-Mercy-
Ayaw naman tumigil ang aking luha dahil sa hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa aking isipan ang mga narinig ko kanina na sinabi ni Enzo. Ito ang isang katotohanan na mahirap tanggapin pero kailangan kong gawin, ayoko na sanang umiiyak pero ayaw na rin tumigil ng aking mga luha habang isa- isa kong inaayos ang mga gamit ko na nakakalat sa sahig dahil naging pagtatalo naman naming ni Enzo ng pumasok siya dito kanina. Ang buong akala ko ay kakamustahin nito ang kalagayan ko yun pala ay hindi dahil sa muli lang akong nakatikim dito ng pananakit at kahit na anong pakiusap ko dito ay hindi rin naman ito nakikinig.
“Kamusta ka?” Tanong sa akin ng isang tauhan nito na ngiging tagabantay ko na rin naman ng ilang buwan dito sa mansion. Tinignan ko lang ito at hindi kumibo at muli lang ako tumingin sa kawalan, andito ako ngayon sa may kusina at umiinom ng tubig andito rin ang lalake at kumakain ng kanyang hapunan.
“Alam kong sinasaktan ka ni Master Enzo, pero kahit pa maawa kami sayo ay wala pa rin kaming magagawa na iaalis ka dito dahil buhay namin ang magiging kapalit noon.” Salita nito sa mahina at kalmadong boses. Hindi pa rin ako sumagot at umalis na lang ako dahil ayokong may ibang makakakita pa sa aming dalawa at isipin pa ng mga ito na may relasyon kami. Mas pinipili kong lumayo sa lahat ng sa ganoon ay wala na rin madamay pa sa katangahan ko. Pero kung minsan ay napapaisip ako kung hanggang dito na lang ba talaga ako, gusto ko pa naman sana magkapag-aral at makapagtrabaho sa isang magandang kompanya at ng mabigyan ko ng magandang buhay ang aking magiging anak.
Kinabukasan ay tanghali na rin ako bumangon dahil na rin sa masama ang aking pakiramdam, naupo lang muna ako sa kama at nagmuni-muni ng sa ganoon ay mawala ang mga alalahanin ko na dinadala. Nasa limang buwan na rin naman ang tiyan ko at aaminin kong nahihirapan na rin ako sa aking pagkilos o sa sitwasyon ko ngayon. Naligo na lang muna ako bago nagtungo sa may kusina para kumain dahil sa nakakaramdam na rin naman ako gutom at alam kong kailangan ko ng lakas dahil sa walang ibang tutulong sa akin kung di ang sarili ko lang.
Ngun’t nasa malapit na ako sa may kusina ng makarinig ako ng ungol na nagmumula sa may kuwarto na labis ko naman ipinagtaka dahil sa alam kong bodega ang nasa tabi ng kusina na kuwarto at walang nakakapasok dito kung di si Enzo at si Dave na personal body guard nito. Nagpasya akong lumapit at makinig subalit hindi ko rin naman inaasahan na nakabukas pinto na yon ng bahagya kaya naman nagawa kong sumilip sa loob at nakita kong may isang lalake don ang nakatali at nakapiring ang mata nito at pilit na rin kumakawala sa kanyang pagkakatali. Haggang sa bigla na lang din ito binaril ng kung sino at pumagsak sa sahig ang lalake, nanginig naman ang buo kong pagkatawan lalo na ng makita ko kung sino ang bumaril sa lalake. Si Enzo na malademyo ang tingin sa lalakeng wala ng buhay sa kanyang paanan. Halos tumalon naman ang puso at takasan ako ng aking kaluluwa ng makita kong nakatingin na sa akin
ngayon si Enzo at madilim ang mukha nito.
“What are you doing here?” Tanong nito sa malamig na boses. Napayuko naman ako at ayokong tumingil sa mga mata nitong walang buhay at puno lang ng galit.
“Pasensya ka na hindi ko naman sinasadya na makita ang pagpaslang mo sa lalake kanina, nagtaka lang ako dahil sa may umuungol kaya naman hinanap ko ang boses na yon at nakabukas na rin naman ang pintuan kaya naman sinilip ko at nakita ko na nga yung ginawa mo?” Paliwanag ko dito sa natatakot at nangangatok na boses. Wala namana ko narinig dito habang sa lumingon ito kay Dave na hila-hila na rin ang walang buhay na lalake. Yumuko rin ang ilang kasamahan nito kay Enzo bago tuluyang umalis. Sinundan ko naman ng tingin si Dave, hanggang sa hawakan ni Enzo ang baba ko at ibaling sa kanya angtingin ko.
“Sa susunod takpan mo yang tenga mo at hayaan mo lang ang mga tauhan ko na gawin nila ang trabaho nila dito sa loob at labas ng aking mansion, dahil utos ko lang ang kanilang susundin.” Mabangis nitong sambit sa akin at namumula na rin ito dahil sa nakikita kong nagpipigil na rin naman ito ng galit sa akin. Mabilis naman akong tumango dito at saka naman ako nito binitiwan at walang lingon- lingon na sumunod sa kanyang mga tauhan palabas. Napahawak naman ako sa aking dib-dib dahil sa takot na baka saktan naman ako nito dahil sa nakita kong pagpatay dito.
Buong araw naman akong walang ginawa kung di ang kumain at matulog, hanggang sa umabot ng tatlong linggo na hindi umuwi si Enzo na ikinatuwa ko naman ng konti dahil sa gumaling at natuyo ang ilang sugat ko ng dahil sa pananakit nito. Masaya na rin ako ng ilang araw na yon at dahil din don ay nakakalabas ko sa may bakuran nito ng walang nagagalit sa akin, hinayaan ko na lang din ang mga tauhan na nagbabantay sa akin. Naging tahimik din at payapa ang isip ko ng wala ang binata sa mansion nito at talagang ini-enjoy ko ang wala ito dahil alam kong sa pagdating nito ay magiging mahirap naman sa akin ang lahat.
Ngun’t isang araw ay dumating sa mansion ng binata ang isa sa mga kakambal nito at bunsong na si Bella na isang police at mafia din. Hindi naman ako natakot sa dalaga at madali ko naman ito nakapalagayan ng loob dahil na rin sa alam kong nauunawaan nito ang sitwasyon ko. Lumipas pa ang ilang araw ay walang Enzo na dumating hanggang sa nalaman ko rin sa kapatid nitong si Bella na may malaking transaction naman itong tinatapos sa ibang bansa at hindi agad ito makakauwi agad. Sumang-ayon naman ako sa kapatid nito hanggang sa lumipas pa ang ilang buwan ay nanatili pa rin ako sa mansion at nakakaramdam na rin ako ng lungkot dahil sa aking pag-iisa. Malaki na rin ang tiyan ko at ilang linggo na lang din ay manganganak na ako pero masama mang isipin sana ay hindi na rin muna dumating si Enzo ng sa ganoon ay maging panatag ang aking kalooban na ipanganak ang aking anak, kapag kasi narito sa paligid ang binata ay nagkakaroon ako ng takot na baka itakas nito ang aking anak at tuluyan ko na rin itong hindi makita.