Three

1032 Words
MAINGAT na pumasok si Mimi sa madilim na silid. Deep inside ay nagdiriwang siya dahil eto na ang gabing pinakaaasam niya. Matagal niyang hinintay ang pagkakataong ito at ayaw na niyang pakawalan pa! Pinagplanuhan niyang maige. Matinding lakas ng loob ang inipon niya. Hindi siya dapat pumalpak. Kinasabawat pa niya ang kasambahay ng bahay na pinasok niya. Aakitin niya si Calyx Andrei Montes! Tingnan lang nito at kapag naghubad na siya sa harapan nito para ibalandra niya ang kanyang katawan, tiyak hindi siya nito mapapahindian. Yari ito sa alindog niya! May the Universe and stars from galaxies so help her! Masuwerte siya at wala ang mga magulang at mga kapatid nito. Kasalukuyang nakabakasyon sa Brisbane, Australia. Naiwan mag-isa sa bahay ang binata dahil di nito maiwanan ang trabaho sa BPO COMPANY. Palibhasa ay candidate for promotion, kaya di puwedeng lumiban para makuha nito ang target na position. 'Cause tonight will be the night that you will fall into my arms and charm! I swear, after this sweet and and colorful night, mamahalin mo ako, Calyx! Akin kaa! Determinadong sabi ng malandi at maharot niyang isip. Napahagikhik pa siya habang pinagmamasdan ang malapad na kama ni Calyx. Naupo siya sa gilid niyon at dahan-dahang inihaplos ang palad sa kalaparan ng kama. Di pa siya nakuntento at yumuko para amuyin. Gusto niyang samyuhin ang naiwang amoy ni Calyx. Kabaliwan man ang ginagawa niya ngayon kung malalaman ng iba, so what? Masaya siya at walang makakaagaw sa kanya niyon! Mundo man ay magunaw! Hinubad niya ang suot na robe. Tumambad ang red scarlet seductive lingerie na panloob niya. Pinagkagastusan niya at nahirapan pa siyang orderin sa Shopee. Sinigurado niyang aninag ang mayaman niyang dibdib at makurbang katawan. Inililis pa niya ang laylayan upang mahantad ang mga hita niya at binti. Inayos niya ang posisyon sa pagkakahiga sa kama. Now, she looks like a seductive woman posing for a men's magazine! ... and she loves it! Sinulayapan niya ang luminous watch na nasa wall. Ilang minuto na lang at tiyak paparating na ang binata. Kabisado niya ang oras lagi ng pag-uwi nito tuwing hapon, mga ala-sais! Excited na siya sa magaganap! Maya maya lang ay narinig na niya ang mga yabag ng sapatos buhat sa labas ng kuwarto. Hayan na siya! He's coming, I should be ready! My God! s**t! tili ng kinikilig niyang isip. Ilang sandali na lang at masisilayan na niya ang binata. Pigil niya ang kanyang paghinga lalo na nang bumukas ang pinto at pumasok ang inaabangan niyang binatang bibitagin. One... Two... Three.. Isinarado muli nito ang pinto, Pinigil niya ang tiling nais tumakas sa kanyang bibig nang magsimula itong maghubad ng kasuotan. Mula sa long-sleeve pink polo na pang-itaas, White shirt na ipinanloob at sa black khaki pants. Inilagay sa sulok ng kuwarto ang hinubad na medyas at black leather shoes. Isang fitted na white boxer brief ang tangi nitong itinirang suot. Pinindot nito ang switch ng ilaw. Halos himatayin ito nang makita siya. Napakapit ito sa pinto. "Mimi!!!" Such a horrific reaction registered on his face. Napaatras ito. Mukha ba siyang multo?! Eh, ang ganda niya. "Hi, sweetie Calyx. Aren't you surprised see me like this? Hindi ba maganda?"" Matamis ang ngiti niya. Mapapahiya ang tamis ng buko pandan at leche plan. "What are you doing here? Paano ka nakapasok? Bakit Ganyan ang suot mo?" "I came for you, Alam ko naman, mga sexy at adventurous na babae ang gusto mo kaya siguro hindi mo ako napapansin mula pa ng mga college tayo. Kaya heto ako para sa 'yo..." Hinarutan at nilandian niya ang boses. Umalis siya mula sa pagkakahiga sa kama at dahan-dahan nilapitan ang gilalas na si Calyx. Kita at ramdam niya ang paninginginig nito nang inihaplos niya ang mga kamay sa dibdib nito, sinagi ng mga daliri niya ang u***g nito. "M-Mimi, stop! Please..." daing ni Calyx. "I won't... Matagal kong hinintay ang sandaling ito, ayoko ng makuntento sa patingin-tingin at kahahabol sa 'yo. Lawit na ang dila ko at pawis pa ang kili-kili ko." Kinorner niya ang binata sa dingding at nangunyapit sa leeg nito. Idinikit niya ang kalambutan ng katawan sa katigasan ng katawan ni Calyx. Pansin niya ang labis na pamamawis nito bagama't malamig ang aircon ng kuwarto. Nakita niya ang pagtaas baba ng adam's apple nito sa leeg. Malamang nag-iinit na rin ito sa kanya. Pero bakit wala siyang maramdamang naninigas na bukol sa boxer ni Calyx, gaya ng mga nababasa niya sa mga erotic novels sa pocketbook? Baka naman juts? O kaya ay grower. She doesn't want to waste any single moment, In a desperate move, sinunggaban niya ng halik si Calyx. Halatang mas nabigla ito dahil kita niyang namilog ang mga mata nito. Siya naman ay ipinikit niya ang mga mata upang namnamin ang mga labi ng binata. Hindi naman pumalag, bagkus ay tinugon rin nito ang halik niya. Napasabunot siya sa buhok nito habang nagsimula nang isuot ang kamay nito sa kanyang Lingerie at lumikot ang mainit na palad nito sa kanyang dibdib. Sinisimulan na tudyuin ng mga daliri ang kanyang swollen n****e habang ang isa naman ay pumipiga sa kanyang balakang hanggang dumausdos sa kanyang hita. Napasinghap siya ng sapuin ang kanyang p********e. Mimi felt an intensified heat from her body. Para siyang nilalagnat. She couldn't take it anymore. Pakiramdam niya'y mamamatay siya kapag inihinto ni Calyx ang ginagawa nito sa kanya. Para lamang mabigla nang bigla itong kumalas sa kanya at marahan siyang itinulak. Bumadha ang matinding pagtataka sa kanyang mukha. Nagtatanong ang mga matang nakatunghay sa binata at naghihintay ng kasagutan. "B-bakit? Anong nangyari sa 'yo?" "M-Mimi... It can't be. Hindi puwede ang gusto mong mangyari, please..." hirap nitong sabi. "...At bakit hindi?" Natitilihan siya sa inaakto ni Calyx. May mali ba siyang nagawa? Saan siya nagkamali kung sakali? Bakit di yata umubra sa binata ang pang- aakit niya? Napasabunot muna sa buhok ang binata. Matapos ay umiiling-iling bago huminga nang malalim. "I'm gay... at hindi kita puwedeng magustuhan dahil si Gareth ang type ko!" mahinang turan ng binata sa kanya. Ngunit tila isang bombang pasabog iyon para kay Mimi. Naramdaman na lang niya ang pamamanhid ng kanyang sistema. Siya naman ang halos panawan ng ulirat sa narinig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD