KABANATA 18

1367 Words
"Hindi na raw sasali si Nikkoi sa banda." Anunsyo ni Betong paglabas sa guidance office kasama si Ando. Inaasahan ko 'tong mangyari dahil sa ginawang pag-gulpi si Ando sa kawawang Nikkoi. Hindi ako nagtanong sa kanya kung bakit niya 'yon ginawa kanina noong magkasabay kaming pumasok ng school, at mukhang wala rin siyang balak sabihin. Kalat sa buong school 'yong nangyari kaya umuusok na naman na parang bulkan 'yong ilong ni Mamang Ursula na may kasamang pagbugha ng apoy sa bibig. Nagkibit akong balikat paglapit nilang dalawa sa akin. "Sino bang kayang makisama sa taong nang-gulpi sa kanya?" Sabi ko at bumuntong hininga. Sinandal ko ang likod sa pader at hinintay si Nikkoi na lumabas para makita kung gaano ba kalala 'yong ginawa sa kanya ni Ando, sunod na lumabas ang mama niya. Bahagya akong yumuko at ngumiti sa ginang pagdaan sa harapan ko, pinansin naman ako maliban sa dalawa kong alagad na nakatayo sa gilid ko. Pamilyar lang ako sa mama ni Nikkoi pero 'di ko talaga siya kilala. Tuwing sasama kasi akong mamalengke kay Nanay, doon kami sa pwesto ng tindahan ng baboy nila Nikkoi namimili, bagsak presyo kasi at fresh. Tumayo akong tuwid nang lapitan ako ni Nikkoi, may black eye sa kaliwang mata at basag ang gilid ng labi. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, okay naman, walang bali. Mukang nakapagtimpi pa nga 'tong si Ando. May ginulpi na siya noon, at seryoso, kinailangan niyang manghingi ng mukha sa aso dahil magang-maga ang mukha niya, literal na mata lang ang walang latay. Bago makalapit si Nikkoi, maangas na pumunta sa harap ko si Ando habang nilalagay sa bulsa ang dalawang kamay, parang bad boy na action star ang dating.  Napakamot ako sa tainga at patagilid na tinulak si Ando para makita si Nikkoi. Huminga akong malalim at lumapit na sa kanya. "Sorry, Sandy, 'di na ako makakasama," sabi niya, kaawa-awa ang mukha niya sa malapitan. Ang sakit siguro ng ginawa ni Ando 'no? "Buti pa nga, 'di ka namin kailangan," komento ni Ando sa likod. Nilingon ko siya at pabulong na minura para manahimik. Hinilot ko ang noo ko at tinignan si Nikkoi, wala naman siyang pakealam sa sinabi Ando, at seryoso naman siyang humihingi ng tawad sa akin. Pinauna kong pumasok sa klase sila Betong para makapag-usap kami ni Nikkoi. Dumaan muna kaming canteen para ilibre ng juice si Nikkoi kahit ngayon lang, kuripot ako kaya ngayon lang talaga. "Kayo na ba ni Ando?" Tanong ni Nikkoi, paakyat na kaming hagdan papuntang klase, malapit na rin mag-ring ang bell kaya binibilisan na namin ang lakad. Tumawa ako at umiling. "Hindi! Gago ka ba? Gusto mo dagdagan natin black eye mo?" Natawa rin siya sa sinabi ko. Naisip na siguro niya kung gaano ka-walang kwento sinabi niya. Hinigop ko ang juice at tinapon sa nadaanang basurahan sa second floor. Bumuntong hininga si Nikkoi kaya napatingin ako.  "Bakit?" tanong ko. "Hmm, nabanggit kasi ni Ando, e. 'Wag ko raw bastusin 'yong girlfriend niya..." Huminto ako sa paglalakad. "Ano? Sinabi niya 'yon?!" Sigaw ko. Tumango si Nikkoi. Kinwelyuhan ko agad siya at tinulak sa pader, nandito kami banda sa restroom kaya walang makakakita sa amin. Tinaas niya ang dalawang kamay, nasa tapat ng dibdib niya para pakalmahin ako. "Oo. Sinabi niya, habang ginugulpi ako." "Siguraduhin mong sinabi niya ha! Kapag napatunayan kong nagsisinungaling ka, 'di lang black eye ang mapapala mo, okay?!" Kabadong tumango si Nikkoi. "Good!" tinulak ko siya at umalis na.  Buong araw kong 'di pinansin si Ando. Ayaw ko siyang komprontahin kasi baka balikan niya si Nikkoi, kawawa naman. Wala nang mapaglalagyan ng pasa sa mukha niya pag nagkataon. Matapos magturo sa klase si Ma'am Ursula, pinatawag niya si Ando, Nikkoi at Betong. Extended ang misa nila, kung ano lang naman sinabi ng Principal, uulitin lang niya.  At dahil sa pesteng band practice, naiwan kami sa covered court ng school. Mabuti na lang sinamahan ako nila Trixie at Annabelle, ayokong kaming dalawa lang ni Aries ang magkasama, mainit ang ulo ko at malakas mang-asar ang isang 'to. Hindi kami pwedeng pagsamahin. Bagyo ang kakalabasan no'n.  Tumayo si Aries at kinawayan ang dalawa. Malamang umuwi na si Nikkoi, wala na rin naman siyang gagawin dito, e. Wala na siya sa banda.  "Anong sabi ni Ma'am?"  "Bukod sa pinabaunan kaming mga holy words, tuloy pa rin tayo sa buwan ng wika. Mag-practice na raw tayo..." tamad na sagot ni Betong pagkaupo sa unahang row ng bleachers.  Bumuntong hininga ako, tumayo, kinuha ang bag, pumunta sa gitna nila. Isasang-tabi ko muna ang inis ko kay Ando, dalawang linggo na lang ang meron kami. Hindi pa kami nakakapagsimula at wala pa kaming napapagusapan kung ano bang tutugtugin namin sa pesteng buwang ng wika. Masaya naman 'to dati, pero ba't naging ganito? Nakaka-pressure kapag may umaasa sa'yo. Mas okay noong balasubas pa ako, wala silang magandang inaasahan sa akin. Nalulungkot pa nga kapag wala akong kalokohan, e. Sige, babawi ako sa isang taon. Magtatapos na rin naman ako sa isang taon kaya lulubusin ko na, ngayon pa lang, magpa-plano na akong kagaguhan para sa isang taon!  'Yong tipong magsisisi 'yong Principal bakit pa siya naging principal ng school na 'to! Ganon katinde! At syempre, 'di naman ako papahuli.  "Okay!" masiglang sabi ko at pinalakpak ang kamay. "Mag practice na tayo! Ando, sabi mo sa inyo tayo magpa-practice 'di ba? Pwede ba ngayon? Meron ka bang instrument?" Tumayo na rin si Ando at sinuot na ang bag. "Oo, 'yong mga gagamit na lang kulang," sabi niya, nakangisi. Tinalikuran ko siya, tinawag ko na sila Trixie. Tumakbo sila pababa sa bleachers at inangkla ang mga braso sa braso ko.  "Okay ba kayo?" usisa ni Trixie. Sinamaan ko siyang tingin. Sapat na 'yong tingin na 'yon sa tanong niya. Nagbike kami papunta sa bahay nila Ando. Nakaangkas si Aries kay Betong dahil siya lang ang walang bike sa amin. Nanunuod ng balita 'yong Lola ni Ando pagdating namin sa bahay nila, nakaupo sa rocking chair habang nag-gagantsilyo. Mukhang patapos na siyang mag-gantsilyo ng bag, ayos, maganda rin, kulay pula at green. Parang pasko.  "Nag meryenda na ba kayo?"  Isa-isa kaming nagmano.  "Hapunan na po, 'La. Mag-aalas sais na po," si Betong ang sumagot, medyo nahihiya pa. Nahiya pa siya sa lagay na 'yon. Siniko namin siya ni Annabelle. "Ay oo nga. Nawala sa isip ko." Tumawa ang Lola. "Sige, dito na kayo maghapunan." "Sige po," sabay-sabay naming sagot. Kasama pa rin namin sila Trixie at Annabelle, bored daw sila. Okay na rin para mahingian agad namin sila ng feedback. Malaki ang bahay nila Ando pero 'di ko inaasahan na meron silang sariling music room. Sa Kuya raw 'yon ni Ando, kaso nasa Korea na 'yong kuya niya na 'yon kaya kay Ando na 'to. Kumpleto lahat ng musical instrument, 'yong mga pambanda ba.  Mayaman kasi talaga 'tong si Ando, ubod ng yaman pero tinatago lang nila, pero 'di ko alam mga trabaho ng magulang niya. Apat na palapag 'yong bahay nila, may underground pa. Walang pintura labas ng bahay nila kaya parang 'di masyadong agaw pansin pero pagpasok mo sa loob, makaluma ang disenyo, 'yong pwede mong isubasta mga gamit sa malaking halaga.  Sayang wala na si Nikkoi, may keyboard pa naman dito. Naupo kami sa mahaba at itim na leather couch nila Trixie, sila Ando naman ay pumwesto na sa tapat ng gagamitin nila.  "Ano nga palang kakantahin natin?" Tanong ko.  "Ikaw bahala, Andeng. Ikaw naman bokalista ng banda natin, e." seryosong sagot ni Betong.  Umayos akong upo, humalukipkip, nag-iisip. "Hmm, Ang huling el bimbo?" suggest ko. "'Wag, umay na, Iba na lang." Si Aries. Nag-isip ulit ako. "Hm, Antukin?" "Maganda kaso... iba na lang." Si Betong. "Edi Tensionado?" "Mahirap 'yan..." Si Ando naman. Umirap ako. Nilatag ko lahat ng kantang naisip ko pero lahat ayaw nila! Kalma, Sandy! Nag-isip pa rin ako hangga't may naiisip pa, pero naiinis na talaga ako. Ginulo ko ang buhok ko. "Elesi na lang? Ano?" "'Wag 'yon, mahirap, e." "Putangina niyo kayo nagsabing ako mamili tapos lahat ng sinabi ko ayaw niyo?! Tangina niyo bahala kayo sa buhay niyo!" Nag-walk out ako sa inis. Walang patutunguhan 'tong pesteng band practice kung ayaw naman din nilang mag-practice, mga tinatamad lang andami pang dinahilan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD