PITO

1600 Words
Nakita ko na nga ang aking silid nang tingnan ko ang room number nito "Miss get inside, the class was about to start" wika ng tila mas nakakatanda sakin "Ito na kaya ang professor namin para sa subject na ito? Marahil" pagtatanong ko ang aking sarili "I'm sorry po" sa pagkasabi ko ng mga ito ay kaagad akong pumasok sa silid na ito at umupo sa nasa dulong upuan Ang mas nakakatanda sa akin ay tumingin sa kanyang relo "I think it is already time, ok, Let's start the class" wika nito na tila sya na nga ata ang aming Professor "Ito na nga talaga amg professor namin, para namang napaka istrikto nya" pag-ooverthink ko nanaman "So, Good Morning class, I'm Mr. Mark Lopez, your Language professor" habang sinsambit nya ito ay sinusulat naman nya ang kanyang pangalan sa pisara "Today is our first meeting, and I want you to know guys that I only have two rules, First is I don't want late comers" habang sinasabi ito ng aming guro ay may mga tatlong lalaking pumasok sa aming paaralan at ang pangatlong lalaking pumasok dito....... ......... Ito ang siraulong nakabungo sa akin kanina, nang nakita ko ito ay kaagad kong tinignan ito ng nanlilisik kong mga mata, ngunit ng ako ay kanyang nakita ay nginitian ako nito at kinindatan "Itong sira-ulong toh, nahihibang na ba sya, parang kani-kanina lamang ay binunggo nya ako at hindi manlang nanghingi ng paumanhin, tapos ngayon kikindatan nya ako, Pero baka naman katabi ko ay kinikindatan nya, ngunit wala akong katabi, May nakikita kaya syang hindi ko nakikita? O baka naman napuwing lang sya, pero meron bang napuwing na nakangiti?" Pag-iisip ko nanaman ng kung ano-anong bagay Patuloy ako nitong tiningnan na tila ba ako lang ang taong nakikita nya sa silid na ito, hindi maalis ang kanyang tingin sa akin "That is what I am talking about, It was just a first day but you are already breaking my rules! The three of you, I hope that this will be your first and last offense, Are we clear?" Wika ng aming professor na pinapagalitan ang tatlo na tila ba ang kanyang noo ay hindi mabilang ang mga guhit dito "Yes Sir" wika ng tatlong kumag "Yes Sir, very very clear, kasing clear na walang tsansyang di ka magugustuhan ng crush mo" bulong ng isa sa kanilang tatlo na nasa gitna papunta sa sira-ulong yun "I think you mean dirty, kasing dumi ng pag-iisip mo" pagbulong din nito sa kanya pabalik "What are you whispering? Stop talking and go to your seat!" Sigaw ng aming guro sa tatlong studyante At namili na nga ang tatlo ng kanilang upuan, ang dalawa ay umupo sa aking harapan at ang sira-ulo naman ay tumabi sa akin "Hoy, sira-ulo napakadaming upuan oh" galit na wika ko sa kanya "Oh, ano naman ngayon kung maraming upuan" Pag-sagot nito sa akin "Hindi ko ikakaila pero napaganda ng boses ng lalaking sira-ulong ito, oo-siraulo ang lalaking ito pero bakit napaka klaro at napakasarap ng tinig nito" "Singer kaya sya?" Dagdag na tanong ko sa aking isipan "Lumayo ka nga sa akin tarantado at baka masuntok kita!" Sigaw ko rito "Wow, ang tapang naman ni Miss Ganda" wika ng isa sa mga kaibigan nya "Tigil-tigilan mo ako at baka ikaw ay masapak ko" pag-irap ko sa mga ito .......... "Ok class let's go back to the topic, as what I said earlier the second rule was dapat madali nyong makuha ang lahat ng tinuturo ko, para madali nating matapos ang bawat topic" wika ng teacher namin "By the way, sorry nga pala sa kanina nagmamadali kasi ako" pag-hingi ng paumanhin nito "Himala nanghingi karin ng kapatawaran, itong walang modong toh" wika ko na galit pa rin sa kanya "Sorry talaga Miss????, What should I call you?, what is your name by the way" pagtatanong nito sa akin "Why are you asking for my name? For what reason should I tell you my name, and still I don't want to say my name, you moron" pag-irap ko sa kanya Dahil sa sinabi ko ay tila nanahimik ito at tila tinigilan na nga ako "Sa wakas tinigilan na rin ako ng hayop na ito" "Class, because this was our first meeting I want you to know you more, so let us start our class attendance" wika ng aming Professor "Ok, so let us start with boys or should I call it gentlemen" dagdag na pagbibiro nito Nagsimula na ngang tawagin ng aming ang mga pangalan ng bawat isa sa aming klase. Maya-maya ay tinawag na nga ang mga pangalan ng tatlong kumag "Javier, Tristan!" Pagtawag ng pangalan ng aming guro sa sira-ulong katabi ko "Present!" Sigaw nito na tila ba gustong-gusto kong marinig ang napakalinis at klaro ng boses nya "Naiinlove na ba ako sa lalaking ito?" "Hindi hindi hindi, nagagandahan lamang ako sa boses nitong napakalinis" "Pero sana nga naging boses nalang sya, bukod kasi sa malinis na tinig nito ay napakarumi naman ng kanyang pag-uugali" pag-ooverthink ko nanaman ....... "Santos, Levin" bigkas ng aming professor "Present" sagot nito sa brusko nitong boses ........ "Garcia, David" sambit nito "Present Sir" sagot nito sa malumanay nyang tinig, ang boses nito ay tila ba malambing pero panglalaki parin, hindi brusko at hindi rin ito matinis na tila ba ito ay isang perpektong tunog na lumalabas sa lalaking ito ....... Di kinatagalan ay ang mga pangalan ng mga babae naman ang sinimulang tawagin ng aming guro May mga nauna ng tawaging pangalan, ngunit dahil sa apelyido kong Castrovede ay baka nasa bandang unahan rin ako Di nagtagal ay tinawag na nga ang pangalan ko "Castroverde, Chloe" wika nito Hindi ako sumagot sa pag-tawag nito sa akin dahil makikilala ako ng tarantado at mga kaibigan nito "Castroverde, Chloe" pag-ulit nito Sa pangalawang beses nitong pag-tawag sa akin ay hindi parin ako sumasagot, ngunit sa pagkakataong ito ay kinakabahan na ako dahil baka maging absent ako sa first day ng attendance namin Nananatili akong kalmado sa labas upang hindi nila malaman na ang pangalang iyon ay ako ang nagmamay-ari "First day na first day, may isa kaagad na absentee" pasigaw na sabi nito "Sigurado kayo wala ditong Chloe? eh parehas lang ang bilang ng studyanteng nakalista sa papel at ang mga studyante dito sa loob" dagdag nito na tila nag-uumpisa ng magalit "Uulitin ko, pag walang sumagot sa inyo, I will mark all of you as absentees" sigaw nito "Castrovede, Chloe!" Pasigaw na pag-uulit nito, marahil galit na ito sa hindi ko pag-sagot sa kanya Ngunit sa puntong ito ay hindi ako makakapayag na ang lahat ay magdusa para lamang sa pansarili kong intensyon, kaya naman hindi ko napigilan ang aking sarili "Present!" Nakakapangsising sigaw ko ng ako ay biglang tumayo sa aking kinauupuan "Why are you not answering when I'm calling you earlier Iha? eh andayan ka lang naman" wika nito na tila galit parin dahil sa kagagawan ko "Sorry po Sir" wika ko na lamang, dahil kung magpapaliwanag lamang ako ng walang katuturang dahilan ay baka mapahiya lang ako, pero dahil sa ginawa ko kilala na akong ng hinayupak at mga kaibigan nito Kaagad akong naupo pagkatapos kong ipahiya ang saril ko sa nakararami. "Kaya pala hindi ka sumasagot Ms.Chloe Castroverde" pang-aasar ni Levin "Bakit naman ayaw mo na makilala kita Chloe? maganda naman ang iyong pangalan ahh" wika ni Tristan sa akin "Tsk tsk, tse, ano bang pakialam mo Mr.Tarantado" pag-sasalita ko ng may pagkagalit sa kanya "Tinatawag mo parin akong tarantado humingi na nga ako ng tawad sayo" sambit nito na tila ba talagang nagsisisi na sya sa kanyang nagawa "Hindi ako dapat na maawa sa kadahilanan lamang na gwapo sya at humihingi ng tawad, sumasakit ang likod dahil sa kanya, hayst!" Wika ko sa aking sarili "Gusto mong patawarin kita!" Sigaw ko "Chloe, stand up right now!" Sigaw ng aking guro sa akin "Why the hell are you shouting? At sino naman ang papatawarin mo haa!" Dagdag nito "Sorry Sir" maikling sagot ko "First day na first day sinisira ko na kaagad ang repotasyon ko at gumagawa ng g**o, bwiset kasi tong lalaking toh, kung hindi dahil sa kanya, tsk, pagkamalas-malas naman ng araw na ito" wika ko sa aking isipan "Keep quiet and sit down!" Sigaw nito at balik sa pag-tatawag ng pangalan Pag-kaupo ay bigla kong inirapan at tiningnan ng masama ang tatlong mokong na ito habang nakamasid ang mga ito sa akin Natapos na nga ang klase namin, natapos narin ang kahihiyan na naganap sa silid na ito Nang ako ay tumayo sa aking kinauupuan at palabas na ng aking silid-aralan ay tila ba may humawak sa aking pulsuan na maligamgam na kamay, ang kamay na tila ba gustong-gusto mong hawakan na hindi mo gustong bitawan, tiningnan ko kung kaninong kamay ang humawak sa aking pulso Tiningnan ko ang kanyang kamay, papunta sa kanyang siko, sa kanyang baraso, sa kanyang balikat, sa kanyang leeg, at sa mukha nito Tiningnan ko ang mukha nito na tila ba namangha ako "Bakit napakaperpekto ng mukha ng lalaking ito?" Isang lalaking may makinis na kutis, ang hindi gaanong kaputing balat, ang kayumanggi at mapangakit nyang mga mata, ang kanyang matayog na ilong, ang mahahaba nyang pilik-mata, ang makakapalat at maayos nyang kilay, ang kanyang malalalim na dimples sa magkabilang pisnge, at ang kanyang kulay rosas na labi" "Bakit ganto ang nararamdaman ko, mali ito, maling mali, nawawala ang galit ko kapag nakikita ko ang maamo nyang mukha" "Chloe, samahan mo ko mamayang mag-lunch, hindi sa inuutusan kita pero parang ganun na nga" pangaangyaya nito sa akin "Saka hindi ka pwedeng tumanggi, pag hindi ka pumunta, ako ang pupunta sayo, kita nalang tayo mamaya sa Cafeteria" Dagdag nito na may pag-ngiti sa akin at saka umalis ng kumaway pa ito sa akin bago mawala sa aking paningin Dahil sa hindi ako makapagsalita ay tiningnan ko na lamang ito ng napakasama "Bwiset talaga ang lalaking ito panay g**o lang ang dala" * Please follow and continue reading Thank you very much Please share the story also Don't forget to follow me and leave a comment -Riese_C
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD