Chapter 3

1166 Words
-Enzo- Hindi naman maipinta ang mukha ko dahil sa naiinis pa rin ako sa babaeng naging kasama ko kagabi, sa totoo lang ay hindi ko naman gusto na makipagtalik sa iba’t-ibang klaseng babae. Masama lang ang loob ko dahil sa hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap na niniwan ko ni Cathy ang babaeng gusto kong makasama sa buong buhay ko at maging bahagi ng buhay ko. “Ialis n’yo sa harapan ko ang babaeng yan at ayokong muli siyang lalapit sa akin. Tapos na rin naman ako yan kaya naman wala na rin naman ako pakialam sa kanya.” Utos ko sa aking tauhan ng sapilitan nilang ibinababa ang babaeng ni sa pangalan ay hindi ko alam, nagpipilit pa kasi ang babae na sumama sa akin sa office ko at kung umasta ay akala mo ay kasintahan ko. Isa yan sa ayaw ko ang ariin ako ng sino man o nino man lalo na kung isang babaeng bayaran lang naman. Darecho akong pumasok sa loob ng building ng office ko at tulad ng dati ay wala pa rin akong kinikibo kahit pa nagbibigay sila sa akin ng paggalang. Ako ang boss nilang lahat at batas ko lang din ang pwdeng masunod at wala akong pakialam sa kanilang lahat o kahit sino pa ang masagasaan ko. “Master, nasa loob po ng office ninyo si Madam. Kanina pa rin po kayo inaantay nito.” Magalang at nakayukong bungad sa akin ng aking secretary na isang nerd. Kuno’t noo naman ako tumingin dito at napatigil pa ako dahil sa isiping ano ang ginagawa dito ni Mommy. Inayos ko pa ang suot kong office attaire bago ko binuksan ang pintuan at matatalim na tingin ng aking ina ang sumalubong sa akin. Binaliwala ko naman iyon at ngumiti ako dito na parang walang alam sa kung ano talaga ang pakay nito sa akin. “H’wag mo akong ngitian ng ganyan Enzo Lorence kung ayaw mong ngayon pa lang ay itakwil na kita bilang anak ko.” Galit at may diin nitong sambit sa akin at saka ako nito inirapan at tumingin sa kawalan. Nakaramdam naman ako ng takot dahil mukhang tama ang hinala ko dito ngayon, pero pinanatag ko pa rin naman ang aking sarili at nanaliting walang alam dito. “Mommy, ano naman po ang ginawa ko?” Patay malisya kong tanong dito at naupo pa ako sa tabi nito ng sa ganon ay madali ko rin naman ito masuyo. Sa aming pamilya ay si Mommy ang mas kinatatakutan naming magkakapatid, mabait ang aming ina subalit mas double ang pagiging leon nito kapag nagagalit kaya maging si Daddy ay tumitiklop dito at nababahag ang buntot. “Sino namang babae ang nilapastangan mo, ha? Hindi ka na ba napapagod na kung sino-sinong babae ang nakakasama mo samantalang hindi mo naman sila asawa ko kasintahan. Hindi ka na ba talaga magbabago, ha?” Nakasimangot na tanong ng aking ina. Napayuko naman ako sa harapan nito na at para akong batang pinagagalitan nito. “Eh, Mommy sila po ang lumalapit sa akin at sabi n’yo po bawal tumangi sa grasya. Kaya po ganon ang ginawa ko Mommy, lahat sila ay pinagbibigyan ko.” Maloko at nakangiti ko pang sagot dito na mas ikinasimangot naman nito sa akin. Nakatikim naman ako ng malakas na batok dito na hindi ko inaasahan, at kasabay noon ang pagbukas ng pintuan at iniluwa mula doon si Daddy na nakasimangot na rin ang mukha. “Honey, hayaan mo na lang muna ang ating anak sa gusto nitong gawin. Sa tingin ko naman maiisipan rin n’yang magpakasal sa babae kapag na-realize na rin n’yang matanda na siya.” Preskong sambit ni Daddy sa aking Mommy na ikinataas naman ng kilay nito sa aking ama. “So, ano hahayaan mong ganyan lang ang anak mo? Anong klase kang ama kung ang mga anak mo hindi mo kayang isupil, kung alam ko lang magiging ganito kalalabasan ng pagpapakasal ko sa’yo, dapat pala ay noon pa man ay tumutol na akong makilala ka ng mga anak ko.” Naiinis at naluluhang salita ni Mommy at galit na rin itong umalis na sinundan naman agad ng aking ama. Nag-iwan ng isang pagbabantang tingin sa akin si Daddy na ikinayuko ko na lang din dito. Napahinga naman ako dahil natitiyak kong lahat kaming magkakapatid at madadamay sa away ng aming mga magulang. Lumipas pang ilang araw ng ibalita sa akin ng tauhan kong si Dave na natagpuan na walang malay si Mercy sa loob ng banyo nito. Mabilis din akong nakabalik sa mansion ko at nakita kong pababa na mula sa hagdaan ang kaibigan kong si Yvette na isang doctor. Masama naman ang tingin nito sa akin na ikinatahimik ko naman dahil alam kong sesermunan naman ako nito at dahil sa matagal na rin kaming magkaibigan ay hindi ko rin naman magawang magalit dito. “Hindi na ako magtatanong kung anong ginagawa dito ng babaeng yan, pero gusto ko lang malaman mo na positive ang paternity test na ginawa natin sa kanya at alam mong sa sarili mo na dapat mong tanggapin ang batang at ang ina nito sa buhay mo.” Paliwanag sa akin ni Yvette na masama pa rin ang tingin sa akin. “NO, bata lang ang kaya kong tanggapin at hindi ang ina n’ya.? Alam mo kung paano nawala sa akin si Cathy, at dahil sa babaeng yan lahat ng plano at pangarap ko ay nasira? Tapos ngayon gusto mo na lang tanggapin ko ang babaeng yan? ANG BABAENG SUMIRA NG LAHAT?” Pasigaw ko na rin sagot dito at halos sumabog na rin ako sa gali. Dahil sa galit na galit pa rin ako sa tuwing maiisip kong iniwan ako ni Cathy ng dahil lang sa magkakaanak ako sa ibang babae. “At anong gagawin mo? Habang buhay mong paparusahan si Mercy kahit pa wala naman talaga siyang kasalanan sayo? Alam mo pasalamat ka pa nga dahil magkakaroon ka ng anak sa babaeng alam mong kaya kang mahalin ng totoo. Hindi gaya sa girlfriend mong alam naman nating lahat na pera mo lang ang habol sayo.” May diin na rin na sambit sa akin ni Yvette na ikinalaki ng aking mata at ikinatigil ko sa isang tabi dahil sa alam kong tama ito sa kanyang sinabi. “Enzo, alam naming lahat na demonyo ka at kayang mong saktan ang kahit na sino, pero naisip mo rin bang maaaring maging katulad mo ang inyong anak sa oras na ipanganak na ito? At hindi ka ba natatakot na lalaki s’yang kasing sama mo?” Nakataas na kilay na tanong sa akin ng aking kaibigan habang sa inaayos nito ang kanyang bag at akmang aalis na ito ng makita kong nakatayo sa itaas ng hagdaan si Mercy na umiiyak. Tinapik naman ako sa balikat ni Yvette bago ito umalis sa harapan ko. Para naman ako nanghina dahil sa alam kong maaring matulad sa akin ang magiging kapalaran ng aking anak at aaminin kong ngayon lang ako natakot ng ganito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD