-Mercy- Abala ngayon ang lahat dito sa mansion dahil sa magaganap na binyag ni Miracle. Nang sinabi ni Enzo na dito na lang idaraos ang binyag ng aming anak ay hindi na rin ako tumutol pa dahil sinabi nitong baka maging mapanganib kung sa lalabas pa kami para lang sa maliit na okasyon na ito. Bilang ina ay okey na rin sa akin ang ganito ang bahala lang naman ay mabigyan ito ng basbas galing sa may kapal at makilala nito ang taong may likha. “Madam, nariyan na po si father ang magbibinyag sa inyong anak.” Magalang na sambit sa akin ni Aling Chedeng at nakangiti pa ito sa akin. “Sige po Aling Chedeng susunod na po kami ni Miracle.” Sagot ko dito at gumanti ng ngiti sa matanda. Nauna na rin naman itong naglakad at nakasunod naman ako dito, nasa may hardin na kami ng makita kong maayos na n

