-April 8, 1960
Friday
7:00 am
Isang linggo na ang nakalipas at ito ang araw na ipinangako ng aking Tita na ako ay susunduin nila
'Oh, gising ka na pala' wika ng aking itay
'Bakit hindi mo pa simulang mag-handa at baka biglang dumating ang iyong mga Tita ay hindi ka pa manlang gayak' pag-uutos ng kanyang nanay
'Bakit hindi mo pa simulang kumain?' Tanong ng kanyang tatay
'Papa sino po ang nagluto ng pagkain?'
'Sino pa ba ang nagluto?, syempre ang napakaganda mong nanay' pagmamayabang nito
'Ma, ba't po kayo ang nagluto pwede ko naman pong gawin ang pagluluto' wika nito sa kanyang Mama Sharon
'Eh kasi naman anak huling araw na ito na makakasama ka namin kaya pinagluto na kita at baka mahuli ka pa sa byahe' wika ng kanyang nanay na may pagkalungkot sa mukha nito
'Salamat po Ma, Pa' pagpapasalamat ni Chloe ng may galak sa kanyang puso
Natapos na akong kumain kayat dumiretsyo kaagad ako sa paliligo dahil kailangan ko pang mag-igib ng tubig, dahil nga wala kaming sapat na pera ay wala kaming sariling linya na tubig, kaya nga siguro lumakas rin ang aking mga braso dahil sa kakabitbit ng mga balde ng tubig, pagkatapos ko na maligo ay kaagad naman akong nag-bihis, at pagkatapos ay nagsuklay na ako ng aking buhok at tiningnan kung may kulang pa ba sa aking mga dala dahil baka ako ay may maiwanan *((tapos yung nagbabasa iniwan)) *
-8:00 am
Saktong alas-otśo ay dumating na nga sina Tita, tamang tama lang pala ang oras ng paghahanda ko para narin hindi pa magintay sa akin sina Tito at Tita
"Sana maging maayos ang araw na ito" bulong ko sa aking sarili
Dumating na nga sina Tita Shara, sakto lamang ang pag-hahanda ko upang iwan ang bahay na aking punagmulan at kinalakihan, hindi ko lubos maisip na aalis na pala ako sa bahay na ito. Kung alam lang sana ng aking pamilya kung gaano ako kalungkot na iiwan ko sila, hayst
'Tito at Tita bakit naman parang ang aga nyo pong dumatin?' Pagtatanong ni Chloe sa mga ito
'Wala lang Iha, mas maganda kasi pag maagap para hindi tayo gabihin sa daan' sagot ng kanyang tita
'Anong oras po kayo umalis sa bahay?' Pagtatanong ni Chloe ng may paggalang sa mga ito
'Siguro alas-kwatro ng umaga' sagot nito sa kanyang pamangkin
'Shara bakit hindi mo sinama si Cassandra?' Sabat na Tanong ni Sharon kay Shara
'Mahihiluhin kasi sa byahe Ate, saka tulog pa sya nung umalis kami' Sagot ni Shara sa kanyang nakakatandang kapatid
'Ahhh ganun ba, dito na rin kayo mag almusal' pagaalok ni Sharon rito
'Ate kumain nanaman kami bago kami umalis' pag tanggi ni Shara sa alok ng kanyang Ate
'Kahit na ba eh baka magutom kayo sa byahe, mahaba-mahabang din yun' pag pupumilit sa mga ito
'Sige na nga Ate mapilit ka eh' Masayang pagtanggap nito
..........
Kayat kumain na nga sina Tito at Tita ng Almusal sa bahay
..........
Natapos na nga silang kumain at napagdesisyonan na naming umalis
'Mama, Papa aalis na po ako mag-iingat po kayo palagi, at ikaw Arwen at Kenneth mag-aral kayo ng mabuti' malungkot na pag-sasalita na bilin ko sa aking pamilya
'Mag-iingat ka rin Anak' wika ng kanyang ina't ama
'Salamat po Ma, Pa aalis na po kami' Malungkot na pamamaalam ko sa mga ito
'Oh sige at baka gabihin pa kayo sa daan' wika ng aking Nanay sa amin
'Sige Ate paalam' pag-papaalam na wika ni Shara sa Ate nito
..........
Nag simula na nga kaming bumiyahe at habang kami ay umaalis patuloy parin ang aking pag kaway sa kanila at ganun din sila sa akin, at habang lumalayo ang aming sasakyan ay unti unti narin akong lumalayo sa kanila at habang tumatagal ay hindi ko na nga sila matanaw
'Iha, bakit hindi ka matulog at baka mahilo ka sa byahe lalo na at zigzag ang ating dadaanan' sambit ni Tito Felix
'Sige po Tito' sagot ni Chloe rito
'Tingnan mo ang Tita mo tulog na kaagad HAHAHAHA masandal tulog kaagad' pagbibiro nito
'HAHAHAH pansin ko nga po' bigkas ni Chloe sa kanyang Tiyo
..........
Pinikit ko na ang aking mga mata at nakita ko ang kadiliman
"Sana kahit malayo na ako sa aking pamilya ay maging makulay pa rin ang aking mundo pero sa sandaling oras na ito ay parang nakakapanibago at na-mimiss ko kaagad sila, sana sa panibagong yugto ng aking buhay ay maging maayos ang lahat"
..........
Di kinatagalan ay nakatulog na rin ako ng mahimbing
Zzz zzz....
............
-1:00 pm
'Iha gising na, narito na tayo' panggigising ni Tita Shara sa akin
Nakarating narin kami sa bahay nina tita sa matagal na byahe ay nakatulog ako sa byahe kayat ng makarating kami sa kanila ay ginising na lamang ako ni tita
Kaagad namang sumalubong sa akin ang akin pinsan na si Cass, pagkababa ng pagkababa ako ay kaagad nya akong sinalubong ng kanyang napaka-higpit na yakap
'Kay tagal na panahon na rin pala Chloe' sambit ni Cassandra sa akin
'Oo nga eh, huling kita ko pa sayo eh mga bata pa lamang tayo na naglalaro sa parke' bigkas ni Chloe na may halong saya at tuwa
'Di ko maisip na ngayon sabay na tayong mag-aaral at papasok sa parehas na eskwelahan' wika nito sa akin
'Magiging college students na pala tayo sa pasukan' bigkas ko kay Cassandra na maski ako sa sarili ko ay hindi makapaniwala
'Parang kay bilis nga lang talaga ng panahon' dagdag ko
'Tumanda na nga tayo Chloe at tumangkad ka na rin' sambit ni Cass
'Tumangkad ka rin naman ahh' wika ko sa kanya
'Tumangkad nga maliit pa rin naman' pagbigkas ni Cass na may pagka dismaya ito
'HAHAHAHAHAH, ok lang yan Cass, ayaw mo nun madali kang makakahanap ng lalaking mas matangkad sayo, HAHAHA' sagot ko na lamang dito upang hindi na sya malungkot
'Sabagay, may punto ka naman, HAHAHA' sambit nito na tila ayos na ang lahat
Pinagbukas na nga ako ni Cassandra ng pintuan, panibagong papasukan nanaman, paninagong tahananan, panibagong suliranin, at marami pang pagbabago ang magaganap. Sabi nga nila pag may nagsarang pinto, may pinibagong magbubukas na pinto, pero sa lagay ko hindi naman ako pinagsarahan ng pinto ngunit marami ang nagbukas ng pinto para makapasok ako sa mga ito
*
Please vote and continue reading
Thank you very much
Please share the story also
-Riese_C