuan. Hinayaan niya munang makatapos magpa-selfie ang mga tagahanga bago siya lumapit kay Gareth. Nang maubos na ang mga nagpapaselfie ay inasikaso na nitong ayusin ang ilang gamit. Isinilid nito ang gitara sa case and stare at her, as cold as Ice, na para bang may napakalaki siyang atraso rito. Namula ang magkabila niyang pisngi hindi dahil sa nahihiya siya, kundi sa paraan ng pagtingin nito. Pansin niya, kahit ano mang paraan ang pagtitig nito sa kanya, laging may halong admiration.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD