KABANATA 15

1577 Words
Tawa kami nang tawa nila Kuya sa pinanuod namin habang sila Nanay at Tatay ay mahimbing na natutulog. Ito ang pinaka ayaw ko tuwing kasama silang manuod ng sine. Sayang kasi 'yung binabayad nila kung tutulog lang din naman. 'Yung lamig ng aircon lang yata ang habol nila rito. Muntik pang humilik si Tatay. buti nasiko ni Kuya Roberto kaya nagising.  "T-tapos na?" aligagang tanong ni Tatay. Napailing na lamang kami. Katabi ko nga talaga si Denver. Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Sa tuwing papakitaan ko siya ng kabaitan, lalong nagdididikit sa akin. Dinaig pa ang anino ko. Kaya nga ako masama pagdating sa kanya kasi ayokong umasa siya. Bata pa lang naman kasi kami pinagpapantasyahan na ako ng ugok na 'to.  Ayoko kasi talaga sa kanya. Wala talagang pag-asa na magkagusto ako sa kanya. Napaisip tuloy ako kung kailan ba nagsimula itong inis ko sa kanya. Ah, 'yung sampung taon pa lang ako noon at siya naman ay labing isa. Hinalikan niya ako sa labi kasi naglalaro daw sila ng truth or dare! Pauwi na sana ako sa bahay namin nang mapadaan ako sa kanto nila. Lumapit siya sa akin, akala ko naman kung anong dahilan. Mabait pa ako sa kanya nung mga panahong iyon. Humarang siya sa daan ko at hinalikan ako sa harap ng mga kalaro niya, at sa mga kapitbahay naming chismosa! Umuwi akong luhaan no'n dahil sa kahihiyan. Pakiramdam ko pinagsakluban ako ng langit, lupa at impyerno! First kiss ko 'yon at sa lalaking 'di ko naman gusto ang nakakuha no'n! Sino bang 'di maiinis?! Mas malalim pa talaga sa balon galit ko sa kanya! Pagtapos naming manuod ng sine ay umuwi na kami. Ala una na kami ng hapon nakauwi sa bahay. Antok na antok na talaga ako. Kusang pumipikit mga talukap ko na parang may sarili silang desisyon sa buhay. At gusto na talaga nilang ipahinga ko sila. Bumagsak na ako sa kama. 'Di na ako nagabala pang magbihis man lang. Para ngang isang iglap lang ang tulog ko at nagising din naman sa ingay ng kapitbahay. Ang aga-aga nagiinuman agad?! Hinagis ko ang unan ko sa inis. Pagtingin ko sa orasan sa kwarto ko at alas tres na pala! Bakit bitin pa rin ang tulog ko? Antok na antok pa rin talaga ako pero nilaban ko na. Kapag pinagaptuloy ko ang tulog ko ay wala na akong itutulog pa mamaya. Ayoko nang mapuyat at may pasok pa ako bukas. Baka sa klase ako makatulog, yari na naman ako! Nakailang memo na mga teacher ko sa akin dahil ilang beses na rin ako nakakatulog sa klase. Puyat man o hindi. Antukin kasi talaga ko, e. Pero syempre, changed person na ako kaya 'di ako ako natutulog sa klase. Pabangon na ako sa kama para maligo ulit nang tumunog ang cellphone ko. Hinanap ko pa kung saan 'yon, nakalimutan ko kasi kung saan ko nailagay. Mabuti na lang at tumunog ulit. Nasa ilalim pala iyon ng unan ko. Pagbukas ko ay pinaulanan pala akong text nila Trixie! May iba pang mga text doon galing sa clan na sinalihan ko pero 'di ko na binasa. Wala akong panahon makipag lokohan sa mga 'yon. Ang jejemon naman kasi nila masyado, e. Ang sakit sakit na sa mata! Trixie: . Xan U?? . sTrol tyu?? Ako: . ge! liqo lnq aq . xUndu!n nyo aq! ... Trixie: . ok2x .,, Naligo na ako agad pagkasend ko no'n. Nagbibihis pa lang ako nang makarinig ako ng ingay sa labas ng kwarto ko. Alam kong nandito na silang lahat. Habang tumatagal ako sa pagbibihis ay lalo ring lumalakas hiyawan nila na may kasama pang mura. Sinuot ko 'yung bagong biling t-shirt ni Kuya Limuel last week at 'yung kupas kong pantalon. Malakas loob kong suotin 'to kasi nasa computer shop sila ngayon. Hinahanap niya kasi 'to sa akin, sabi ko 'di ko alam kung nasaan. Nagpulbo at baby cologne muna ako bago lumabas para fresh. "O mga tanga!" bungad ko sa kanila. Kumpleto ang barkada na feel at home na talaga sa bahay. Si Betong ay nakahandusay sa sahid sa tapat nila Annabelle at Trixie na okupado ang mahabang upuan. Si Ando namana ay nandoon sa gilid ng bintana, nakatayo.  "Lika na! Gala na tayo!" Si Annabelle na diretso nang lumakad palabas. Sumunod na rin kami. Si Ando ang huling lumabas at nagsara ng gate.  "Kasama niyo pala si Denver kanina?" pabulong na tanong ni Ando sa akin.  Napatingin ako, "Paano mo naman nalaman?"  "Kita ko kanina sa simbahan." Sumampa na ako sa bike ko at umuna na sa kanya. Ang chismoso rin talaga ng lalaking 'to. Nag-ikot muna kami rito sa barangay bago napagpad sa kabilang ibayo. Isang oras na kaming walang hinto-hinto. Buti na lag nag-aya 'tong si Betong na bumili muna ng ice tubig sa nadaanang tindahan. Muntik ko na ngang ihulog na lang ang sarili ko at matulog sa maruming semento.  "Mcdo naman tayo! May bago yatang flavor ng sundae ngayon, e. Napadaan ako kahapon." nakapamaywang na ani Betong. Nakatayo siya sa harapan namin at nakaupo sa bike habang kaming apat naman ay nakaupo sa gutter. Nahaharangan niya ang sikat ng araw kaya tuwa naman ako.  Isang daan lang ang perang bit-bit ko. Ipon ko pa naman 'to pambili sana ng mga yugi-oh cards na ibebenta ko rin naman sa mga pinsan ko sa mas malaking halaga.  Akala ko naman sa ihawan ang bagsak namin, lume-level up na pala 'tong si Betong. Napapansin ko ang panaka-nakang tingin ni Ando sa akin.  Pinaggigitnaan ako nila Trixie kaya 'di niya ako makausap. Ang maganda lang sa pagkakaibigan namin ay walang pagbabago. Lalo na sa kanilang tatlo, ayos lang sa kanila na nililigawan ako ni Ando. 'Di rin naman nila ako masyadong tinutukso sa kanya kung tutuusin. Para pa rin kaming magkakapatid.  "Tangik dati pa 'yun!" Sabat ni Annabelle at tumayo na.  Uminit agad ang ulo ni Betong. "Papansin ka talaga 'no? Ano ba 'yang si Aling Marie, masyadong pabaya! Nakawala na naman tuloy aso nila!" Lumabas tuloy sa ilong ko 'yung ice tubig sa sobrang tawa! Ang sakit pero mas lalo akong natawa. Wala na ngang boses 'yung tawa ni Trixie, puro hangin na lang. Ganoon din si Ando. Maliban na lang kay Annabelle na hinahabol na si Betong ng suntok. Marie kasi ang pangalan ng mama ni Annabelle, e. Kulang na lang talaga banggain nila ang isa't-isa ng bike.  Mcdo pa rin talaga ang naging ending namin. Mura lang naman 'yung sundae kahit papaano. 25 pesos lang naman, e. Kung sakaling 24 pesos 'yan 'di talaga ako bibili niyan!  Pansin ko talaga na hindi masyadong madaldal ngayon si Ando. 'Di na rin ako kinukulit. Nagpapahuli nga kanina sa pagbi-bike, e. Akala ko nga kakausapin ako kasi parehas kaming nahuhuli pero wala talaga. Baka natauhan? Umayaw na sa panliligaw? Posible naman 'din 'yon... O baka naman may problema lang? Nagturuan pa sila kung sino ang oorder sa amin. Tahimik lang ako, ayoko muna makigulo sa kanila. Medyo wala rin ako sa mood. Ewan ko ba! Naupo ako sa tabi ng bintana. Nakatingin lang ako sa bike namin na magkakahilerang nakaparada sa labas. Katapat ko si Ando at katabi ko naman si Trixie. Magkaaway sila Annabelle at Betong pero sila pa rin ang magkasamang um-order. May saltik din 'tong si Trixie. Alam naman niya ang mga pwedeng mangyari at lahat 'yon 'di maganda! Bumuntong hininga ako, tulala pa rin. Silang dalawa na lang ang naguusap, 'di naman din ako nakikinig. Maya-maya pa ay bumalik na sila Betong, siya ang may bitbit ng order namin. Sundae saka fries lang sa akin. Sila naman ay may kasama pang burger. Same kami ng order ni Ando pero chocolate ang sundae niya. Gusto ko ring i-try 'yung strawberry, e.  Na-excite pa naman ako. Sinubo ko agad 'yon at agad na nangasim. Hindi naman pala masarap! Ang asim-asim! Sinubukan kong haluin pero ganon pa rin. Hindi pa kasi ako nakaka-try ng totoong strawberry pero ganito ba talaga 'to? Ang asim asim naman. Muntik ko nang mapagkamalang kamias! Hindi pa rin natigil sa pagbabangayan ang dalawa na mas lumala pa yata. Tumabi si Annabelle kay Ando. Humatak naman ng isang extrang upuan si Betong at pumwesto sa gitna namin. "Tangina kasi nito, e! Nasa mcdo tayo ta's ang um-order ba naman ng yum burger! Tangina obobs!" naiinis na nagkukwento si Annabelle. Samantalang ngising aso lang si Betong, aminado rin siyang natatangahan sa sarili.  Tawa lang ako nang tawa.  "O kalma, kalma! Baka mamatay ka na niyan..." halakhak ni Betong.  Tinaasan siya ng kilay ni Annabelle. "Tangina mo 'wag na 'wag kang pupunta sa burol ko! Babangon talaga ako para patayin ka!" "Wag naman! Ikaw na lang. Mandadamay ka pa, eh!"  Puro talaga kalokohan si Betong kaya laging pikon 'yung isa. Inubos lang namin ang pagkain saka umalis. Hindi muna kami nagbike. Naglakad na lang muna kami para bumaba ang kinain. Pagabi na nga kung tutuusin. Hindi ko pa naman dalawa cellphone ko. Baka hinahanap na ako nila Nanay. 'Di pa naman ako nakapagpaalam.  "Kanina ka pa tahimik, 'Deng!" Puna ni Trixie. Natigil sila sa paglalakad para tignan ako. Tinignan ko muna sila isa-isa bago umiling.  "Baliw!" sabi ko na lang.  Kahit andami kong ginawa kasama sila, feeling ko lutang ako. Nakikitawa ako kapag may nakakatawa. Pagtapos no'n, tahimik na ulit ako. Nakakainis naman kasi 'tong si Ando! Biglang 'di na namansin, kanina naman kinakausap ako. Kapag 'di ako pinansin nito bukas, hindi ko na rin siya papansinin para patas!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD