CHAPTER EIGHT

2991 Words
UNTI-UNTING nakaaninag ng liwanag si Tisay habang marahan niyang iminumulat ang kanyang mga mata. Masakit pa rin ang kanyang ulo dahil sa pagkakahampas no’ng lalaki ng kahoy doon kaya naman hindi pa siya masyadong nakakabalik sa sarili. Pinakiramdaman niya ang kanyang paligid. Ang alam lang niya ay nakahiga siya sa kama at nakatali ang mga kamay at paa niya. Wala muna sana siyang balak na gumising dahil sa sakit ng ulo ngunit nang may maramdaman siyang basang bagay na kumakalikot sa kanyang kaliwang tenga ay napilitan siyang imulat ang kanyang mata. Nahindik siya nang makita niya na dinidilaan ng isang lalaki ang loob ng kanyang tenga! Habang ang isa naman ay nakangising nakatunghay sa kanya. Kapwa walang suot na pang-itaas ang mga ito. Agad niyang iniiwas ang tenga at mukha sa mga ito. “Pakawalan niyo ako dito! Mga hayop kayo!” sigaw ni Tisay na may kasamang pagwawala. Hindi niya napigilan ang matakot. Alam niya kasi ang balak na gawin ng mga ito. Magkasabay na tumawa lang ang dalawa na para bang natutuwa ang mga ito sa takot na nakarehistro sa mukha niya. Patuloy lang siya sa pagwawala. Hinihila niya ang mga kamay at paa niya. Umaasa siya na kahit isa man sa mga iyon ay magagawa niyang pakawalan. Ngunit sa pagkakataong ito ay mahigpit na ang pagkakatali sa kanya. Wala na talagang balak ang mga ito na pakawalan siya. Umupo ang isa sa tabi ng ulo niya at hinawakan ang kanyang ulo. Iyong isa naman ay may inilabas na gunting at ginupit nito ang kanyang damit. “Mga baboy kayo! Hayop!” patuloy na sigaw ni Tisay. Napalingon siya sa kaliwa nang may marinig siyang pumalakpak doon. Halos sumabog ang ulo niya nang makita niya sina Carlene at Samuel na prenteng nakaupo sa isang magarang upuan habang tila pinapanood siya. Tumayo pa si Carlene habang pumapalakpak. “Wow! Sa iyo pa talaga nanggaling ang mga salitang iyan, Tisay? Baboy at hayop? Dine-describe mo ba ang sarili mo? Hindi ba’t ikaw ang hayop dahil inahas mo ang asawa ko at isa ka ring baboy dahil ikaw pa talaga mismo ang nagpadala ng s*x video niyo ng asawa ko!” Napatingin siya kay Samuel at bumakas ang pagtataka sa mukha nito. “Oh, yes! I checkedyour phone na ibinigay sa akin nina Rico and Douglas. At nakit ko doon ang video at ang email address na ginamit mo.” Muli itong umupo na akala mo ay isa itong reyna na nasa trono. “T-tisay, totoo ba ang sinabi ni Carlene? I-ikaw ang nagsend sa kanya ng video?” Hindi makapaniwalang tanong ni Samuel. “Oo, Samuel. Ako nga! At sinadya kong kunan ang pagse-s*x natin para ipakita sa asawa mo!” Walang panginginig na pag-amin niya. Wala na rin namang saysay kung itatanggi niya iyon dahil nakalatag na ang ebidensiya. “B-bakit?” “Ano ka ba, Samuel? Obvious ba? Gusto niyang masira ang marriage natin kaya niya iyong ginawa. Gusto niyang maghiwalay tayo at kayo ang magsama! Ambisyosang kabit!” Si Carlene ang sumagot sa tanong ni Samuel. Ngumisi siya. “Ikaw yata ang ambisyosa, Carlene. Ako? Gustong masira ang marriage niyo? Ano ang sisirain ko kung matagal nang sira? Ikaw itong ambisyosa na ayusin ang pagsasama niyo kahit wala nang pag-asa! Ikaw itong ambisyosa na pagtakpan ang sira niyong relasyon sa lahat!” Kahit papaano ay nakaramdam ng saya si Tisay nang makita niya na namumula ang mukha ni Carlene sa mga sinabi niya. Isa lang ang ibig sabihin niyon-- apektado ito dahil iyon ang totoo. Hindi nakapagsalita si Carlene. Galit na galit lang itong nakatingin sa kanya. “O, napipi ka na yata diyan. Bakit? Totoo, 'di ba? Isa pa, wala akong balak na agawin nang tuluyan si Samuel sa iyo. Hindi ko naman mahal ang asawa mo!” Pagpapatuloy niya. “H-hindi mo ako mahal?” ani Samuel. “Yuck! Bakit ko naman mamahalin ang isang nakakadiring tao na katulad mo, Samuel?! Kung alam mo lang kung gaano ako kadiri kapag hinahalikan kita at nagtatalik tayo. Ginawa ko lang lahat ng iyon dahil parte iyon ng plano ko!” Sa isang iglap ay pinuno ng poot ang mga mata ni Tisay. Poot na tila apoy na kayang tupukin ang kahit na sino! “Plano?” Magkasabay na bulalas nina Carlene at Samuel. Sinenyasan ni Carlene ang dalawang lalaki na kasama niya sa kama na umalis sa tabi niya. Tumalima naman agad ang mga ito. Bumaba ang dalawa sa kama at lumabas ang dalawa ng silid na iyon. Tumayo ang mag-asawa at lumapit sa kanya. Puno ng katanungan ang mukha ng mga ito. “Oo. Plano ko. Plano ko na maghiganti sa inyong dalawa!” Hindi na kaya ni Tisay na itago pa ang katotohanan. Kung mamamatay man siya ngayon sa lugar na ito, hindi niya hahayaan na hindi malaman ng mga ito kung sino talaga siya. Tinaasan siya ng isang kilay ni Carlene. “Alam mo, ang dami mong sinasabi! Nililibang mo lang kami para maantala ang gagawin sa iyo nina Rico at Douglas--” “Si Mariza! Mariza Maranan!” bulalas niya. Kapwa nagulat ang dalawa sa pangalan na binanggit niya. Hindi na rin nagulat si Tisay sa reaksyon ng dalawa. Inaasahan na niya iyon. “P-paano mo n-nakilala si Mariza?” si Samuel ang unang nagtanong. “Bago ko sagutin iyan, gusto ko munang ipaalala sa inyo ang ginawa niyo sa kanya! Pinatay niyo si Mariza! Mga mamamatay-tao kayo! Napaktakpan niyo ang krimen na iyon dahil sa may malakas ang koneksyon ng pamilya nina Carlene. Tama ba ako?” Pagsisiwalat niya. “Nagtataka ba kayo kung bakit alam ko? Nandoon ako. Saksi ako sa krimen na iyon! At may ebidensiya ako na magdidiin sa inyong dalawa na kahit ang koneksyon at kapangyarihan ng pamilya mo, Carlene, ay walang magagawa. May video ako ng pagpatay mo kay Mariza Maranan! At ako lang ang nakakaalam kung nasaan ang video. Hawak iyon ng isang taong pinagkakatiwalaan ko. Kapag oras na nalaman niyang may nangyaring masama sa akin o kaya ay matagal akong nawala, ibibigay niya iyon sa mga pulis! At kayong dalawa, mabubulok kayo sa kulungan!” “Nagsisinungaling ka! Kabit ka na nga, sinungaling ka pa! Tinatakot mo lang kami. Sorry, Tisay, pero hindi ako naniniwala sa iyo!” Tumatawa si Carlene pero halata ang takot sa mukha nito. “Rico! Douglas! Pumasok na nga kayo dito at babuyin niyo na ang hayop na babaeng ito!” Papasok na sana ang dalawa ngunit biglang sumigaw si Tisay. “Hindi ba kayo nagtataka kung bakit ako naghihiganti para kay Mariza Maranan?!” Unti-unting namuo ang luha sa mata niya. Tila tinatakpan niyon ang poot na kanina pa naroon. “Dahil ako ang anak ni Mariza Maranan!” deklara niya na labis na ikinagulat nina Carlene at Samuel. Sa paglaglag ng luha ni Tisay at siya ring pag-agos ng nakaraan… -----ooo----- NAPAHINTO si Tisay sa pagpasok sa bahay nila nang marinig niya ang sigawan ng nanay at tatay niya sa kwarto ng mga ito. Agad siyang pinanghinaan dahil sa nasasaktan siya kapag nakikita niyang nag-aaway ang mga magulang niya. Sinasabayan pa iyon ng pag-iyak ng limanng taong gulang niyang kapatid na babae. Nasa harapan ito ng pinto ng kwarto ng mga magulang nila. “Umamin ka na, Mariza! Sino ang kabit mo?!” sigaw ng tatay niyang si Jerry. “Sinabi nang wala akong kabit!” sagot naman ng nanay niya. Mabilis niyang nilapitan ang kapatid niya at tinakpan ang mga tenga nito. “Elisa!” Naiiyak niyang tawag dito. Binuhat niya ito at dinala sa kwarto nilang magkapatid. Lagi na lang ganoon ang eksena sa bahay nila tuwing uuwi siya mula sa school. Naaabutan niya palaging nag-aaway at nagsisigawan ang nanay at tatay niya. Simula nang may makapagsabi sa tatay niya na may nakakita sa nanay niya na may kasamang lalaki sa isang kainan ay nagkaroon na ng hinala ang tatay niya na may ibang lalaki ang nanay niya. Na sa tingin naman niya ay totoo. Hindi siya bulag para hindi maramdaman na may ibang lalaki ang nanay niya. Bigla na lang itong naging consious sa sarili nito. Bumibili ito ng magaganda at mamahaling damit na hindi nila alam kung saan ito kumukuha ng pera. Madalas din itong wala sa kanilang bahay kahit wala naman itong trabaho. Mas madalas itong wala sa bahay kapag Sabado at Linggo. Natuto na rin itong mag-make up at kapag may tumatawag dito, nagkukulong pa ito sa banyo para kausapin ang tumatawag dito. Isang gabi habang nakatambay siya sa labas ng kanilang bahay ay nakita niya na may naghatid ditong isang lalaki gamit ang kotse. Sa loob ng kotse ay naaninag niya na naghalikan pa ang dalawa. Hindi na lang niya iyon sinabi sa tatay niya dahil may sakit ito sa puso. Natatakot siyang baka atakihin ito sa puso kapag nalaman nito ang nakita niya. Hinayaan na lang niya ang nanay at tatay niya sa pagsisigawan ng mga ito. Pinatahan naman niya ang kanyang kapatid na patuloy pa rin sa pag-iyak. “Elisa, tahan na… Huwag ka nang umiyak…” aniya dito. Pilit niyang pinipigilan ang luhang nagbabadyang pumatak. “Ate, totoo ba na maghihiwalay na sina mama at papa?” Umiiyak na tanong ni Elisa. Umiling siya. “H-hindi. S-sinong may sabi?” “Si mama, ate! Ang sabi niya kapag hindi tigil si papa sa pag-away sa kanya, hihiwalayan na niya si papa!” Saglit siyang natigilan. Muli siyang umiling. “H-hindi iyon magagawa ni mama. Hindi sila maghihiwalay, okay? Tahan na…” Pinunasan niya ang luha ng kapatid niya gamit ang kanyang mga kamay. -----ooo----- LUMIPAS pa ang ilang buwan at parang nasanay na si Tisay sa pag-aaway ng mga magulang niya. Away sa iisang dahilan-- ang hinala ng tatay niya na may ibang lalaki ang nanay niya. Labing-pitong taon na siya habang pitong taon na si Elisa. Pati ang kapatid niya ay nasanay na rin yata sa sigawan ng mga ito. Kapag nag-aaway ang mga ito ay tumatakbo na lang ito sa kwarto at nagkukulong. Napansin din niya na palaging walang imik si Elisa at hindi nakikipaglaro sa mga bata sa labas. Mas gusto nito na mag-isa. Kahit sa kanya ay hindi ito masyadong nakikipag-usap. Naisip ni Tisay na iyon ang naging epekto ng palaging pag-aaway ng mga magulang nila. Naging malungkutin ang kanyang kapatid. Habang siya ay patuloy na umaasa at nagdarasal na magkakaayos din ang nanay at tatay niya. Ngunit mismong ang tatay niya ang nakabasa ng text ng lalaki ng nanay niya. Ngunit itinanggi pa rin iyon ng nanay niya. Mahal na mahal niya kasi ang dalawa lalo na ang nanay niya. Kumpara sa tatay niya ay mas close siya dito. Nang umagang iyon ng Sabado ay wala ang tatay niya. Pang-gabi kasi ito sa pinagtatrabahuhan nitong factory kaya wala pa ito. Pauwi pa lang ito. Isa itong supervisor doon. Ang nanay naman niya ay nasa kwarto at kanina pa hindi lumalabas. Mabilis lang itong nag-almusal kanina at naligo tapos ay pumasok na sa kwarto. Nakaupo sila ni Elisa sa sahig sa salas at tinuturuan niya ito sa assignment nito nang lumabas ang nanay nila sa kwarto. Hindi pa man niya ito nakikita ay amoy na amoy na ni Tisay ang napaka bangong amoy nito. Tiningnan niya ito at nakita niya ang nanay niya na nakasuot ng magandang kulay pulang damit. Napakaganda nito kahit thirty-five years old na ang nanay niya. Isa iyon sa hinahangaan niya sa kanyang nanay. Magaling itong magdala at mag-alaga sa sarili nito. Sana, kapag dumating siya sa ganoong edad ay kasing-ganda rin siya nito. “Saan po ang punta niyo, mama?” tanong niya nang lumapit ito sa kanila ni Elisa. Tumayo silang magkapatid mula sa sahig. “Sa kaibigan ko lang…” Binuksan nito ang shoulder bag nito at inilabas ang pitaka. Binigyan siya ng nanay niya ng limang libong piso. “O, panggastos niyo ni Elisa. Bumili kayo ng ulam at iyong matitira ay ipang-mall niyo. Sabado naman ngayon. Walang pasok.” “Ang laki naman po nito, mama. Sa’n kayo kumuha nitong pera?” “'Wag mo nang itanong kung saan. Basta, para sa inyo iyan ni Elisa. Mag-iingat kayo.” “Hindi niyo na po ba hihintayin si papa? Padating na po iyon.” Umiling ito. “Nagmamadali ako, e. Pakisabi, na kina Angeline lang ako.” “Opo, mama.” “Sige, aalis na ako.” “Ingat ka po, mama!” Hinatid pa nila ni Elisa ang nanay nila sa may pinto ng kanilang bahay. Nakita niya na sumakay ito sa tricycle ng kapitbahay nila na si Mang Adolfo. Hindi malaman ni Tisay kung bakit kinakabahan siya. Iyong bigla na lang bumilis ang t***k ng puso niya na parang may masamang mangyayari. Parang may bumubulong sa kaniya na kailangan niyang sundan ang nanay niya. Hindi na nag-isip pa si Tisay. Kinausap niya agad si Elisa. “Elisa, dito ka lang, ha. Huwag ka lalabas. Hintayin mo si papa. Sabihin mo sa kanya, susundan ko lang si mama. Naiintindihan mo ba?” “Bakit ka aalis, ate? Susundan mo si mama kina Ninang Angeline?” “Oo. Basta! Gawin mo na lang ang sinabi ko.” “Sige, ate…” Mabilis siyang pumunta sa kwarto nila ni Elisa. Kinuha niya ang kanyang pitaka at cellphone at lumabas na siya ng kanilang bahay. Eksaktong paglabas niya ay dumating si Mang Adolfo sakay ng tricycle nito. Pinara niya agad iyon. “Mang Adolfo, saan po nagpahatid si mama?” tanong niya sa matanda. “Sa may terminal ng mga van.” Malapit lang iyon dito. “Pakihatid naman po ako doon. Nandoon pa po kaya si mama?” “No’ng umalis ako, nandoon pa siya.” Nagmamadaling sumakay si Tisay sa tricycle ng matanda. “Pakibilisan na lang po, please!” Pakiusap niya dito. Naabutan pa niya ang mama niya sa terminal ng van. Hindi ito sumakay sa isang van kundi sa isang taxi. Pumara rin siya ng taxi at inutusan niya ang driver na sundan ang taxi na kinalululanan ng nanay niya. Sa isang subdivision pumunta ang nanay niya at pumasok ito sa isang bahay. Ang ipinagtataka ni Tisay ay hindi naman doon nakatira ang kaibigan nitong si Angeline. Isa pa ay hindi ito kumatok sa bahay. Nakapasok ito gamit ang isang susi. Nang nasa loob na ang nanay niya ay inakyat niya ang hindi kataasan na bakod at nagtago siya sa likod-bahay. Hindi niya pa rin alam kung ano ang gagawin ng nanay niya sa bahay na iyon at kung sino ang nakatira doon. Naisip niya na hihintayin na lang niya na makaalis ang nanay niya. Ngunit sumapit na ang gabi at nalipasan na siya ng gutom ay hindi pa rin ito lumalabas. Hanggang sa may marinig siyang ugong ng sasakyan. Tahimik siyang naglakad papunta sa harapan ng bahay at nagtago sa makakapal na halaman sa gilid ng bahay. Nakita niya na may bumabang lalaki sa sasakyan. Natatandaan niya ito-- ito iyong lalaki na nakita niyang naghatid sa nanay niya ilang taon na ang nakakalipas! Pumasok ito sa bahay. Sa kinaroroonan niya ay may bintanang nakabukas. Sumilipsiya doon at kitang-kita niya ang salas ng bahay. Lumabas sa isang silid ang nanay niya at binuksan ang pinto. “Happy second anniversary to us, Samuel!” Niyakap ng nanay niya ang lalaki. Hinawakan ng nanay niya sa kamay ang lalaki matapos nitong yakapin iyon at hinila papasok. “Tara, pasok ka na sa loob. Nagluto ako ng dinner. Pinag-aralan ko pa talaga iyon para maging special talaga ang gabing ito. Kumain na tayo para matikman mo iyon at--” “Hindi na rin ako magtatagal…” turan ng lalaki. “Ha? A-anong sabi mo?” Bunakas ang lungkot at pagtataka sa mukha ng nanay niya. “Mariza, pumunta ako dito para sabihin sa iyo na ayoko na. Tigilan na natin ang relasyong ito.” Sa mga narinig ni Tisay na usapan ng dalawa ay nalaman niyang totoo ang binibintang ng tatay niya sa nanay niya. Pinalagpas niya ang nakita niyang kahalikan ng nanay niya sa kotse dahil baka nagkamali lang siya ng tingin. Pero itong nasasaksihan niya ngayon ay isang malaking ebidensiya ng pagloloko ng nanay niya! “S-samuel, nagbibiro ka ba? Second anniversary natin ngayon.” “Alam na ni Carlene… Nasa kotse siya at naghihintay.” Sa pagkakataon na iyon ay inilabas niya ang kanyang cellphone at vinideohan ang nangyayari sa salas. Hindi niya alam pero ngayong sigurado na siya sa pagtataksil ng nanay niya ay naisip niyang dapat na itong malaman ng tatay niya. Kahit alam niyang pwedeng ikasama nito ang katotohanan pero hindi niya hahayaan na patuloy na lokohin ito ng sarili niyang ina. Ipapakita niya sa tatay niya ang video bilang ebidensiya! “Ayoko na talaga. Ang totoo niyan ay hindi naman talaga kita minahal. Ginawa lang kitang parausan. Saka, hindi lang ikaw ang naging babae ko. Marami kayo!” Umiyak si Mariza sabay takip ng kamay sa tenga. “Hindi totoo 'yan! Mahal mo ako! Mahal mo ako, Samuel!” sigaw pa nito. Aalis na sana ang lalaki pero humarang ang nanay niya sa pinto sabay lock niyon. “Hindi ka aalis! Akin ka lang, Samuel! Alam na rin ng asawa ko ang tungkol sa atin. Lumayo na lang tayo. Doon sa hindi tayo masusundan ng mga asawa natin!” Niyakap niya ito ng buong higpit. “Samuel, parang awa mo na. 'Wag mo akong iwanan! Mahal na mahal kita! Mamamatay ako kapag iniwan mo ako!” “Baliw ka na!” sigaw ng lalaki sabay tulak sa nanay niya. Inalis na nito ang pagkaka-lock ng pinto. Nagulat si Tisay nang biglang kumuha ng bote ang nanay niya at itinutok iyon sa leeg nito. “Samuel!!! Kapag iniwan mo ako, magpapakamatay ako!” Isang magandang babae ang biglang pumasok na sa tingin ni Tisay ay ang asawa ng lalaki ng nanay niya. “Samuel, matagal pa ba 'yan?” tanong nito. Umiiyak na siya ng sandaling iyon ngunit pinipigilan niyang gumawa ng anumang ingay. “E, magpapakamatay daw siya!” sabi no’ng Samuel. “Really?” Lumapit ang babae sa nanay niya. “Go! Magpakamatay ka, kabit!” “Ikaw ang papatayin ko!” sigaw ng nanay niya. Sinugod ng nanay niya ang babae pero naagaw ng huli ang basag na bote. Nahawakan nito ang nanay niya sa braso at inilagay nito iyon sa likod nito. Itinutok nito ang bote sa leeg ng nanay niya. “You can’t kill me! Pero ako? Kayang-kaya kong gawin 'yon sa iyo!” Nanlaki ang mga mata ni Tisay nang itarak ng babae ang basag na bote sa leeg ng nanay niya. Napaluhod ang nanay niya at hinugot ng babae ang bote sa leeg nito. Bumulwak mula roon ang maraming dugo. “Tapusin mo na 'yan, Samuel! Kailangan na nating bumalik ng mansion before eight o’clock! Palagi na lang ako ang naglilinis sa duming ikinakalat mo! Weak!” ani ng babae sabay labas. Nanginginig na ang mga kamay ni Tisay sa paghawak sa cellphone niya. Ngunit hindi siya pwedeng makita ng mga ito dahil baka pati siya ay saktan ng mga ito. “T-tulungan mo a-ako…” Pagmamakaawa ng nanay niya sa lalaki. Pero hindi ito tinulungan ng lalaki. Bagkus, naglabas ito ng isang baril at magkasunod na pinaputukan ang nanay niya sa noo. Walang buhay na bumagsak ang nanay niya sa sahig. Dilat ang mga mata na para bang nakatingin pa sa kanya!        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD