Napalunok si Gareth habang pinagmamasdan ang dalaga. Mula sa medyo
curly black hair nitong may shade ng brown color, hanggang sa mala-hugis pusong
feature ng face. Brows and chinky brown eyes with thick eyelashes. Katamtamang
tangos ng ilong at reddish lips na hindi na kailangan pang pahiran ng lipstick. Manipis
lang ang make-up nito, kaya litaw pa rin ang natural na ganda. Perfect para sa kanya si
Mimi.
Naka-off shoulders na white at may floral design ang pang-itaas na kasuotan
nito na tinernuhan ng 'pekpek shorts' kaya litaw ang mgandang hubog ng mga legs nito-
isa sa mga asset ni Mimi. At simpleng flip flops lang ang tanging sapin nito sa paa.
Damn! How can he control himself not to fantasize about her? sambit niya sa
sarili. Kung ganito lagi ang postura ni Mimi, parang nasa langit na siya lagi. Sa bawat
sulyap nito, nabibighani siya.
"Late ka na dumating. Akala ko'y hindi ka na sisipot." May disgusto sa mukha ni
Gareth. Para bang naghihintay ito ng ka-date sa isang lugar at nag-aalalang hindi
masipot ng katagpo. Umakbay ito sa dalaga.
"Sorry naman, tinapos ko lang 'yong Koreanovela. Ang importante, nakaabot
naman ako dito sa gig mo, di ba?" Parang batang nagpapaliwanag ito sa kanya. Ikinawit
nito ang bisig sa beywang niya. Hanggang balikat lang niya si Mimi. Lumapit sa kanila
ang owner-manager ng bar. Iniabot nito ang sobre sa kanya. Nasa loob niyon ang bayad
sa kanya.
Naglakad sila palabas ng bar.
"Mas mahalaga pa sa akin 'yang pinapanood mo, bestfriend mo 'ko."
nagtatampong wika ni Gareth. Di maitago ang pagdaramdam sa boses.
Mimi just giggled. Sanay na siya sa tantrums lagi ng kaibigan. "Ang gwapo kasi
ni Lee Jong-Suk, Nakakaadik! Ang cute ng eyes niya!" kinikilig na wika ni Mimi. Para
itong pusang naiihi.
"Mas gwapo pa 'ko doon!" pagmamayabang nito.
"Saan banda po?"
"Dito, dito, dito!" Tinuro ng binata ang mukha pababa sa dibdib hanggang crotch,
matapos ay ginulo ang buhok ni Mimi. Alam naman ng dalaga ang ibig sabihin ng biro
niya.
Pagliko pa nila ng isa pang kalye sa may Padre Faura ay nakita na kaagad nila
ang resto na suki nilang puntahan dahil sa specialty nitong bagnet.
Um-order agad sila ng pagkain sa lumapit na waiter. Hindi pa man nag-iinit ang
kanilang mga puwet sa upuan. Napamata ang dalaga nang dumating ang mga pagkain
sa dami. Bukod sa bagnet ay naglaway siya nang makita ang Seafood Kare-kare at
Buttered Shrimp! Tiyak, sira ang kanyang diet. Busog lagi ang tummy niya kapag
magkasama sila.
"Oh my! Ano pang magiging tingin sa akin ni Calyx, kapag nasira na ang figure
ko? Mas lalong hopia na ang aabutin ko sa kanya! Pero ang sasarap nitong mga inorder
natin, eh!" Kinurutan niya ang malutong na balat ng bagnet.
"Here you go again, wala ka na nang bukambibig kundi Calyx, Calyx, Calyx! Ako
ang kasama mo pero siya ang iniisip mo," medyo iritableng wika ng binata sa kanya.
Nahiwatigan niya sa boses nito ang pagseselos.
"Eh, sorry naman, alam mo namang mga bata pa lamang tayo, di ba? siya na ang
bet nitong puso ko?"
"Oo nga. Ilang beses mo na sinabi sa akin yan... mga two hundred times na yata.
Kaumay na nga."
"Luh, grabe ka!" irap niya na may kasamang ismid kay Gareth. "Saka hindi ba,
kabarkada mo siya dati?"
" 'Di ko kabarkada 'yon. Nangongopya lang sa akin sa mga exams natin kaya
dumidikit sa akin. Pati nga sa basketball at swimming nagpapaturo. Ban ban kaya 'yang
lovey dovey mo." pang-aasar nito sa kanya.
"I hate you na! Change topic na o kaya ay kumain na nga tayo!" nakabusangot na
ang pagmumukha niya. Tagumpay lagi ang binata na asarin siya pagdating tungkol kay
Calyx ang usapan.
"Sige lang, Check ko lang saglit ang messenger ko. May important message."
kinuha nito sa bulsa ng six pocket pants ang cefone.
"Sino naman? Another fling mo or nagka-crush sa' yo sa gig?" kunot-noong usisa
niya.
"Ah, si Via... schoolmate natin at ka-batch. Remember her?" makahulugang tingin
ni Gareth.
"Oo naman! Bakit daw? May koneksyon ka pa rin pala sa kanya. Crush ka niyan
dati, eh,"
"She's inviting me for her coming birthday. Simpleng salo-salo daw."
"...At pumayag ka naman? Pupunta ka?" maang niyang tanong rito.
"Pinag-iisipan ko pa. Saka opportunity rin 'yon. Ipakikilala rin niya ako sa ate niya
na nagtatrabaho sa isang tv network. "
"Oh, talaga? Patingin nga." Kinuha niya sa binata ang phone nito. Binasa niya ang
palitan ng conversation nina Gareth at Via. Saglit siyang nag-tap sa screen. Well, sisirain
niya ang pantasya nito na makasama ang kanyang bestfriend. 'tsura lang!
"Hey! Anong ginagawa mo?" ani ni Gareth na napatayo sa kinauupuan nito.
Dinukwang siya.
Ibinalik niya ang mobile phone rito. Ang lapad ng ngiti niya. Iiling-iling ang binata
habang pinagmamasdan nito ang isinulat niya sa messenger nito. Paano ay
pinakialaman niyang sagutin ang paanyaya ni Via.
Can't come to your bday, Sorry, there's important thing to do. Thanks!
Malay ba ni Via na siya ang sumagot at hindi si Gareth? Ewan, pero eversince, 'Di
na niya gusto para sa kanyang kaibigan si Via. Hindi rin niya ito makasundo kahit todo
ang effort na makipag-close sa kanya. Ewan ba niya, pero ramdam niyang mas bratinela
pa ang ugali ni Via kaysa sa kanya. Pero itinatago lang nito.
Wait. Nagseselos ba siya kay Via? Ha? At bakit? Wala naman siyang dapat
ipagselos. Pasimple niyang sinulyapan ang kaibigan na abalang kumakain. Bakit ba hindi
niya nagustuhan ito? Eh, kung tutuusin, ay taglay ni Gareth ang mga katangian na gusto
ng mga kababaihan. Matangkad ito sa height na Six feet. Having a prominent shape of
face and oriental features. Gusto niya ang may kakapalang kilay nito at mga matang
chestnut brown ang kulay. Ang tangos ng ilong at mga labing hindi matipid magbigay ng
ngiti.
Maganda rin ang pangangatawan ng kaibigan. Alam niya dahil halata naman sa
mga damit at pormahan nito. May pose rin ito sa IG account na topless. Athletic and lean
ang built ng katawan nito. Broad shoulders and chest. Iyon nga lang, wala itong abs na
ipagmamalaki pero bawi naman dahil napaka-sexy pa rin tingnan ang flat nitong tummy.
Package deal ang features ni Gareth. Walang itulak kabigin. Walang tapon. Pati
sa ugali, walang maipipintas.
Pero teenager pa lang sila ni Gareth ay malinaw na sa kanya na bestfriend
lamang niya ang binata. Hanggang doon lang at hindi na pwede pang lumagpas. Dahil
nga sa may isang tao na itinatangi ang kanyang puso.
Mga bata pa lamang sila ay kinakitaan na si Gareth ng passion para sa music.
Lalo na nang tumuntong sila ng highschool kung saan sumali pa ng banda at music club.
Inaaya pa nga siya ng kaibigan na hindi naman niya matanggihan kaya isang beses ay
pinaunlakan niya nang magkaroon ng isang audition at pakakantahin daw ang bawat
auditionee ng isang awit na nais nito. Siyempre dahil fan siya ni Celine Dion ay pinili niya
ang masterpiece nito na 'Because y
You Love Me' Okay na sana, pero pagdating niya sa isang mataas na bahagi ng kanta,
kung kelan bigay todo na siya sa pag-awit, ay biglang nasamid siya dahil sa isang lamok
na naligaw at pumasok sa kanyang bibig!
Tawanan ang mga nanonood. Halos manliit na siya sa sobrang hiya. Nahiling pa
nga niya na sana ay biglang mag-brown out para makaalis na siya agad. Iyon na ang
pinakanakakahiyang nangyari sa kanya. Kaya naman kahit na pumasa siya ay 'di na siya
nag-interes mapabilang sa Music Club. Hindi na siya nagbalik kinabukasan.
Samantala, si Gareth ay tumuloy dahil sa passion nito. Natigil lang nang
tumuntong ng kolehiyo at sundin ang kalooban ng mga magulang na pag-aaral muna
ang maging priority at architecture ang kunin.
Nang maka-graduate ay sinunod na nito ang sariling kagustuhan. Good thing ay
napahinuhod na nito ang mga magulang at nakakuha ng basbas sa path na gusto nitong
tahakin. Kapag may audition o talent search sa tv ang sumasali ito. Hindi naman
nabibigo at nakakakuha ng karangalan bukod sa cash prize.
Masaya siya para kay Gareth dahil unti-unti na nitong natutupad ang pangarap na
maging isang sikat na musikero at singer.