KABANATA 13

1516 Words
Kinakabahan talaga ako pumunta sa faculty room ng Filipino department kung nasaan ngayon si Ma'am Ursula. Nakahanda na akong magpasa sa kanya ng pa-special project niya para sa special na katulad ko. Akala ko naman kasi limot na niya, e. Syempre, pag matanda na, ulyanin. Pero... sa kasamaang palad, tandang-tanda niya! Ako lang talaga ang nakalimot o sadya kong nilimutan. Ni-rush ko lang tuloy kagabi. Kainis! Kahit na ayaw ko... pinatos ko na 'yung offer na tulong ni Denver. Ginaya ko ang pangarap niya. Engineer! Ayos din. Engineer 'yung nagpa-plano ng bulding o tulay 'di ba? Tama ba ako o mali? Uhh, wala naman akong pake! Ginandahan ko lang ng kaonti para unique! Space engineer ang ginawa ko!  Tuwa naman ang mokong at sinadya ko talaga siya sa bahay nila. Isang linggo nang lumipas magmula nung umalis siya sa bahay. Dumating na ang kanyang lola at parang hindi naman talaga na-hospital. Ang lakas-lakas nga at bitbit pa nito ang kanyang tatlong bagahe. Biruin mo 'yun! Mabuti na rin kung ganon. Para hindi na mag-isa si Denver sa buhay. "Patingin nga, Sandy!" Bigla na lang kinuha ni Ando ang sliding folder sa kamay ko. Tumigil ako sa paglalakad para bawiin iyon sa kamay niya. Nakangisi na siya at malamang nabasa na! Kung sabagay, bakit ko ba ipagdadamot, e, kinopya ko lang naman iyon. Bumuntong hininga ako at tinarayan siya. "Ang epal mo talaga!"  Inabot niyang kusa iyon nang magtaray ako. Ngumisi ako at hinaklit ang sliding folder. Isa pa 'tong lalaking 'to! Matapos akong sabihan na bagay ang apelyido naming dalawa, ginawang opisyal ang panliligaw sa akin! Ngayon, alam na ng buong klase ang tungkol sa amin! Ginawa ko na nga best ko para 'di malaman ng mga kaibigan namin. Kung maari lang talaga na literal na malaglag sa sahig ang panga ng mga kaibigan ko, tiyak na gagawin nila! Si Ando rin naman ang may pakana no'n. Siya mismo ang nagkalat. Tss! Dapat ipinagkalat na lang niya kung sakaling maging kami. Hindi 'yung nanliligaw pa nga lang, alam na ng lahat. Paano pag 'di ko sinagot? Edi kawawa siya 'di ba? Konsensya ko pa. Tsk! Iniisip ko tuloy na baka sinadya niya iyon para sagutin ko talaga siya. Kasi nga naman, napaka buti kong tao. Baka nga ganon? Dumiretso na kaming dalawa sa faculty. Pinagtitinginan pa kami ng ibang estudyanteng madaanan at maypa-bulong bulong pa! Hanep din talaga mga fanatics at bashers namin sa school! Habang papalapit ako, pakiramdam ko guguho ang sahig. Inaamin kong nakokosensya ako sa pandadayang ganito. Sarili ko lang ang dadayain ko, hindi naman si Ma'am. Ano nga ba kasing pangarap ko? Porket ba nasa tamang edad na para mag-isip ng pangarap dapat may pangarap na? Kapag ba wala ka pang pangarap, kabawasan ba? Marami nga diyang natupad na nila ang pangarap nila kuno, tapos mapagtatanto nilang hindi pala talaga iyon ang pangarap nila. 'Di ba? Hassle 'yon! Ayun ang ayaw kong mangyari sa akin. Na buong buhay kong hahabulin ang pangarap na hindi naman pala talaga para sa akin. Parang ganito lang iyan, e. Kumuha ka ng kursong nurse pero iba naging trabaho mo, malayo sa natapos mo. Hindi naman kasi plano ang buhay tulad ng naayon sa gusto mo. Minsan, 'yung akala mong para sa iyo, hindi pala para sa iyo. Kumatok na ako at dumungaw sa loob. Katulad ng dating pangyayari, si Ma'am Ursula na lang ang natitira sa faculty. Ang pinagkaiba lang, si Ando ang kasama ko hindi si Denver. Sana naman hindi magalit si Ma'am at pabaunan ng laway pag-uwi. Sinenyasan ako ni Ma'am nang makita ako. Huminga akong malalim at inayos ang suot kong salamin bago pumasok. "Antayin na lang kita rito, Sandy." ani Ando. Tinanguan ko siya. Mabuti naman kung ganon. Nagsusulat pala ng lesson plan si Ma'am pero sa ibang year. Tumikhim ako at inilapag ang sliding folder. Inilapag ni Ma'am ang ballpen na hawak at binalingan ang project ko. 'Yung cover lang naman ang tinignan niya, e. "Sige, umuwi ka na," tamad niyang sabi at shi-noo pa ako paalis! Ngumisi ako. "Okay po, Ma'am!" Nagtatalon-talon ako palabas na para bang nasa hardin ako ng mga bulaklak. Paglabas ko ay ganoon pa rin. Sumunod si Ando na tahimik lang. Obvious namang masaya ako. Hindi maalis ang ngisi sa labi ko hanggang sa makauwi.  Hinatid ako ni Ando sa bahay, pinapasok siya si Nanay. Sa bahay na lang daw siya maghapunan. Kung sa normal na araw, malamang sisinghal na naman akong parang aso pero dahil good mood ako, okay lang! Nagbihis na akong pambahay. Close naman si Ando sa mga tao rito sa bahay kaya walang problema kung hindi ko siya labasin. Humilata muna ako sa kama, hawak ang phone. Di-nial ko ang numero ni Denver. Wala naman talaga ako nito, hiningi ko lang din kagabi.  "Sandy?" Hingal ang boses niya, siguro kakagaling lang sa pagba-basketball.  "Sandy? Na-miss mo na ako 'no?" Sabay tawa niya. Umikot na naman ang mata kong 360 degrees! Bumuntong hininga ako at inalis ang salamin. "Gago! Magta-thank you lang sana ako." "Oh... basta ikaw, Sandy! Malakas ka sa akin, e!" "Okay, salamat ulit!" huling sabi ko bago ko binaba ang tawag.  "Sandy, lumabas ka na riyan at kakain na!" Si nanay sa labas ng kwarto ko.  Sumunod na rin naman ako. Naka pwesto na rin pala ang mokong sa hapag kainan namin, feel at home na feel at home!  "Dito ka..." tinapik ni Ando ang upuan sa tabi niya.  Luh? Ang feeling talaga! Inirapan ko siya pero doon din naman talaga ako umupo kasi 'yun naman talaga ang pwesto ko. Pagkatapos naming kumain ay si nanay na ang naghugas. Nasa salas naman kaming lahat at nanunuod ng game ng Ginebra. 'Di na rin nagtagal si Denver sa bahay dahil wala raw kasama ang kapatid niya sa bahay. "Uwi na ako." paalam niya. "Ge." Dire-diretso lang ako sa kwarto.  Kinabukasan pagpasok ko sa school, sinabayan ako sa paglalakad ni Ando papunta sa classroom. Nagkataon namang nakasalubong naming si Denver, kasama ng mga kaklase niya. Nakatingin na talaga siya sa akin bago ko pa man siya mapansin. Nginitian niya agad ako, ngumiti na rin ako. Feel kong maging mabait sa kanya. Marunong naman akong tumanaw ng utang na loob 'no. Sapat na 'tong pagngiti ko bilang kabayaran sa kabaitan niya.  Sigurado naman akong alam na niya na nililigawan ako ni Ando pero parang wala lang ‘yun sa kanya, na biro lang ang lahat. “Dumayo kayo kahapon?” Si Ando kay Denver paglapit sa amin. “Panalo nga, e. Sasama ka ba sa sunod?” O kitams! “Oo. Isasama ko rin si Andeng para may magcheer na maganda sa atin.” Napapailing na lang ako sa mga naririnig ko. Pinaggigitnaan ako ng dalawa. Nakangiwi na lang ako. Bakit kaswal lang sila? Bakit ako lang ‘tong nakakaramdam ng pagkailang? Hindi ko expected na ganito magiging reaksyon ni Denver, na wala lang sa kanya na nanliligaw si Ando. At ito namang si Ando, alam naman niya kung gaano kapatay na patay si Denver sa akin. Teka… ano bang nangyayari? Masyado ba akong feelingera? Hay nako! Ewan ko! Bahala sila! "Sino bang may mas pag-asa sa'yo ha?" Usisa ni Anabelle habang nasa banyo kami.  May klase pa kami. Math pa naman! Una akong lumabas dahil naiihi naman talaga ako. Nagulat na lang ako na biglang sumulpot 'tong dalawa sa harapan ko.  "Wala," naghuhugas akong kamay kaya 'di ko sila pinapansin na. "Wala? Alam mo 'di ko alam na may gusto pala 'tong si Ando sa'yo. Akala ko kapatid kapatid lang turing sa'yo, e." Si Trixie. "Oo nga 'no? Gagong 'yon in love pala? hahaha!"  Nagtawanan pa ang dalawa sa likuran ko. Bantay sarado ako ng mga ito mula pa kanina. Paulit-ulit na kasi nila 'yun tinatanong pero 'di ko sinasagot. Bumalik na kami sa klase at baka ma-guidance na naman ako. Naku, ayoko nang lumuhod sa monggo! Please lang! Maya maya, pagkatapos ng klase para sa buong araw, lumapit si Ando at inaya akong sumama sa basketball court sa kabilang barangay.  "Marami pa akong gagawin sa bahay, Do. Bibili pa akong song hits sa palengke." sabi ko.  "Edi... sama na lang ako sa'yo!" masaya niyang sabi. Nalukot ang mukha ko na nakatingin sa kanya. Seryoso ba 'to? Nagpapa-impress para namang mai-impress ako. Kumatok bigla sa pintuan si Denver kaya lalo pang nalukot ang mukha ko. Nasa labas na ng classroom sila Anabelle na nagaantay sa aming dalawa. "O bawal pangit dito..." mataray kong sabi kay Denver. Wala pa nga siyang sinasabi naiinis na agad ako.  Nagkamot ulo si Denver, nagpapa-cute kahit 'di naman. "O ano bang kailangan mo?" palabas na kami ni Ando ng classroom. "Sasabay lang ako sa'yo umuwi." "Pupunta pa akong palengke. Tsk." "Ako rin. 'Di ba ngayon deliver ng mga bagong song hits sa tindahan nila Aling Novela?" Pinanliitan ko siyang mata. Updated din talaga siya sa takbo ng business nila Aling Novela ha. Tumango ako sa kanya. Sige na nga. Mamaya baka bilhin niya pa 'yung mga gusto ko. Mahirap na, ayokong manghiram sa kanya. No way! "Ano tara na?" Si Trixie. "Tara na!" Sabay palakpak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD