-Enzo- Nasa loob ko ng aking library ng makarinig ako ng katok mula sa labas at napatingin ako sa nakasaradong pintuan dahil boses ni Mercy ang naririnig ko. Pinagbuksan ko ito at nakita ko ang gulat nito sa kanyang mukha. “Anong kailangan mo? Si Miracle sino ang nagbabantay sa kanya?” Tanong ko dito at napatingin ako sa labi nitong literal na mapupula. Napahilot pa ako sa aking batok dahil sa pinipigilan kong hindi naman maaakit sa babaeng ina lamang ng aking anak. “Nasa kuwarto at natutulog ang anak mo. Nagpunta lamang ako dito para itanong sayo kung pwde na bang pag-usapan nating dalawa ang tungkol sa binyag ni Miracle, ayoko kasing lumaki ang anak ko na hindi siya nabibinyagan.” Nahihiya at kinakabahan nitong sambit sa akin. “Ako na lang ang bahala don sasabihin na lang kita kapag

