Chapter 5

1162 Words
-Enzo- “Boss, sa tingin ko matatagalan pa tayo bago makaalis dito sa Japan? Sa ngayon po kailangan muna nating manatili din ng sa ganon ay matiyak natin ang magiging kaligtasan n’yo.” Nakayukong salita sa akin ni Dave habang ako naman ay nakatanaw sa may bintana at nakatalikod dito, uminom lang ako ng alak sa hawak kong bago at saka nanigarilyo. Malalim din ang aking pag-iisip kaya naman tumango na lang muna ako dito ng sa ganon ay umalis na rin ito sa aking harapan. Halos ilang buwan na rin akong na nanalagi sa iba’t-ibang bansa hanggang sa ngayon nga ay nakarating na ako sa Japan para hanapin at alisin sa landas ko ang mga Castro na siyang sumisira sa lahat ng transaction ko. Ang buong akala ata ng mga ito ay madali lang nila akong mahuhuli o mapapatumba ngun’t nagkakamali sila dahil sa may mga galaw akong hindi agad nalalaman ng iba o maging ang mga tauhan ko. Tinuruan ako ni Daddy na maging malakas makiramdam sa lahat ng bagay ay madali lang din naman sa akin matutunan ang lahat dahil sa dugong meron ako. “Rick, alam mo na ang gagawin mo?” Sambit ko sa kabilang lingya ng tawagan ko ang isang tauhan na alam kong kaylan man ay hindi ako kayang traydurin. “Copy Master.” Simpleng sagot lang nito at saka pinatay ang tawag ko. Napahinga naman ako ng malalim at muli akong naupo sa aking swivel chair para naman tignan sa laptop ko ang cctv footage kung saan makikita ko ang galaw ni Mercy sa loob at labas ng aking mansion. Alam ko naman hindi ito tatakas dahil alam din ng babae kung paano ako magalit. Napamura lang ako ng makita ko sa footage na kausap nito si Bella at mukhang may balak din ito kay Mercy kaya naman nagtxt na agada ko dito na huwag s’yang makialam sa plano ko. Ilang sandali pa ay nakita ko na lang din na umalis na rin si Bella at pumasok naman si Mercy sa kanyang kuwarto para magpahinga, napangiti naman ako ng makitang malaki na rin ang tiyan nito at base sa nakikita ko ay malapit na rin itong manganak. Nanatili pa akong nakatingin sa monitor hanggang sa nakita kong nakatulog na nga ang babae, pinatay ko na lang muna ang aking laptop at inilagay sa bag back ko. Nagready na rin ako dahil alam kongi lang minuto na lang din ay sasabog na ang buong lugar kung saan ako naroroon. Saktong nagsusuot na ako ng aking jacket ng nagmamadaling pumasok si Dave para sabihin ang naganap na malaking pagsabog sa kabilang building. Tumango lang din ako dito ng sabihin nitong kailangan na rin naming umalis hindi ako kumibo hanggang sa marating na rin namin ang roof top kung saan naroroon ang private plain ko at kanina pa rin naghihintay don. “Boss, mauna na po kayo sa loob at hihintayin ko pa po ang iba ng sa ganoon ay maisama na rin natin sila.” Sambit nito na ikinatingin ko lang din dito. “Wala ng darating dahil alam kong lahat sila ay nagtraydor sa akin. Ikaw Dave, isa ka rin ba sa kanila?” Tanong ko dito sa seryoso at demonyong tingin. “Boss, kaylan man ay hindi ko magagawang magtraydor sa inyo, buhay ko man ay kaya kong ialay sa inyo makita n’yo lang ang katapatan ko sa inyong pamumuno. Anito sa aking harapan at nagawa rin nitong lumuhod na parang ako lang din ang kinikilala nitong kanyang panginoon. “Tara na.” Simpleng sagot ko lang dito dahil sa noon pa man ay alam kong mapagkakatiwalaan ko si Dave kahit pa isa itong ex-convict ng makilala ko noon. Halos pitong taon ko na rin itong kanang kamay at alam na rin nito ang ilang transaction na kung minsan ay siya ang pinapupunta ko. “Master” Nakayukong sambit sa akin ni Ricky ng salubungin akong makababa ako sa isang private resort dito sa Japan na pag-aari nito. “Ricky, siya si Dave ang kanang kamay ko. Sa ngayon siya na lang ang natira sa mga tauhan kong inubos mo?” Turan ko dito na ikinagulat naman ni Dave at nagtatakang tumingin sa akin. “Ibig sabihin boss siya ang nagpasabog ng buong building mo?” Kuno’t noong tanong nito sa akin at saka itinuro pa si Ricky na wala naman pakialam kay Dave. “Dave, sinabi ko na sayong ayokong may traydor sa grupo ko at si Ricky ang nagmomonitor ng lahat ng transaction na meron ako kaya naman madali ko lang din malaman kung sino ang traydor sa grupo ko.” Paliwanag ko dito at naglakad ng konti at saka tumingin sa kawalan. “Masuwerte ka at malinis ang background mo kahit pa galing ka ng kulungan. Kaya naman mas maganda kung magiging tapat ka ng sa ganoon hindi agad makita si Satanas.” Sambit naman ni Ricky dito. “Alam mo na pala kaya h’wag kang umasa na magtraydor ako sa BOSS ko.” Maydiin naman na sagot dito ni Dave, at ramdam ko ang hindi magandang pagtatalo ng dalawa. “Tama nay an, pagod na ako at kailangan ko na rin magpahinga.” Singit ko dalawa at nauna na rin akong pumasok sa isang bahay na hindi naman ganoon kalaki ngun’t alam kong ligtas ako. Nakapagpahinga naman ako at nakatulog ng payapa hanggang sa maisipan ko na lang muna ang lumabas at nakakaramdam na rin naman ako ng gutom. “Master” Bati sa akin ni Ricky ng makita ko itong may ginagawa sa sarili nitong laptop. “Naguguto mako may pagkain na ba?” Tanong ko dito at naupo sa katapat nitong upuan. “Meron po Boss, nakapagluto na ako at nakahain na rin po.” Tinig naman ni Dave ng lumabas na rin ito sa kusina at mula roon ay naamoy ko ang masarap nitong niluluto. “Good” Sagot ko lang dito at saka na rin ako nagtungo sa kusina para kumain. Tahimik rinang dalawa na naupo para kumain kasabay ko at ng matapos ay si Ricky ang naghugas ng mga plato. Nagtungo naman ako sa may tabing dagat para magpahangin ng maramdaman ko nag pagsunod sa akin ni Dave at ramdam ko rin na may gusto itong sabihin sa akin. “Alam kong may gusto kang itanong sa akin, Dave?” Darechong taong ko dito na ikinagulat pa nito, lalo ng harapin ko ito at tignan sa kanyang mga mata. “Boss, alam kong hindi pa buo ang tiwala mo sa akin. Pero gusto ko pa rin gawin ang kahit na anong nanaisin mo? Sa ngayon po natatakot akong may mangyaring hindi maganda sa inyo dahil natitiyak kong malalaman din ng pamilya mo ang katotohanan. Pero may gumugulo lang sa isip ko na kung paano n’yo nagagawa ang lahat ng ito ng hindi alam ng kahit na sino ang nagiging galaw n’yo. Ngayon ko lang din po napatunayan na ibang utak meron ang isang De Lana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD