Hinapit niya ang suot na robe nang makaramdam ng ginaw dahil sa lamig ng tubig ulan na bumabasa sa kanya. Tuloy rin ang pag-agos ng kanyang mga luha sa magkabilang pisngi. Mabuti na lang at umuulan. Naitatago niyon ang kasawiang nararamdaman niya at kahihiyan sa sarili dahil sa rejection sa kanya ni Calyx Andrei.
Nahagip pa ng kanyang paningin ang dalawang ‘MARITES’ na nakatingin sa kanya at halatang pinagtsitsismisan siya kung bakit ganoon ang hitsura niya… dedma siya. Ang mahalaga sa kanya ngayon ang kanyang pagsisintir.
Ang totoo ay bagsak na bagsak siya.
Matagal niyang iningatan sa kanyang puso ang pagmamahal rito. Kaya nga ng makipag-close ito sa kanya ay laking tuwa niya. Imagine, hindi na niya kailangan pang magpapansin para lang makuha ang atensyon nito. Ito na mismo ang kusang lumapit sa kanya. Feeling niya, Ang ganda-ganda niya at ang haba ng kanyang hair.
Pero mali pala… na wow mali ang kanyang nararamdaman. Ang gusto pala nito ay kanyang kababata. Ohhh, syet na malagkit!
Buwisit! Nag-effort pa siya ng todo… Iyon pala… iyon pala!
Tuloy-tuloy lang siyang naglakad. Wala siyang maisip na patutunguhan. Ayaw niyang umuwi muna sa kanila dahil tiyak magtataka ang mga kasama niya sa bahay kung bakit ganoon ang kanyang suot. May dagdag pang sermon dahil nagpakabasa siya sa ulan.
“Ineng, Bili ka ng balut sa puti o penoy?”
Napamata siya sa tindero. Kilala niya ito dahil suki ng kanyang parents. May edad na ito. Siguro’y nasa mid fifties. Di niya namalayang nasa harapan na niya. Hawak nito sa isang kamay ang basket na pinaglalagyan ng mga paninda. Sa kabilang kamay naman ay ang payong. Habang nasa balikat nito ang strap para sa maliit na radio. Dinig na dinig niya ang lovesong na tumutugtog.
At dahil broken hearted siya ngayon, ayaw niyang makarinig ng kahit anong lovesong! Promise.
“Pumunta ka na lang po sa bahay…alukin mo sina mama.” Walang kagana-gana niyang wika.
“Sige, sabay na ako sa inyo. Hati na rin tayo ng sukob dito sa payong.” Paanyaya nito sa kanya.
“Hindi, thank you na lang. mauna na po kayong pumunta doon. Ayoko pang umuwi. Gusto ko pang maligo sa ulan.” Alibi niya.
“S-sige! Salamat.” Nauna na itong nagmadaling maglakad sa kanya.
“Saglit, manong!” awat niya.
“Bakit?” napahinto ito. Nilingon siya.
“Puwede bang palitan mo ang tugtog mo diyan sa radio mo, please? Ayoko ng lovesong!” Iritableng wika niya.
Katatapos lang ng live stream ni Gareth. Sa wakas ay makakapag relax na siya. Pero magaan ang pakiramdam niya at masaya siya. Nakikita na niyang nagbubunga ang kanyang hirap, pagod at tiyaga dahil mabilis na rin siyang nakilala. May followers at fanbase na rin siyang masasabi.
Iniligpit na niya ang ilang stuff. Bukas na ulit ang session niya. Kinuha niya ang celfone at tinawagan si Mimi. Aayain niya ito ng movie marathon. Habang wala pa siyang kasama sa bahay. Maya maya pa naman darating ang kanyang parents. Alam niyang nawili ang mga ito sa meet up ng mga ka-batch.
Subalit nakailang subok na siya ng tawag ay puro ring lang ang kanyang naririnig.
Napabuntong hininga siya. Ano naman kaya ang pinagkakaabalahan ng kanyang friend? Imposible namang nagtuturo ito ng online ngayon dahil kahapon lang ay nakatext niya ito ay nagsabing nganga mode dahil walang students. At hindi pa alam kung kelan makakapagturo ulit. Depende kapag may students na ulit.
Mas okay sigurong puntahan niya at makamusta.
Papalabas pa lang siya ng bahay ay narinig na niya ang sunod-sunod na doorbell.
Baka dumating na ang kanyang parents.
“Kailangan niya ng karamay. Kailangan niya ng kausap sa mga sandaling ito.” Iyon ang nasa isip ni Mimi habang nakatayo siya sa harapan ng bahay nina Gareth. Nilalamig na siya kaya nanginginig na rin. Humalo na ang kanyang mga luha sa tubig. Sumigok-sigok siya.
Panay ang pindot niya sa doorbell at sana naman ay pagbuksan na siya ni Gareth.
Di nga siya nabigo. Pagbukas pa lang ng gate at pagkakita na agad sa kanya ng binata ay bakas sa mukha nito ang pagtataka at pagkabigla ng makita nito ang hitsura niya.
“Mimi, what happened?”
Imbes na sagutin niya ang kaibigan ay yumakap siya rito nang mahigpit. Na para bang paslit na nagsusumbong. Naramdaman niya ang pagyakap rin nito sa kanya.
Tuluyan na niyang ibinuhos ang pag-iyak sa bisig ng kaibigan.
“Mimi, why did you do that?” Gustong itanong iyon ni Gareth sa dalaga pero hindi niya naisatinig. Nakatingin lamang siya rito habang umiinom lang ito ng mainit na soup na kaagad niyang inihanda. Nakapagpalit na rin ito ng damit mula sa kanyang ipinahiram na t-shirt at boxer short.
Kasalukuyan silang nasa kusina.
Gusto niyang magalit rito. Maghinanakit. Kailangan ba nitong ibaba ang sarili para kay Calyx, samantalang heto siya. Naghihintay. May kulang pa ba sa kanya? Gusto niyang magwala habang nagkukuwento ito sa kanya kanina.
Naiinggit siya kay Calyx… in fact. Bakit ito pa ang napiling kabaliwan ni Mimi.
“Pagkatapos mo d’yan…ihahatid kita sa inyo.” Aniya.
Umiling ng marahan si Mimi. “Ayoko pang umuwi sa amin. Baka masermunan pa ‘ko lalo na kapag nalaman nila ang ginawa ko. Nakita ako kanina ni Manong na magbabalut,”
“Tsk tsk tsk!” Napakamot siya sa batok. May tama na talaga ang kaibigan. Gagawa ng kalokohan pero takot masermunan.
“Oo na! kasalanan ko na putsa! Pero ganito ako magmahal. Ganoon ako kabaliw sa kanya. Alam mo naman ‘yon di ba?”
Napatiim-bagang siya. Batukan na kaya niya ito para matauhan? Baka kung sakali ay mabaling ang atensyon nito sa kanya.
“Y-you know what?!” Ang sarap mong batukan” Gigil niyang sabi.
Malamig ang naging tawa ni Mimi. Saglit lang ay humikbi ito at naiiyak ulit.
“A-alam mo ba? para akong tanga na habol nang habol sa kanya through years. Lapit naman siya ng lapit sa ‘yo. Kaya pala.”
“Sabi ko na sa ‘yo, Pulpol ‘yang lovey dovey mo… pero ako pala ang gusto niya?” Pang-aasar niya.
“Letse ka! Letse! Huwag mo ng ipamukha sa akin. Ang sakit-sakit!”
“Ihahatid na kita sa inyo. Much better na ipahinga mo na “yang kabaliwan mo. Kapag inulit mo pa. I swear, ihahagis na kita palabas ng subdivision.”
“A-ayoko pa nga umuwi please.”
“Movie Marathon gusto mo? Netflix tayo!”
“Ayoko… Ang gusto ko ngayon…uminom! Tama, iinom ko na lang itong brokenness ko.” Nangalumbaba siya sa mesa.
“Alam mong di ako umiinom di ba?”
“Sasamahan mo ‘ko ngayong uminom. Damayan mo ‘ko. Di ba may alak kayo d’yan?” Tumayo si Mimi at nilagpasan siya nito upang tingnan ang cabinet na may mga lamang liquor. Mga koleksyon iyon ng kanyang ama. Isa-isang inusisa nto ang bawat bote.
Napahawak na lamang siya sa ulo. Mukhang mapapasubo sya sa Kaibigan dahil kailangan nito ang pagdamay niya,