..........
Nakapasok na nga kami ng bahay at nang pagmasdan ko ito ay namang ako dahil sa bukod na maganda ito ay malaki rin ito, kumpara sa bahay namin na tagpi tagpi pero kahit na ganuun ay masisigurado ko na napakasaya ng aming tahanan
'Iha, ang kwarto mo ay nasa taas hayaan mong ipakita sayo ito ni Cassandra at magkalapit lang kayo ng kwarto' wika ni Tita sa akin
'at saka pala pag may kailangan ka lang eh magsabi ka lamang sa amin ng Tito mo' dagdag ni Tita
'Opo, maraming maraming salamat po, pero hindi pa po ba ito sobra sobra' malawak na pasasalamat ni Chloe
'Wala yan kumpara sa ginawa ng iyong ina para sa akin gusto ko lamang ibalik ang kabutihan nya kunit ayaw nyang tulungan ko sya dahil ayaw ng ina mo na umasa sa kahit sinong tao, ayaw nyang may tumutulong sa kanya dahil nagmumuka lamang syang nakakaawa sa ganuong sitwasyon' pagkukuwento ni Shara sa kanyang pamangkin
'Lagi nga pong ganun si Mama, pag may problema po sya ay ayaw nyang sinasabi sa amin' pagbabahagi rin ni Chloe ng kanyang saloobin
'Cassanda ipakita mo na sa kanya ang kanyang kwarto' utos ni Shara sa kanyang anak
'Opo, Mama' pag-sagot ni Cassandra sa kanyang ina
..........
'Halika ka Chloe ng makita mo na' wika ni Cassandra
'Sige insan' sambit ni Chloe
Nang pagkabukas ni Chloe sa aking silid ay kaagad akong namangha sa aking nakita, may sarili akong kutsiyon at mga kagamitan
'Ito na ba ang kwarto ko, subrang ganda Chloe, maraming maraming salamat' wika ni Chloe na tila ba subrang nainganyo sa kanyang mga nasulyapan
'Oo, sa'yong sayo na iyan' sagot nito sa aking tanong
Sa subra kong tuwa ay kaagad kong niyakap si Chloe sa pasasalamat ko ay dali dali akong bumaba sa hagdan at niyakap ko rin ang aking Tito at Tita at nagpasalamat
'Maraming maraming salamat po' sambit ni Chloe sa kanyang Tiyo at Tiya
'Sige Chloe walang anuman at dalhin mo na ang iyong mga gamit nang maayos mo na ang mga ito sa aparador' wika ng kanyang Tita Shara
'Sige po, maraming salamat pa rin' sagot ni Chloe
Inakyat ko na ang mga gamit ko sa taas at pumasok sa aking silid tulugan, kaagad akong humiga sa malambot ng kama at pagkatapos ay tiningnan ko ang mga laman ng aparador, at himala may mga gamit at damit narin sa loob nito
'Chloe akin na ba ang mga damit na ito?' Pagtatanong ko kay Cassandra na may pagtataka
'Oo sa iyo yan, pinamili ka na namin ni Mommy ng damit, sana magustuhan mo :)' Pag-sagot nito na bukal sa kanyang puso
'Napakagaganda naman ng mga ito, maraming maraming salamat talaga' pagkatuwa nito sa kabaitang pinakikita ng pamilyang Gonzaga
'Natutuwa akong nagustuhan mo ang kwarto mo' bigkas nito
'Naku, maraming salamat talaga baka nakakaabala na ako sa inyo' pagbabakasali ni Chloe
'Walang anuman, saka wala naman akong masyadong ginagawa kaya ayos lamang' wika nito sa akin
Inayos ko na ang aking mga gamit ng bigla na kaming tinawag ni Tita Shara
'Cassandra, Chloe! Bumaba na kayo dito ng makakain tayo ng tanghalian' sigaw ni Tita
'Opo, bababa na po' sagot ko
Kaya bumaba na ako at kasunod ko namang bumaba si Cassandra
'Maupo na kayo' utos ni Tita sa amin
'Maraming salamat po' wika ni Chloe
Nagsimula na kaming kumain at habang kumakain ay nagkaroon kami ng maikling usapan
'Ang sarap naman po ng luto nyo Tita, naalala ko po tuloy ang luto ni Mama' pagpuri ko sa aking natikman
'Syempre ang mama mo ang nagturo sa aking magluto' pagmamaigi nito
'Ganon po ba' wika ko
'Mabuti naman at nagustuhan mo ang pagkain' masayang pagbati ni Tita sa akin
'Gustong gusto ko po, at salamat po sa pagkain' pasasalamat ko rito
'Kaya po pala naaalala ko ang luto ni Mama sa hinain nyo pong pagkain' pagbabahagi ko sa mga ito
'Pansin kong sa sandaling oras na hindi kayo magkasama ay miss mo na kaagad ang iyong ina' wika nito na tila ba nagaalala
'Parang ganun na nga po siguro' pagsasabi ko na tila may mga lungkot sa aking mga mata
'Ok lang yan insan kami na magiging pansamantala mong pamilya habang naririto' pag-sabat nito na may pagmamagandang loob
Ngumiti ako sa kanila sa tuwa na alam ko na hindi ako nag-iisa kahit nangungulila ako sa aking tunay na pamilya
........
Natapos na nga kaming kumain at nilinis ko na ang hapag kainan at habang hinahawhawan ko na ang mga ligpitin ay kinausap ako ni Tita
'Bakit ikaw pa ang nagliligpit? Magpahinga ka na lamang dahil pagod ka sa byahe' pagtatanong at pag-uutos nito sa akin
'Ok lang po Tita saka baka nagiging pabigat na po ako sa inyo' sagot ko rito
'Cassandra! Ikaw na nga ang magligpit at pagod ang pinsan mo' utos nya sa kanyang anak
Kaagad na lumapit sa akin si Cassandra
'Insan, ako na dyan' sambit ni Cass
'Ok lang, maupo ka na lamang doon' sagot ko sa kanyang sinabi
'Eh baka mapagod ka at saka ako ang mapapaktay kay Mommy pag ikaw pa rin ang magliligpit' wika nya na tila nagaalangan
'Oh sige para parehas nalang tayong may magawa ay punasan mo na lamang ang mga basang pinggan at ilagay mo nalang iyon sa lalagyan, ayos ba yun sa iyo?' Bigkas ko kay Cass
'Oh sige na nga' sagot nito sa akin
........
Nang makatapos na kami sa paglilinis sa kusina ay sinabihan na lamang ako ni Tita na magpahinga sa aking silid, kaya dumiretsyo na kaagad ako sa aking kwarto
-3:00pm
"Alas-tres na ngunit wala akong magawa, matanong na nga lang si Tita kung may mga libro sya" sinabi ko sa aking sarili
Kaagad akong lumabas sa aking kwarto at bumaba para kausapin si Tita
'Tita pwede ko po ba kayong maka usap' tanong ni Chloe
'Pwede naman Iha' sagot naman nito
'Tita, may mga libro po ba kayo na pwede kong basahin?' Tanong ko
'Pwedeng pwede naman Iha, sa edad mong yan mahilig rin akong magbasa kaso hindi namana ni Cass ang hilig ko, nasa library lang ang mga libro, masyado kasing madami kaya di kasya sa kwarto' pag-kwekwento ni Tita
'Tita nasaan po yung Library, pansensya na po talaga masyado na akong nakakaabala' wika ko
'Yung Library katabi lang sa kabila ng kwarto ni Cassandra, saka Chloe wag kang mahihiyang magtanong at magsabi sa amin ng Tito mo' wika ni Tita sa akin
'Maraming maraming salamat po talaga' pasasalamat ko
Kaagad kong pumunta sa taas at pumasok sa Library, namangka ako ng nakita ko ito
"Napakalaki naman ng kwartong ito at napakarami ngang libro, mapapaghalataan talaga na mahilig sa pag-babasa si Tita, parang gusto ko basahin ang lahat ng libro dito"
Kaagad akong kumuha ng mga libro, sa tingin ko pa lamang na ang lahat ng librong ito ay napakagaganda, "alin nga ba dito ang una kong babasahin? Napakahirap naman mamili ●_●" bulong ko sa aking sarili
...........
Pagkatapos kong makapili ay dumiretsyo ako sa kwarto upang magbasa
-5:00 pm
Bumaba ako para kumuha ng tubig, habang kumukuha ng tubig ay may nakita akong mga pwedeng lutuin, kaya nagluto na rin ako at nagsaing nang tatlong gatang ng bigas
Nagsimula na rin akong mag-luto ng Sinigang na Baboy, habang pinapakuluan ko at pinapalambot ang karne ng baboy ay naghanda na ako ng mga rekado sa sinigang
Maya-maya ay nakaluto na ako kayat niyaya ko na silang maghapunan
'Tita, Tito, Cassandra kain na po tayo!' Pagyayaya ko sa mga ito
Bumaba na nga sila at umupo sa harap ng hapag kainan
'Iha, bat nag-abala ka pa mag-luto? Pwede naman kami ang mag-luto' tanong ni Tita Shara
'Wala rin naman po kasi akong gagawin kaya ayos lang' tugon ko kay Tita
'Dapat di ka na nag-abala pa, pero maraming salamat Iha' pasasalamat nito sa akin
'Walang anuman po' Pag-sagot ko ng matiwasay
'Mommy, Daddy, nakapili na pala ako ng mapapasukan ko' pag-sabat ni Cass sa usapan
'Sa'n mo naman napiling pumasok anak?' Tanong ng kanyang Tatay
'Sa St.Christine University po Daddy' sagot ni Cass sa kanyang ama
'Ano ba ang napili mong course na kukunin anak?' Tanong ng kanyang Mommy
'Balak ko po kumuha ng Nursing' tugon nito rito
'Ikaw Chloe, ano naman ang kursong balak mong kunin?' Pagtatanong ni Tita Shara sa akin
'Balak ko pong maging Piloto' sagot ni Chloe sa mga Tiyahin
'Baka pwede nanaman kayong pumasok sa parehas na unibersidad, pero kung wala yung gusto mong course sa papasukan nya, pwede naman tayong pumili ng ibang eskwelahan para sayo Iha' wika ng kanyang Tita Shara
'Maraming maraming salamat po' sambit ni Chloe
............
Natapos na nga kaming kumain at natapos na rin kami ni Chloe sa paglilinis ng kusina
"Magandang Gabi po, maging mahimbing po sana ang tulog nyo" pagbati ko sa kanila
Kaagad naman akong umakyat sa taas at humiga sa malambot na kama
"Sa wakas natapos rin ang araw, unang araw ko rin sa Maynila, maraming pag-babago pero kailangang masanay" sinabi ko sa aking sarili
"Magandang gabi sa inyo Mama, Papa, pati narin sa mga kapatid ko sana maging masaya kayo kahit na wala ako sa tabi nyo" wika ko para sa kanila mula sa aking isipan
Zzz zzz
Sa aking panaginip sila parin ang aking iniisip
*
Please continue reading
Thank you very much
Please share the story also
-Riese_C