ANIM

1414 Words
-June 6, 1960 Monday Zzz zzz *Knock, Knock* *Knock, knock, knock* "Chloe, gising na, Chloe, unang araw natin ngayon" sigaw ni cass mula sa labas ng kwarto Dahil sa sigaw ni Cassandra ay nagising ako, pagkamulat ko ng aking mga mata ay nakita ko ang mukha ni Chloe na ginigising ako "uyy, gising na Chloe at baka mahuli pa tayo" wika ni Cass sa aking tainga "Anong oras na ba Cass?" pagtatanong ko ng mahinahon "5:30 am na at alas-syete ang pasok natin" sagot ni Cassandra "Pero napaka-agap pa" sambit ko na inaantok pa "Unang araw natin ngayon, kaya magandang maging maagap, at saka babyahe pa tayo noh hindi naman malapit para lakarin" wika ni Cass "Teka, anong oras ka ba gumising?" tanong ko kay Cassandra "Alas-kwatro, kaya gumising ka na jan" sambit nito na tila madaling madali "oo na, babangon na po" wika ko na tila ba ayaw talagang bumangon Habang bumababa kami ng hagdan ay naisipan kong tanungin si Cassandra "Kung gumising ka ng alas-kwatro, Anong ginawa mo ng mahigit isang oras? "Nag-luto, ahmmm, saka, yun lang" sagot ni Cass "Nag-luto ka ng mahigit isang oras, anong niluto mo? Nilagang Baka, HAHAHAHAHA" pagbibiro ko sa kanya "Hindi ahhhh, nag-prito lang ako" pagtanggi nito sa tanong ko "Ibig-sabihin nakaligo ka na?" Panibagong tanong ko nanaman "Hindi pa ko naliligo" tugon nya "Ano pinirito mo? Sampung kilong manok, HAHAHAHAHA" pang-aasar ko kay Cassandra "Napaka-sama mo talaga sakin Chloe" pagalit na bigkas ni Cass "Hindi naman nagbibiro lang naman ako" pang-iinis ko kay Cassandra "Nakakain ka na ba?" tanong ko sa kanya "Oo naman" Sagot nito na may pagka-pikon "Kung ganon ay mag-simula ka ng maligo, HAHAHAHA" pagbibiro ko Dahil nga sa pang-iinis ko ay dali daling umakyat si Cassandra sa kanyang kwarto upang maligo, maya-maya ay kumain na nga ako at baka mahuli pa kami sa klase "Nakatapos na rin sa wakas" sambit ko sa aking sarili "Natapos na akong kumain ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos si Cassandra na maligo" pag-tatantu ko sa aking sarili "Makaligo na nga" dagdag na usap ko sa aking sarili Umakyat na ako sa aking silid at nag-simula na akong maligo, maya-maya ay natapos rin ako sa aking paliligo "Dahil unang araw ng klase ngayon siguro dapata naman na maging presentable ang aking kasuotan" pagaalinlangan ko sa pagpili ng aking maisusuot Sa sandaling oras ng magpili ng aking damit ay nakapag-ayos na kaagad ako ng aking sarili "tapos na kaya si Cassandra, naku baka mag-intay payun sa akin at dahil nauna syang maligo, ay baka mauna syang matapos" Lumabas na nga ako ng kwarto at baka mahuli pa kami sa eskwela ngunit pagkalabas ko ng aking silid ay hindi ko nakita si Cass "Maari kayang iniwan nya na ako?" Pagtatanong ko sa aking sarili, "Masyado na ba akong natagalan sa aking paliligo?" Lumabas ako ng bahay upang tingnan kung naroon pa ang sasakyan na aming gagamitin sa pag-pasok, ngunit ng ako ay lumabas nakita ko namang nakaparada pa roon ang sasakyan  Mercedes-Benz 220s "Maari kayang iniwan nya ang kanyang sasakyan at namasahe na lamang sya? Pero hindi eh, hindi naman nya iiwan ang kanyang sasakyan pwera na lamang kung walang itong gasolina" Dahil sa pagkataranta kung paano ako makakapasok sa eskwela, "ang hirap pa namang sumakay ngayon", "masyado namang malayo kung lalakarin ko lamang", "Sumabay kaya ako kay Tito at Tita ngunit nakaaalis na sila, dahil ang nakaparada na lamang dito ay ang Kotse ni Chloe, hindi naman ako marunong magmaneho at saka walang susi, paano na??? Ughh" wika ko sa akin Nagpabalik-balik ako sa paglalakad, nag-iisip kong ano ba ang dapat kung gawin 6:20 am na ngunit wala pa rin akong ginagawa kundi ang mag-alala at magpakulikuli sa bahay na ito Dahil sa pag-aalinglangan ko na makapasok ay nauhaw ako, kaya naman pumunta ako kaagad sa kusina upang kumuha ng maiinom, habang umiinom ako ng tubig ay umupo muna ako sa kasina, at habang nag-iisip kong anong dapat kong gawin ay may narinig akong ingay na nanggagaling sa hagdanan "Jusko, naman umaga palang may multo na ba kaagad na maglalakad sa hagdan, hindi na nga ako makakapasok, takot pa ang makakasama ko sa bahay na ito" Tumayo ako sa kinauupuan ko at tiningnan ko kung saan nanggagaling ang tunog na iyon, alam kong mula sa hagdanan pero mula kanino ang tunog ng yapak ng paa Pagkakita ko nakatayo rito ang isang babaeng mahaba ang buhok at nakatingin sakin ng napakasama, nagulat ako sa aking nakita...... ........ Kasi naman napakawalang-hiya "Jusko, ikaw lang pala Cassandra" napagaan nito ang takot na nararamdaman ko na ang pinsan ko lamang pala ito "Bakit? Sino pa ba sa akala mo?" Pagtatakang tanong nito sa akin "Akala ko kasi eh... ahmm.... wala!" Hindi ko nalang sinabi, dahil baka pag sinabi ko pa ay baka pagtawanan lang ako nito, at baka hindi ako matapos sa pagtatala sa subrang daming kong pinagiisip "Kung wala eh, bat gulat na gulat ka?" Nagtatakang tanong nito "Wala nga kasi, bakit ba kasi napakatagal mong mag-ayos akala mo naman pupunta sa sagala" akala ko tuloy hindi na ako makakapasok pag-iiba ko ng paksa "Pasensya na, nagpapaganda lang kasi maraming gwapo sa campus, nagbabakasakali lang naman" pagdadahilanan nito ng walang kwentang dahilan dahil para sa akin basura ang mga lalaki maliban sa aking pamilya "Sa susunod kasi bilisan mo akala ko tuloy iniwan mo na ko, hayst" pag-aalangan ko Maya-maya ay lumabas na nga kami ng bahay at nilock na namin lahat ng pintuan at bintana, nang makapasok na kamj sa kotse ay binigyan ako ni Cassandra ng 20 pesos, sa halagang iyon ay napakali pa noon at hanggang ngayon ay malaki pa rin naman ang halaga nito "Para saan tong bente Cass?" Pagtatanong ko sa kanya "Tig-bente tayo bigay yan ni Mama baon daw natin sa eskwela" sagot nito "Salamat ng marami, pero hindi ba sobra sobra ang halaga nito" pasasalamat ko "Dahil sa isang malaking paaralan tayo papasok ay normal lang iyan lalo na't mahal ang mga tinitindang mga pagkain sa Cafeteria" Sagot nito "Ganun ba, hindi lang siguro ako sanay" sambit ko "Siguro masasanay ka rin, lalo na at nasa Maynila tayo" bigkas nito sa akin "Sana nga" pag-aalinlangan ko Di kinatagalan ay bumiyahe na nga kami, dahil naiinip na ako ay umidlip muna ako sandali at hindi ko namalayan na napahimbing na pala ang tulog ko ........... "Chloe gising na, nandito na tayo" sambit nito habang tinatapik ang aking braso "Uyy, gising na" dagdag na wika nya habang patuloy na tinatapik ang aking braso ............ "Hhhhhhhhaaaaaaa" paghikab ko "Nandito na tayo, parang ang bilis naman" wika ko habang kinukusot ang aking mga mata at inaalis ang mga muta dito "Tumayo ka na at baka mahuli pa tayo sa klase lalo na at magkaiba tayo ng building" utos ni Cassandra Kaya naman lumabas na kami ng sasakyan at dahil magkaiba ang building namin, nagsimula na kaming maglakad sa magkaibang direksyon "Kita nalang tayo mamaya Chloe iintayin kita sa paradahan ng mga sasakyan" pamamaalam nito at pagpapaalala kung saan kami magkikita "Ano kaya ang magiging ganap ko sa paaralang ito?" Pagtatanong ko sa aking sarili Sa bagong yugto ng kanyang buhay, ay marahil panibagong makakasalamuha at problema nanaman Habang naglalakad sa hallway upang hanapin ang papasukan kung silid ay biglang may tumatakbong bumanga sa akin, Dahil sa malakas na pagkakabanga ay natulak nya ang aking katawan at ngayon nakapatong ang kanyang katawan sa aking katawan na nakahiga naman sa malamig na sahig Sa sandaling iyon ay nakita ko ang gwapo nyang mukha at ang kanyang mga kulay rosas na labi na muntikan ng mahalikan ang aking mga labi, Dahil sa posisyon naming dalawa ay kaagad ko syang itinulak ay tumayo naman kaagad ako "Wala ka bang pakialam, ikaw na nga tong nakabungo at nakasakit, hindi ka manlang hihingi ng paumanhin!" Pagsigaw ko sa lalaking hindi ko kilala, humarap ito sa akin at tila ba natutula ito "may mali ba syang nakita na nasa likuran ko?" Wika ko sa aking isipan Biglang may dumating pang dalawang lalaki at sinabing "Humada ka sa akin!" Sigaw nito "Hoy, halika na" sigaw ng isa pa sa mga ito "Ikaw tong paharang-harang sa daan tapos ako pa sisisihin mo!" Pagsigaw rin nito sa akin at pagkatapos ay kaagad itong bumalik sa pagtakbo "Hoy gagong walang pakundangan, hindi pa tayo tapos, kilalanin mo muna ang may-ari ng paaralang ito, Walang modo!!!" Pagsigaw ko ng malakas sa kanya Sa pagsigaw kong iyon ay parang walang epekto at matuloy parin ang pagtagpo ng lalaking sira-ulo Dahil sa nangyari ay maraming oras ang nasayang at baka mahuli na ako sa klase, binilisan ko ang aking paglalakad at ang paghahanap ng aking pangalan sa mga listahan, di kinatagalan ay nakita ko rin ang aking pangalan sa listahan kaya naman dali-dali akong naglakad papunta sa aking kinauukulang silid at hinanap ito. * Please follow and continue reading Thank you very much Please share the story also -Riese_C
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD