KABANATA 17

1701 Words
“May magaganap na patimpalak sa darating na buwan ng wika. Singing contest ‘to. Sinong interisadong sumali?” Tanong ni Ma’am Ursula bago matapos ang kanyang klase. Naglalaro kami ni Betong ng S.O.S sa scratch paper ko para mas madaling ipasa-pasa na hindi nahahalatang wala kaming paki sa mga pinagsasabi ni Ma’am. Singing contest? Baduy! “Ma’am! Ma’am!” “Yes, Mr. Abalon?” “Anong mapapala namin diyan?” Natawa ako. Lapastangan talaga mga tabas ng dila nitong mga kaklase ko. Wala man lang matino, e. Lahat may kanya-kanyang kalokohan, kung ‘di naman ay weirdo. Kakaabot lang ng papel ni Betong sa akin, ‘di ko agad binalik at naging interisado na akong makinig. Mukhang may mapapa-guidance bago mag-uwian ah! Nilukot ko ang papel at inihulog sa sahig. Narinig ko ang pabulong-bulong na reklamo ni Betong, tinapik siya ni Ando para manahimik. “Siyempre, may dagdag iyon sa grado niyo.” Sagot ni Ma’am sa pagitan nang pagngitngit ng kanyang ipin. “Yun lang ma’am?” sabat ng kaklase kong si Chanberling. “Nasa eskwelahan tayo. Ano bang inaasahan niyo? Cash prize?” “Opo.” Sabay-sabay na nagsisagot ang mga kaklase ko. Napangisi ako habang pinagmamasdan ang pagsasalubong ng kilay ni Ma’am Ursula. Kaonting push pa magiging super saiyan na siya. Keep it up, mga bobo! Nakakatakot nga lang kung magalit ‘tong si Ma’am at paniguradong damay kaming lahat. Baka patayuin na naman niya kami o kaya pa-squat-in sa buong pagtuturo niya. Nung ginawa niya sa amin ‘yon, feeling ko naging mabato na hita ko sa tigas ng muscle. Okay din pala ‘tong filipino class namin, nagiging instant gym! Tuwang-tuwa na talaga ako habang nagkakainitan ang buong klase at si Ma’am. Tahimik lang akong naunuod, para silang mga batang nagbabatukan at kung sino unang umiyak siyang talo. “Kailangan may isang sumali sa inyo para naman ‘di kayo magmukha na namang kaawa-awa sa buwan ng wika!” Nagsitahimik ang lahat. Parang may dumaang anghel. Nagiwasan na ng tingin mga kaklase ko kay Ma’am, walang gustong sumubok sa galit ni Mamang. Hay, nakakamiss ang ganitong pangyayari sa araw ko. Kung ‘di lang talaga ako nagbago na, ako talaga ang ending ng usapan na ‘to, e. “Ano? Walang magvo-volunteer? Mamimili ako o may magvo-volunteer.” Napaiwas na rin akong tingin, sa labas ng bintana na lang ako tumingin, binibilang ang mga alikabok sa  hangin. “Crisostomo.” Mabilis kong pinihit ang ulo ko papunta sa harapan, taas pa ang isang kilay ko kay Mamang. ‘Di siya nagpatalo at mas tinaasan niya ang kilay sa akin. Inayos ko ang mukha ko at humingang malalim. Ni ngumiti ‘di ko magawa, para akong hihimatayin dito. “Bakit Ma’am?” Alam ko na pero nagtatanga-tangahan ako, baka madala pa kahit alam ko na kung saan ba pupunta ‘tong walang kwentang usapan. Hindi niya ako sinagot. Umatras siya, pabalik sa lamesa niya, may kinuhang papel, listahan ‘yon ng buong klase! Napalunok ako. Kailangan ko nang magsalita bago pa magkandaloko-loko ang buhay ko! “Ma’am—“ “Abalos.” Nagkasabay pa kami ni Ma’am. Tinignan niya ako na para bang nainsulto siya sa ginagawa po. Putangina, nararamdaman ko na! “Origenes,” pagpapatuloy niya. Nakasampung santo na ang natawag ko sa isip ko. Suminghap pa ang dalawang mokong sa likod ko, ngumisi ako. Hindi lang pala ako mag-isa sa katarantaduhan na ‘to. “Maglisan at… Balagtas. Okay, kayo na ang panlaban sa singing contest. Ako na bumuo ng banda niyo para ‘di na kayo magturuan pa. Galingan niyo! May plus 3 kayo sa final grade niyo sa card. Kaya… ikaw Crisostomo, Origenes at Abalos, sure pasado na kayo dahil sa plus na ‘yon. Kung maka-73 kayo, plus 3, edi 75, pasang-awa na kayo. Wala na kayong po-problemahin pa. Kung manalo naman kayo, gagawin kong plus 5. Naiintindihan niyo ba? Galingan niyo!” sunod-sunod niyang sabi, ayaw magpaawat, ‘di man lang niya tinanong kung marunong ba kaming tumugtog o kumanta man lang. Na-special mention pa talaga kaming mga paborito niya! At bakit ako lang mag-isang babae?! Hindi naman ako ang pinaka bobong estudyante sa buong klase ah?! Hahabulin ko sana si Ma’am para magreklamo kaya lang ay pinigilan ako nila Trixie at Annabelle. “Ano?!” inis na ako. Nasa likod nilang dalawa ‘yung dalawang mokong. Mapalad ang ngisi ni Betong, si Ando naman ay nakapamulsa. “Ayos trip ni Mamang ‘no? Nakahithit yata ‘yan ng rugby kanina, e. Nakita kong nagdidikit sa sapatos, e,” ngingiting sabi ni Betong. “Woi, congrats, guys! Make us proud ha?” Sabi ng palabas kong kaklaseng si Jaison. Lumapit naman ang dalawa pang ka-‘banda’ namin na sila Nikkoi at Aries. Group meeting na yata ‘to? Ewan ko ba kung pinapalakas ng mga kaklase ko loob namin o nang-iinis lang talaga. Ang sarap batukan, e! Magkakasama kaming ‘banda’ naglakas palabas ng building, nag-aya si Betong na pumunta muna sa court para doon namin pag-usapan kung anong plano ang gusto nilang simulan. Umuna nang umuwi sila Annabelle at Trixie, maghihintay sana kaso sinabi kong mauna na. Mag-isa akong naupo sa tuktok ng batong bench, sa ibaba ko sila Ando at Betong, sa pinaka baba ay sila Nikkoi at Aries. Si Aries ang tumayong leader namin sa grupo, siya lang din naman ‘tong bibong magsalita, samantalang uwing-uwi na kaming lahat. “Ganito, guys, sino bang marunong sa inyong gumamit ng mga basic instruments na meron sa banda?” “Tulad ng?” tanong ni Nikkoi. Humingang malalim si Aries, nakatitig kay Nikkoi na parang gusto na niyang sapukin. “Drums, gitara, bass, keyboard, ano pa? Flute? Xylophone?” sarkastiko na niyang sagot. Naintindihan naman ni Nikkoi ang gustong iparating ni Aries, tumango-tango siya at tumahimik na. “Sino marunong sa inyo?” Napahikab ako habang kinakamot ang hita ko na kinagat ng kung ano. Tiningala ako ni Ando, inip na inip na rin.  “Marunong ako mag-gitara, marunong din ako mag-drums, marunong din ako mag-xylophone, dati rin akong member ng cheerleading squad sa parada, may baton pa ako sa bahay.” Tamad kong sabi na ‘di sila tinitgnan. Gusto ko na talagang umuwi at nag-sisisi ako na ‘di ako nagreklamo sa naging desisyon ni Ma’am kanina sa klase. Tumikhim si Nikkoi. “Edi ikaw na lang mag-isa sa banda? Kaya mo naman pala lahat, e. Ayos ‘yon, ikaw ang bokalista at ikaw din sa lahat ng instrument, sure win tayo.” “Gago ka ba?” sabi ni Ando, naka-ngiti pero parang nagtitimpi. Ngumisi si Aries at umiling. “Sige, si Sandy ang bokalista, ako na sa drums.” Magkatitigan pa rin sila Nikkoi at Ando, walang gustong kumalas. Parang may kuryenteng nagtatalo sa gitna nila, dama ko ‘yong tensiyon, e. Hindi ko maintindihan ano bang pinapatunayan ni Ando rito, wala namang masama kung ang gago ng sinabi ni Nikkoi dahil ang gago rin naman ng sinabi ko. Patas lang. Tumayo si Betong, nasa baywang ang dalawang kamay at pinatagilid ang katawan sa pag-uunat. “Gege, bass ako.” Sabi niya na parang wala lang. Marunong ba siya no’n? At meron ba siya no’n?! Tinaasan ko siyang kilay pero ‘di niya napansin ‘yon. Bumuntong-hininga ako at sinandal ang siko sa batong hagdan sa likod ko. “Ako, bokalista; Si Betong sa bass; Drums naman kay Aries. Ano inyo?” Mahinang sinipa ko sa bag na nasa likod niya si Ando. Huminga siyang malalim na ‘di inaalis ang tingin kay Nikkoi. “Ano nga?” ulit ko, mas malakas na sipa na. “Gitara, siyempre.” “Ikaw, Koi?” “Keyboard.” Tumayo na ako, sinuot ang bag at bumaba na sa bleachers saka humarap sa kanila. “Kailan at saan tayo magpa-practice?” “Bukas. Sa bahay, pagkatapos ng klase. Ano?” Presinta ni Ando. Tumango kaming lahat. Astig! Tapos ang usapan. Nagsipulasan na kami sa walang kwentang band meeting. Bigla akong na-badtrip sa ‘di malamang dahilan, parang gusto kong manapak na hindi. Gusto kong mang-away na hindi. Hindi na ‘to bago sa akin, natural ko na ‘tong ugali, matagal na nga lang noong huli ko ‘tong naramdaman. Siguro ngayon lang nag-sink in sa utak ko ‘yung kagaguhang sagot ni Nikkoi. Natawa akong mag-isa habang nagbibisekleta. Ayos din si Nikkoi ah? Ni minsin ‘di niya ako ginaganon. “Andeng!” Pababa na ako sa bike nang may tumawag sa akin. Paglingon ko ay si Betong lang pala, naka-angat ang pwet niya sa upuan ng bike habang mabilis na pumapadyak papalapit sa akin, saka niya ‘lang pinihit ang preno bago tumama sa akin. “Papatayin mo ba ako? At sa tapat pa mismo ng teritoryo ko?” Sabi ko. Hingal na hinga siya, nasa dibdib ang isang kamay. “Si…Si…” “Sisi?” “Si… Tangina, sandali! Si ano…” Inip akong nagpamaywang. “Ano nga?!” “Si Ando… ginulpi si… Nikkoi.” Marahang akong tumango at naestatwa sa kinatatayuan. Lumunok ako saka tumingin sa hingal pa ring si Betong. Ngumisi ako kalaunan, kinunutan niya akong noo. “Gusto mo uminom ng tubig? Malamig? May ref kami,” sabay talikod ko. Wala akong pakealam sa kanila o sa kung anong trip nila sa buhay, bahala sila. Wala ako sa mood para isipin pa ‘yung ibang tao. Diyos ko naman, problema ko pa ba kung gustong suntukin ni Ando si Nikkoi? Binubuksan ko na ang gate nang magsalita siya. “Narinig mo ba sinabi ko?” medyo irita siya. “Oo. Ginulpi ni Ando si Nikkoi.” Sabi ko nang ‘di lumilingon. “…Wala kang balak awatin?” At doon ko lang siya nilingon. “Ah, kaya ka ba pumunta rito kasi inaasahan mong magba-bike, papagurin ko sarili ko papunta sa kanila, ta’s aawat ako? Tanga ka kung gano’n.”        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD