One
Mildred sat on a chair comfortably while focusing her attention at the laptop
screen monitor. Kasalukuyan niyang hinihintay mag-online ang estudyante niyang batang
Koreano, na tuturuan niya ng Basic English Vocabulary.
Propesyon na matatawag at hindi lang basta trabaho para sa kanya ang pagtuturo. Parte
ito ng kanyang daily schedule as Online English Teacher, na mahigit two years na niyang
ginagawa.
“Anyeonghaseyo!” masigla niyang bati pagkakita pa lang niya sa kanyang student.
Start na ng kanilang session. Laging nkahanda ang kanyang friendly smile at huwag
kalimutan ang charming face, para kahit paano ay maging komportable sa kanya ang
bata.
Nakakailang tutorial siya sa buong araw kaya naman kahit ubos na ang oras niya
ay sulit naman dahil kapag payday na ay busog lagi ang kanyang bank account at purse.
Salamat sa kanyang mabait na employer na isang korean national.
Dalawang oras din tumagal ang kanyang tutorial. Tiyagaan lang. Thus, her classes
for today ended. Malaya na ang oras niya.
Wait, hindi pa pala! Sinulyapan niya ang kanyang wrist watch from Giftgate.
Nooo! Napahiyaw siya sa isip nang makita ang oras. Isang oras na lang pala at start
na ng gig ng kanyang bestfriend na kung saan sa Malate gaganapin. Kailangan pa
niyang magbiyahe mula Fairview papunta doon. How can be so careless she is?
Magtatampo tiyak si Gareth sa kanya.
Kaso, mag-uumpisa na rin ang inaabangan niyang Koreanovela. Binuksan niya ang
smart tv.
Saglit lang ‘to, titingnan ko lang! sa isip-isip niya.
Hanggang ang saglit niya ay tumagal at matapos niya ang pinapanood.
Distracted si Gareth habang kumakanta. Paano ay kanina pa niya hinahagilap ng
tingin si Mimi pero hindi niya makita.
Baka naman hindi pa dumarating?
O darating pa kaya?
Mimi, where the hell are you? I need you… aniya sa isip. Ramdam rin niya ang
samo ng kanyang puso. Parang gusto niyang mawalan ng gana sa pag-awit dahil wala
pa ang kanyang bestfriend. Mabuti na lang at maayos pa rin siyang kumakanta habang
occupied ang kanyang isip.
Subalit nakailang kanta na siya. Pinalitan na rin siya pansamantala ng isang banda
para maipahinga niya ang kanyang boses. Pero wala pa rin ang dalaga.
Mga thirty minutes pa ay sumalang na ulit siya. Muling nagpalakpakan ang mga
nasa crowd. Hindi pa man siya kumakanta ulit ay may mga kadalagahan na agad na
tumitili.
Papasok pa lang ng bar si Mimi ay dinig na niya ang magandang boses ni Gareth.
Napapikit siya saglit. Nanunoot sa kanyang pandinig ang malambing nitong pag-awit.
Hindi niya ikinakaila sa sarili na kahit paano, bilang isang babae ay may kilig siyang
nararamdaman kapag naririnig niyang kumakanta ang kaibigan. Hindi siya immune sa
taglay nitong charm. Kung paano nga kiligin ang mga kababaihang tagahanga nito ay
ganoon din naman siya. Pero hanggang doon lang.
Pagkakita pa lang sa binatang nasa entablado ay kinawayan na niya ito. Sana ay
hindi nagtatampo sa kanya si Gareth. Nakihalo siya sa mga dalagang nasa harapan.
'Now I know I have met an angel in person and she looks so perfect. I don’t deserve
this, You look perfect tonight.'
Nagkahiyawan ang mga dalaga sa unahan nang matapos ng binata ang kanta.
Tapos na ang session nito. Medyo guilty si Mimi dahil super duper late na siya. Hindi
muna siya kumilos sa kinatatayuan. Hinayaan niya munang makatapos magpa-selfie ang
mga tagahanga bago siya lumapit kay Gareth. Nang maubos na ang mga nagpapaselfie
ay inasikaso na nitong ayusin ang ilang gamit. Isinilid nito ang gitara sa case and stare at
her, as cold as Ice, na para bang may napakalaki siyang atraso rito.
Namula ang magkabila niyang pisngi hindi dahil sa nahihiya siya, kundi sa paraan
ng pagtingin nito. Pansin niya, kahit ano mang paraan ang pagtitig nito sa kanya, laging
may halong admiration.