-Catherine- “Nakakainis na talaga ang lalakeng yon, sinaktan naman niya ako.” Pagmamaktul ko ng makapasok na ako ng mismong bahay ni Nolie ang kalaguyo ko sa loob din ng ilang taon. Actually, mas nauna ko itong naging boyfriend kaysa kay Enzo De Lana na walang puso at kaluluwa. Kaya ko lang naman nakilala si Enzo at dahil din naman sa nagkan ni Nolie na malaki ang galit sa pamilya ni Enzo. “Ano naman ba kasi ang ginawa mo at nagalit sayo ang binatang yon, ha?” Tanong nito sa akin at saka inabot nito sa akin ang hawak nitong baso na may lamang alak na mukhang kanina pa rin naman nito iniinuman. “Wala nan ga akong ginagawa sa h*yop na lalakeng yon kung di ang antayain itong dumating sa mansion. Kung minsan pa nga napapanis na ako sa kakaantay sa lalakeng yon.” Inis ko pa ring sambit kay N

