Chapter 7
Claw’s Pov
NAGISING ako dahil may tumatawag sa pangalan ko. Agad kong ibinangon ang ulo ko at napamura nang tumama ang noo ko sa matigas na bagay. Idinilat ko ang mata ko at nakitang may naglagay ng upuan sa mukha ko. Siguro ay kagagawan na naman ng mga kaibigan ko. Tinulak ko agad ang upuan saka ako bumangon habang hinihimas ang nauntog kong noo.
Nakita ko si Raj at Thiel na nakangisi habang may hawak na mug. Nagkakape ang mga animal kahit tanghaling tapat.
Masama kong tinignan ang dalawa. Isa sa kanila ang naglagay ng upauan para mauntog ako, eh. Mga kulang sa aruga.
“Sinong naglagay ng upuan? Ipapalo ko talaga sa ulo niyo ‘yan.” Tanong ko at tinuro ang upuan na natumba sa sahig.
“Gago! Pasalamat ka nga at ginising ka namin, eh. Kanina ka pa umuungol dyan. Akala namin nakagat ka ng aso at ngayon lang kumalat ang rabies sa utak mo.” Sagot ni Thiel saka humigop sa tasang hawak niya.
Doon ko lang naalala ang panaginip ko. Tangina! Mabuti nalang pala at ginising nila ako. Bangungot ang panaginip ko, eh.
Napangiwi ako nang maalala ko kung ano ‘yun. Sa panaginip ko ay kinakain ko daw ang palaka ni kulot. Pati bulbol niya kulot. Bwisit talaga!
Agad akong tumayo at lumapit sa dalawa na nag memerienda kahit wala pang snack time. Sumbong ko talaga sila kay Boss Remus.
Napansin kong may water bottled sa mesa kaya kinuha ko ‘to at binuksan. Mabilis akong uminom ng tubig upang mahimasmasan ako sa panaginip ko. Lintik talaga! Kasalanan talaga ‘to ni Mrs. Valconeri, eh. Kung hindi lang niya ako ginawang tagahatid—sundo ng babaeng ‘yun ay hindi sana ako mananaginip ng ganito.
“Pinagpapawisan ka, buddy ahh..” sabi ni Thiel nang matapos akong uminom ng tubig.
“Paano hindi pagpapawisan ‘yan eh dalawang araw nang hindi naliligo ‘yan tapos palaging nakasuot ng leather jacket kahit ang init. Amoy anghit na ‘yang animal na yan.” pang aasar sa akin ni Raj.
Pinukol ko naman siya ng masamang tingin. “Tanga! Yan ang sikreto ng mga pogi. Ang hindi maligo araw-araw.” Sagot ko.
“Kung ganun.. ayaw ko nalang pala maging pogi,” naka-smirk niyang sabi.
Tumawa naman si Thiel. “Maligo ka nga, Claw. Pati aso ayaw lumapit sa’yo, eh.” bulalas niya.
“Bakit ang sasama niyong dalawa sa akin? Pagbabarilin ko kayo, eh!” Pagbabanta ko sa dalawa.
“Ganun talaga kapag mga totoong gwapo, hindi ‘yung nagkukunwaring pogi lang.” Sabi ni Dash na bigla nalang sumulpot sa usapan.
Nakasuot pa siya ng sando kaya lumabas ang mga muscle niya. Parang tanga! Mas malaki pa naman ang muscle ko kaysa sa kanya. Baka pagtinanggal ko ang suot kong leather jacket ay biglang matunaw ang mga muscle niya sa katawan.
“Manahimik ka dyan!” Inis ko namang sabi.
“Kumusta na nga pala ang pagiging driver mo sa dalagang may kulot ang buhok?” natatawang tanong ni Dash. Alam kasi nila ang parusang binigay sa akin ni Mrs. Valconeri. Hindi ko alam kung bakit ako ang inutusan niyang maghatid—sundo sa babaeng ‘yun. Dahil siguro sa lamang ang kapogian ko sa lahat ng tauhan ni Boss Remus. Pero hindi talaga ako natutuwa. Hindi ako masaya.
Ang nakakainis pa ay binilhan ko siya ng sapatos. Hindi ko alam kung anong masamang elemento ang pumasok sa isipan ko para bilhan ng sapatos ang babaeng ‘yun. Nakakainit talaga ng ulo ang pagmumukha niya.
Umupo ako at tumulala na lamang habang iniisip na naman ang panaginip ko kanina. Mabuti nalang at hindi sa madaling araw ako nanaginip, sabi kasi nila kapag madaling araw nanaginip ay nagkakatotoo.
“Bakit natutulala ‘yan?” Tanong sa akin ni Dash na pinisil pa ang isa kong pisngi. Bakla amputa!
“Tigilan mo nga akong animal ka!” Singhal ko habang pinupunasan ang pisngi ko at baka kung saan niya ipinanghawak ang kamay niya. Kahit hindi ako naliligo ay maarte ako pagdating sa mukha ko. Ayaw kong may humahawak sa mukha ko na marumi ang kamay. Pero tangina, naalala ko ang ginawa ni Diane sa akin kahapon. Binato niya ako ng putik.
“Yung boss natin, na-inlove na talaga siya sa asawa niya. Akala ko pa naman mamatay siyang single at sa negosyo lang siyang mag fo-focus.” sabi ni Dash.
“Sige, iparinig mo sa kanya ‘yan para todas ka.” wika naman ni Raj saka uminom ng kape.
“Bakit ba kayo nagkakape? Ang init na nga ng panahon.” tanong ko.
“Eh ikaw.. kailan mo tatanggalin ‘yang leather jacket mo?” balik tanong ni Raj sa akin.
Hindi na lang ako sumagot dahil hindi nila maintindihan ang dahilan ko kung bakit ako nagsusuot ng leather jacket. Ang totoo kasi niyan ay lagi akong may dalang mani na dinudukot ko sa bulsa ng leather jacket ko. Ayaw kong makita ng mga kasamahan ko dahil hihingian lang nila ako.
Kaya nagsusuot ako ng leather jacket para kapag nagutom ako ay kukuha nalang ako sa bulsa ko. Kahit saan ako magpunta ay hindi ako magugutom. Kahit maglinis pa ako ng mga bangkay ay kumakain ako ng mani.
“Anyway, I spotted some new models of firearms. Parang ang sarap gamitin.” sabi ni Dash na umupo sa katapat kong upuan. Hindi ako sumagot, wala ako sa mood makipag usap sa kanila dahil badtrip ako sa panaginip ko. Hindi ko matanggap na kinain ko ang palaka ni kulot. Sa dami-daming pwedeng mapanaginipan ko ay ‘yun pa talaga. Putangina talaga!
May pumasok sa isipan ko kaya napaisip ko kung totoo ba talaga ‘yun. Pero tangina, ayaw kong magtanong sa mga kaibigan ko at baka tawanan lang nila ako. Ang sasama pa naman ng ugali nila.
“Duda ko talaga ay susunod sa yapak ni Boss Remus si Claw,” biglang sabi ni Thiel habang nakangiti sa akin.
Nalukot ang mukha ko. “Wag mo nga akong idamay dyan! Kita mong wala akong babae kaya paanong susunod sa yapak ni Boss? Dami mong alam!” nakasimangot kong sabi.
“Baka naman magulat kami sa susunod na mga buwan, ha!” makahulugang sabi ni Raj.
“Anong ibig mong sabihin?” kunot-noong tanong ko.
“Na may babae ka nang dinidate,” saad ni Raj.
“Malabo ‘yang mangyari. Kung ang tinutukoy niyo ay ang babaeng bayawak, sigurado akong hindi mangyayari ang sinasabi niyo. Hindi ako magkakagusto sa babaeng mukhang dirty.” Sabi ko kaya natawa ang tatlo kong magkaibigan.
“Makalait ka sa kanya, ah,” sabi ni Thiel. “Baka kainin mo ’yang mga sinasabi mo, ha! Kami talaga ang unang tatawa,” dagdag pa niya.
“Papaputol ko na lang ang t*ti ko kapag nangyari ’yun,” sabi ko habang nakangiwi.
Ngunit napaigtad ako nang may tumama sa mesa—isang espada. Agad akong tumingin sa taong may hawak nito at pinukol siya ng masamang tingin dahil sa gulat.
“Sakto, matalas ang espadang ito, Claw. Kayang-kayang putulin ang birdy mo.” nakangisi na sabi ni Nolan.
“Gusto mong isaksak ko sa’yo ‘yan, ha?!” inis kong sabi dahil sa gulat ko.
Tumawa lamang siya. “Sakto ‘yan, pang-tuli kay Claw. Hindi pa kasi tuli ‘yan, eh.” sabi ni Dash. Trip talaga nila akong asarin ngayon. Mga walangya!
“Hindi ka tuli, pre? Hindi mo sinabi agad. Patingin nga, para malaman ko kung anong itak ang gagamitin ko.” seryosong sabi ni Nolan.
“Pupugutan talaga kita, Nolan! Wag nga kayong magkalat ng tsismis! Baka may makarinig at tawagin akong Claw di pa tuli.” sabi ko at tumingin sa paligid.
“Hindi ka naman talaga tuli, eh.” sabat ni Thiel.
“Hoy! Kasabayan kong natuli ang kaibigan ko dati na si Bernard. Pero ngayon Berna na ang pangalan dahil bading na.” Seryoso kong sabi pero ang mga animal ay nagtawanan lang. Napipikon na ako sa kanila. Isusumbong ko talaga sila kay Boss Remus. Sasabihin kong mga bully ang mga tauhan niya.
Natahimik kaming lahat ng biglang may dumating dito sa pantry namin. Meron kaming ganito dito dahil kapag wala kaming gagawin ay pwede kaming kumain o matulog.
“Boss Hadeon..” tawag pa ni Thiel sa bagong dating. Kapatid siya ni Boss Remus kaya boss din ang tawag namin sa kanya.
“Mukhang nagkakatuwaan kayo ahh..” sabi niya saka siya umupo sa tabi ni Dash.
“May isa kasi kaming kasama dito na hindi pa tuli. Boss Hadeon. Baka may kilala kang marunong tumuli.” sabi naman ni Nolan.
“Bakit maghahanap pa, ako na ang bahalang pumutol niyan. Sino ba?” Tanong ni Boss Hadeon na kinagat ang kalokohan ng mga kaibigan ko.
“Si Boss Remus daw,” sabat ko at inunahan na ang mga kaibigan ko na ituro ako.
“Mga gago! Eh ‘di pinaulanan tayo ng bala no’n kung sakali.” nakangiwing sabi ni Boss Hadeon na takot din sa kuya niya.
Tumayo na lang ako sa kinuupuan ko at nagtimpla na lang din ako ng kape dahil naiingit na ako sa kanila. Bahala na kung mainit ang panahon. Ganun naman talaga ang mga pinoy, kahit pinagpapawisan na ang mga singit ay magkakape pa rin.
A/N: Ilalapag ko na din po ang story ni Hadeon mamaya po or bukas. Abangan niyo nalang po dito sa Dreame or Yugto at i-add po sa library ninyo. Salamat po.