CHAPTER NINE

3050 Words
TIGALGAL at hindi malaman ni Samuel ang kanyang sasabihin sa mga isiniwalat ni Tisay. Wala siyang kaide-ideya na ito pala ang panganay na anak ng naging kabit niya noon na si Mariza. Si Mariza na napilitan niyang patayin dahil na rin sa takot kay Carlene. Kagaya ng naramdaman niyang pagkagusto kay Tisay ang naramdaman niya noon kay Mariza. Kapwa gusto na niyang seryosohin ang dalawa ngunit may humihila sa kanya na huwag dahil sa kanyang asawa na si Carlene, dahil sa takot niya dito. “Ano?! Bakit hindi kayo magsalita? Hindi ba kayo makapaniwala na binabalikan kayo ng bangungot na matagal niyo nang kinalimutan?!” Pasigaw na tanong ni Tisay sa kanila ni Carlene. Nagbabaga ang mga mata nito sa galit. Nasa bungad ng pintuan ang mga tauhan ng daddy ni Carlene. Hindi malaman ng dalawa kung papasok ba ang mga ito o hindi. Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Carlene. “Hindi na ako nagtataka kung maging anak ka ni Mariza! Like mother, like daughter! Parehas kayong kabit!” “Hindi kami magkaparehas ng nanay ko, Carlene! Oo, naging kabit ako ni Samuel pero iyon ay parte lang ng paghihiganti ko sa inyong dalawa dahil sa pagpatay niyo sa nanay ko. Sinadya ko ang lahat. Balak ko nang makipagkilala noon kay Samuel pero siya na ang kusang lumapit sa akin. Hindi naman mahirap akitin ang asawa mo. Basta may bumukaka lang sa kanya na babae, bibigay na iyan! Gusto kong magalit ka nang husto sa kanya hanggang sa magpatayan kayong dalawa! Iyon ang plano ko!” “I am sorry but that’ll never happen. Hindi ko mapapatay ang asawa ko dahil mahal na mahal ko siya,” malanding yumakap pa si Carlene sa kanya at hinalikan siya sa labi. Titig na titig pa rin si Samuel kay Tisay. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na anak ito ni Mariza. “Kung ganoon… ako na lang ang papatay sa inyong dalawa.” Bahagyang mahinang sabi ni Tisay. Ngunit sapat na ang galit sa mata nito para magdala iyon ng kilabot sa buong katawan. Sa paraan kasi ng pagkakatingin ni Tisay ay kayang-kaya silang patayin nito ni Carlene. “Papatayin ko kayong dalawa sa paraang hindi niyo maiisip. Kung paano niyo pinatay ang nanay ko, higit pa doon ang ipaparanas ko sa inyo!” Muling tumawa si Carlene. “Alam mo, nonsense na ang pinagsasabi mo! Paano mo kami mapapatay, e, nakatali ka? Ano ka? May magic? Mangkukulam? You’re just wasting our time!” Pumalakpak ito ng dalawa. “Rico! Douglas! Simulan niyo na!” Hinila siya nito sa kinauupuan nila kanina. Sumunod lang siya kay Carlene at umupo siya sa tabi nito habang hindi mapalis ang mata niya kay Tisay. Parang bigla tuloy siyang nginatngat ng konsensiya siya nang muli niyang maalala ang ginawa nila ni Carlene kay Mariza. Lalo na nang malaman niya na anak ito ng dati niyang kabit. Parang gusto niyang lumuhod sa harapan ni Tisay at humingi ng kapatawaran dito. Kahit sinabi nito na plinano nito ang lahat at hindi naman siya mahal nito ay wala siyang nararamdaman na galit dito. Bagkus, galit sa kanyang sarili ang nararamdaman niya. Galit siya sa kanyang sarili dahil lumikha siya ng isang “halimaw” sa katauhan ni Tisay. Sa edad nitong bente-dos dapat ay ini-enjoy pa nito ang kabataan na meron nito. Ngunit dahil sa pagpatay nila sa nanay nito ay hindi na nito nagawa iyon. Bagkus ay napuno ng galit ang pagkatao nito at parang sa loob ng limang taon bago matapos mamatay ang nanay nito ay wala itong inisip kundi ang paghigantihan sila. Ginawa nilang isang halimaw ang anak ni Mariza. Tapos hinayaan pa niya itong maging kabit niya sa kabila ng malaking agwat ng edad nila. Aaminin niya, masyado rin siyang nagpadala sa tawag ng laman at pagkagusto niya kay Tisay. Hindi na siya nakapag-isip ng mabuti hanggang sa tuluyan na siyang mahulog dito. Kaya kahit papaano ay naiintindihan niya ang pinaghuhugutan ng poot nito. “C-carlene…” Tawag niya sa asawa nang makita niyang papalapit na iyong dalawang lalaki kay Tisay. “Itigil na natin ito. Pakawalan na natin si Tisay. H-hindi ko ito sinasabi dahil naging kabit ko siya kundi dahil nakokonsensiya na ako. B-bata pa siya.” Isang matalim na tingin ang ipinukol nito sa kanya. “Sana naisip mo na bata pa siya bago mo siya ginawang kabit mo! At sa tingin mo, sa ginawa niyan sa akin ay bubuhayin ko pa iyan? No, Samuel! Iyong dinala niyang kahihiyan sa akin, buhay niya ang kapalit!” Gigil na sagot nito. “Isa pa, huli na para pakawalan pa natin ang kabit mo! Hindi ka ba nag-iisip o wala ka lang talagang utak? Kapag nakawala 'yan, magsusumbong iyan sa mga pulis!” “Makawala man si Tisay o hindi, may ebidensiya siya na sinasabi laban sa atin!” “Sa tingin mo ba ay hindi ako nag-iisip ngayon? After kong masigurong patay na 'yang babaeng iyan ay ipapahanap ko ang pamilya niyan. Lahat! I am sure na isa sa pamilya niya ang may hawak ng sinasabi niyang video! Kaya tumahimik ka na lang diyan and enjoy the show. O baka naman… gusto mong pati ikaw ay pag-initan ko, Samuel?” Kinabahan siya sa huling sinabi ni Carlene kaya pinili na lang niya ang tumahimik. Mariin niyang ipinikit ang mga mata nang marinig niya ang sigaw ni Tisay dahil inuumpisahan na itong babuyin nina Rico at Douglas. Hindi niya iyon kayang makita! -----ooo----- HALOS hindi na maramdaman ni Tisay ang kanyang sarili. Natuyo na ang luha sa gilid ng mata niya at may laway na tumutulo sa gilid ng kaniyang bibig. Nakatulala siya habang sa gilid niya ay nagbibihis na sina Rico at Douglas. Siya? Walang kahit na anong saplot sa katawan. Hindi niya nararamdaman ang lamig ng kwartong iyon bagkus ay mas nararamdaman pa niya ang pandidiri sa ginawa ng dalawang lalaki sa kaniya. Salit-salitan siyang ginahasa ng mga ito sa harapan nina Carlene at Samuel. May pagkakataon naman na sabay siyang ginagamit ng dalawa. Pati ang bibig at butas sa pwet niya ay ginamit ng mga ito! Lahat na yata ng kababuyan ay ginawa na ng dalawa sa kanya. Kahit yata isang araw siyang maligo ay hindi mawawala ang karumihan na iniwan ng mga ito sa kanya. Noong una ay nanlalaban pa siya pero nang mapagtanto niya na wala ring mangyayari ang panlalaban niya ay huminto na siya. Hinayaan na lang niya ang mga ito sa nais gawin sa kaniyang katawan. Itinikom na lang niya ang kaniyang bibig. Inisip niya na kailangan niyang makatakas at hindi dito magtatapos ang buhay niya. Kailangan niyang makawala upang ituloy ang kaniyang paghihiganti na ilang taon niyang kinimkim sa kaniyang puso! May naiisip na siyang paraan kung paano siya makakatakas dito. Si Samuel. Ito ang gagamitin niya. Nakikita niya kasi dito na nakokonsensiya ito. Gagamitin niya ang kahinaan nito para makatakas! Pagkalabas ng dalawang lalaki ay tumayo na ang mag-asawa. Nilapitan siya ni Carlene at dinuruan sa mukha. “Hindi pa ako tapos sa iyo, kabit!” anito bago siya tuluyang iwanan ng mga ito doon ng mag-isa. Napapitlag pa siya nang malakas na isara nito ang pinto. Narinig din niya ang pag-lock doon. Agad niyang tiningnan ang kaniyang paligid. Pati ang bintana ang may kadena. Hindi siya makakalabas doon. Talagang si Samuel na lang ang pag-asa niya. Hiling lang niya ay puntahan siya nito dito nang mag-isa lang ito para magawa na niya ang kaniyang naiisip. Upang makabawi pa siya ng lakas ay mas pinili ni Tisay na ipikit ang mga mata upang umidlip… -----ooo----- KATATAPOS lang makipagtalik ni Samuel kay Carlene. Nasa itaas sila ng vacation house. Tulog na ito habang nakayakap sa kanya. Siya naman ay nakatingin sa kisame at nag-iisip. May nakabalot na kumot sa ibabang bahagi ng kanilang katawan. Iniisip niya pa rin si Tisay. Nababahala siya sa mangyayari dito. Kilala niya si Carlene, seryoso ito na papatayin nito si Tisay lalo na sa mga nalaman nila tungkol dito. Nakokonsensiya siya. Gusto niyang tulungang tumakas si Tisay pero sa paraang hindi siya madidiin. Naisip niya na patakasin si Tisay na lalabas na ito nakatakas ito at hindi niya pinatakas. Bahala na nga! Turan niya sa sarili. Marahan niyang inalis ang pagkakayakap ng braso ni Carlene sa kanya. Bumangon siya at nagsuot ng brief at pantalon. Lumabas siya ng silid nila at bumaba. Naabutan niya na humihilik at natutulog sina Rico at Douglas sa salas. Nagkalat ang mga bote ng alak. Tamang-tama pala ang oras na ito para sa balak niyang patakasin si Tisay. Pumasok siya sa kwartong pinagkukulungan ni Tisay at naabutan niya ito doon na natutulog. May hawang humaplos sa kanyang puso nang makita ang kalunus-lunos nitong anyo. May dugo pa ito sa p********e nito. Nilapitan niya si Tisay at inumpisahan niyang alisin ang pagkakatali sa kamay nito. Biglang nagising si Tisay at awtomatikong rumehistro ang galit sa mukha nang makita siya. “Anong ginagawa mo dito?!” Agad na tanong nito. Inilagay niya ang hintuturo sa unahan ng kanyang bibig bilang senyales na kailangan nitong tumahimik. “Huwag kang maingay. Tutulungan kitang tumakas, Tisay…” Patuloy siya sa pagtanggal ng tali nito. Wala na siyang narinig na salita mula kay Tisay. Nakatitig lang ito sa kaniya. Mabilis naman niyang naalis ang tali nito sa dalawang kamay. Isinunod niya ang sa paa nito. Nang sa wakas ay maalis na niya ang lahat ng tali nito ay hirapan itong bumaba ng kama para samsamin ang mga damit nito. Isinuot nito sa harapan niya ang panty at bra nito. Isinunod nito ang maong na shorts at sirang damit. “D-doon ka dumaan.” Itinuro niya ang nakabukas na pinto. May pag-aalinlangan itong tumingin sa kanya. Mukhang alam na niya ang ibig sabihin ng tingin na iyon. “'Wag kang mag-alala, lasing iyong dalawang lalaki. Si Carlene naman ay nasa itaas at natutulog. Tara na!” Inilahad ni Samuel ang kaniyang kamay pero tiningnan lang iyon ni Tisay. Nauna na ito sa kaniya sa pagpunta sa pinto. Sumilip muna ito doon bago ito lumabas. Mabilis siyang sumunod dito. Palabas na sa pinto ng vacationg house si Tisay nang tawagin niya ito. “Tisay! Sandali” Huminto naman ito sa may pinto at nilingon siya. Nilapitan niya ito agad at may hinugot na susi sa kaniyang bulsa. Kinuha niya ang kamay nito at inilagay doon ang susi. “Susi iyan sa sasakyan namin na nasa port. Iyong yate naman ay nasa maliit na port dito sa isla. Diretsuhin mo lang ang daan at makikita mo iyon.” Walang emosyon na isinilid ni Tisay ang susi sa bulsa at tumalikod na ito. Pinagmasdan niya ang pagtakbo nito palayo. Nang makalayo na ito ay isinara na niya ang pinto. Pagtingin niya sa may hagdan ay para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang makita niya doon si Carlene. Nanlalaki ang mga mata nito at galit na galit na nakatingin sa kaniya. “C-carlene!” gulat na bulalas niya. “How dare you?! Pinatakas mo ang babaeng iyon!!!” sigaw nito sa kaniya. “Rico! Douglas! Nakatakas si Tisay! Habulin niyo siya at ibalik dito!!! 'Wag kayong babalik nang hindi niyo dala si Tisay!” Sa lakas ng sigaw ni Carlene ay nagising agad ang dalawang lalaki. Bumangon ang mga ito at kahit medyo lasing ay lumabas ng bahay upang habulin si Tisay. May takot na lumukob kay Samuel nang bumaba ang kaniyang asawa. Malalaki ang mga hakbang nito palapit sa kaniya. At nang malapitan siya nito ay isang malakas na sampal ang pinadapo nito sa kaniyang pisngi. “Hayop ka! Sinasabi ko na nga ba at mahal mo ang kabit mong iyon! Hindi ka talaga nag-iisip!” “P-patawarin mo ako. H-hindi lang kaya ng konsensiya ko na pumatay ulit tayo.” Hinawakan niya sa magkabilang braso si Carlene. “Pero maniwala ka, h-hindi ko siya mahal. Ikaw ang mahal ko!” Pumiksi ito. ‘'Wag mo akong hawakan! Ayaw mo na palang pumatay tayo pero patuloy ka pa rin sa panloloko sa akin! 'Eto ang tandaan mo, Samuel! Kapag nakatakas ang kabit mong iyon, papatayin kita! Papatayin kita!” Duro nito sa kaniya sbay talikod. Muli itong umakyat sa itaas. Nababahalang napatingin na lang si Samuel sa labas. Hindi niya tuloy alam kung ipapanalangin niyang makatakas si Tisay o hindi dahil sa sinabing huli ni Carlene sa kaniya. -----ooo----- HINDI na kinailangan ni Tisay na bolahin si Samuel gaya ng plano niya dahil ito na mismo ang lumapit sa kaniya. Wala siyang sinabi at ginawa pero kusa siya nitong pinakawalan. Masaya siya na may pagkatanga si Samuel. Ang akala ba nito, porket pinatakas siya nito ay ligtas na ito sa poot niya? Hindi. Hindi pa rin ito ligtas! Hinding-hindi niya makakalimutan na sa mismong mga kamay nito namatay ang kaniyang ina. “Napakatanga mo, Samuel! Parang kang nagpakawala ng isang halimaw na siya ring papatay sa iyo!” nakangisi niyang sabi habang tumatakbo. Imbes na tahakin ang daan papunta kung saan nakadaong ang yate ay sa masukal na gubat siya dumaan. Hindi siya aalis sa islang ito nang hindi niya napapatay ang apat na kasama niya. Papatayin niya ang apat na iyon sa paraang hindi inaasahan ng mga ito. Hindi sapat ang saksak lang ng kutsilyo o tama ng bala ng baril para sa mga taong katulad nina Carlene, Samuel, Rico at Douglas. Ang dapat sa mga ito ay pinapahirapan bago nilalagutan ng hininga! Huminto muna si Tisay sa pagtakbo at nagtago sa likod ng isang malaking puno. Itinali niya ang laylayan ng kaniyang damit para mas maging kumportable siya. Nagsimula na ulit siyang kumilos pero hindi na siya tumatakbo. Naglalakad na lang siya. Agad siyang dumapa nang makarinig siya ng mga yabag. Nakita niya sina Rico at Douglas na tila hinahanap siya. “Nasaan na ba ang babaeng iyon?!” tanong ni Rico sa kasama. Huminto ang dalawa malapit sa kinaroroonan niya habang palinga-linga. Mabuti na lang at natutulungan siya ng madilim na paligid para makapagtago. Tama nga ang hinala niya. Alam na ng mga ito na nakatakas siya. “Nandito lang iyon sa isla. Nakita mo naman na naroon pa rin ang yate. Imposible naman na lumangoy iyon! Hanapin na lang natin dahil tayo ang malilintikan kay Ma’am Carlene!” “Tara na!” At tumatakbong lumayo ang mga ito. Tumayo na si Tisay mula sa pagkakadapa nang wala na sina Rico at Douglas. Kayong dalawa ang uunahin ko! Bulong niya sa sarili at tumakbo na rin siya. Umikot lang si Tisay sa gubat. Inalam niya ang daan pabalik sa vacation house at matapos ang ilang minuto ay nakabalik naman siya doon. Tahimik siyang pumunta sa likurang bahagi ng bahay at doon ay may nakita siyang maliit na storage room. Doon niya naisipang magtago habang naghihintay siya ng tamang tiyempo para patayin sina Rico at Douglas. Pagkapasok niya doon at pagkasara niya ng pinto ay iginala niya ang mata niya sa loob. Napangiti siya at nasabi niya sa kaniyang sarili na hindi siya nagkamali ng silid na pinasukan niya. Sa silid na iyon nakalagay ang mga itak, gamit sa paghahalaman at kung anu-ano pang kagamitan na sa tingin niya ay magagamit niya para lumaban at pumatay! Naglakad-lakad siya at tiningnan isa-isa ang mga gamit. Parang namimili lang siya ng damit sa isang shopping mall. Lahat ay pinapadaanan ng kamay niya. Hindi naman siya gahaman. Ang nais niya ay isang gamit lang ang gagamitin niya. Hindi naman niya kasi madadala ang lahat ng iyon. Baka mahirapan siyang kumilos. “Ano kaya?” tanong pa niya sa kaniyang sarili. Hanggang sa huminto ang kamay niya sa isang bagay. Isang karit! Iyong parang dala palagi ni Kamatayan. Sa hitsura pa lang ng talim niyon ay alam niyang matalim iyon. Natuwa din siya sa matulis niyong dulo. Kinuha niya iyon at pinagmasdang mabuti. May hawakan iyon na isang dipa niya ang haba. Napangiti si Tisay. “Humanda kayo! Parating na si Tisay!” -----ooo----- KANINA pa palakad-lakad si Carlene sa salas ng vacation house nila. Hindi siya mapakali. Aaminin niya, nababahala siya dahil sa nakatakas si Tisay. “Pwede bang umupo ka na lang? Ako ang nahihilo sa iyo, e,” sabi sa kaniya ni Samuel. Nakaupo lang ito at nakatingin sa kaniya. Mabalasik ang mukha na hinarap niya ang asawa. “Kagagawan mo ito! Kung hindi mo pinatakas ang kabit mo, hindi ako magkakaganito! Bobo!” bulyaw nito sa kaniya. Biglang bumukas ang pinto at pumasok sina Rico at Douglas. Pawis na pawis ang dalawa. “Ano?! Nasaan na si Tisay?!” “Ma’am, hindi po namin nakita, e!” sagot ni Douglas. “What?! E, bakit kayo bumalik dito?! Mga inutil! Hindi ba’t ang sabi ko, huwag kayong babalik nang hindi dala ang babaeng iyon!” “I-iinom lang po sana kami dito. P-pagod na po kami,”ani Rico. “Bilisan niyo! Uminom na kayo at hanapin niyo si Tisay!” “O-opo!” Natatarantang tumakbo ang dalawa sa kusina para uminom. Muli niyang hinarap si Samuel. “Look what’ve you done!” Napayuko lang ito at iniiwas ang tingin sa kaniya. “Magdasal ka na makita pa si Tisay dahil kung hindi, papatayin talaga kita! I am serious, Samuel!” -----ooo----- GUSTONG tumawa ni Tisay nang malakas ng sandaling iyon. Mula kasi sa kinaroroonan niya ay naririnig niya ang paghihisterikal ni Carlene dahil sa nakatakas siya. Ang akala ba niya ay matapang ito at walang kinakatakutan? Sa pagtakas pa nga lang niya ay tila takot na takot na ito. Paano pa kaya kapag kumilos na siya? Nakaupo lang siya sa isang sulok ng storage room habang hawak ang karit. Pinagmasdan niya ang talim niyon. Pinadaanan niya ng kaniyang hintuturo ang talim at nahiwa nang mababaw ang balat niya. Tunay ngang napakatalim ng bagay na iyon. Kating-kati na siyang gamitin ang karit! Nang marinig ni Tisay na nagpaalam na sina Rico at Douglas na hahanapin ulit siya ay tumayo na siya. Hudyat na iyon na dapat na rin siyang kumilos. Kanina pa niya pinaglalaruan sa kaniyang imahinasyon ang gagawin niya! Lumabas na siya ng storage room na dala ang karit. Muli niyang tinahak ang masukal na kagubatan. Nasasabik na siyang makita ang reaksyon nina Rico at Douglas kapag nakita siya nito! Pagdating niya sa gubat ay nagtago siya sa likod ng isang malaking puno. Umupo siya at sumandal sa katawan niyon. Ilang minuto lang siya sa lugar na iyon nang makarinig siya ng taong papalapit. Sumilip siya at nakita niya sina Rico at Douglas. Sa tingin niya ay dadaan ang mga ito sa pinagtataguan niyang puno. Kaya naman bago pa man makalampas ang mga ito ay lumabas na siya sa pinagtataguan. Humarang siya sa daraanan ng dalawa. Halos dalawang dipa ang pagitan nila. Itinago niya sa likod ng puno ang karit. Hindi muna niya ipapaalam sa dalawa na dala na niya ang bagay na tatapos sa buhay ng mga ito. Ngumiti siya. “Ako ba ang hinahanap niyo? Alam kong pagod na kayo kaya… nagpakita na ako!” Nakakalokong sabi niya. “Putang ina ka! 'Andiyan ka lang pala!” itinuro pa siya ni Rico. “Gusto niyo akong mahuli, 'di ba? Pwes, lumapit kayo… mga baboy!” Unti-unting nawala ang ngiti kay Tisay. Napalitan iyon ng galit na galit na mukha. “Rico, kunin mo na ang babaeng 'yan!” utos ni Douglas sa kasama. Tumalima naman agad si Rico. Habang papalapit ito sa kaniya ay inihanda na niya ang kaniyang sarili. Ito na ang umpisa ng kaniyang walang awang paghihiganti!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD