Chapter 5
Diane’s Pov
NAGLAKAD ako papunta sa kotse na nakaparada sa gate ng bahay ni sir Remus. Ihahatid na naman ako ng kampon ni Satanas sa eskwelahan. Gusto ko sanang tumanggi sa sinabi ni ate Cataleen na si Claw na ang maghahatid—sundo sa akin. Pero nahihiya akong tumanggi at baka sumama ang loob niya.
Iniisip ko lang si Ate Cataleen. Wala na akong magagawa kung siya man ang maghahatid sa akin. Titiisin ko nalang na makasama siya.
Tinungo ko agad ang passenger seat at agad na binuksan ang pintuan. Bumungad sa akin ang matandang natanggalan ng ngipin. Ako pa ang sinisisi niya kung bakit natanggal ang ngipin niya. Eh alam naman namin na kung hindi niya ako tinakot ay hindi ko iuuntog ang noo ko sa bibig niya.
Anong akala niya sa akin, hindi gaganti? Papayag na lang na asarin niya. Aba, patawa siya!
Pumasok na lang ako sa kotse habang nakasimangot ang mukha ko. Mabuti ng alam niyang hindi ako masaya na kasama siya.
Walang imik niyang pinausad ang sasakyan kahit hindi ko pa nakakabit ang seatbelt. Hindi nalang ako nagsalita dahil humiling sa akin si ate Cataleen na baka pwedeng hindi na muna kami mag-away ni Claw. Kanina pa kasi kami nagbangayan ng gurang na ‘to. Hindi ko kasi matanggap na siya ang maghahatid sundo sa akin sa school.
Ang dami daw kasing masasamang tao ngayon kaya dapat lang daw na mag-ingat. Kaysa daw mag book ako ng masasakyan ay si Claw nalang daw ang maghahatid sa akin.
Ito naman si Ate Cataleen.. maghahanap nalang ng maghahatid sa akin sa school mukha pang suspect.
Biglang nag vibrate ang phone sa bag ko kaya agad ko itong kinuha. Nang makita kong sa group chat ‘yun ay agad kong binuksan at baka mahalaga ang chat.
Binasa ko ang chat ng isa kong classmate at nakalagay do’n na may kailangan daw kaming bilhin. Yun daw ang sabi ni Prof. Napakamot ako sa likod ng ulo ko dahil ngayon lang sila nagsabi. Dapat ay kahapon pa sila nagsabi para makabili agad. Nakakainis!
Hindi ko pa naman mautusan ‘tong lalaking nagmamaneho. Sigurado kasi ako na malaki ang galit niya sa akin dahil sa ginawa kong pag-untog ng noo ko sa bibig niya. Pero kapag hindi ko naman sinabi sa kanya ay baka ako lang ang walang madala. Ang sarap umabsent tuloy ngayong araw.
Pinatay ko na lang ang cellphone ko at magkukunwari nalang ako na hindi ko nabasa. Pero naalala ko nga pala na makikita kapag na seen ang chat. Napakagat na lamang ako sa ibaba kong labi kung anong gagawin ko.
Naalala ko ang kaibigan ko at baka wala pa siya sa school. Agad kong binuksan ang cellphone ko upang i-chat si Jamaica. Nagtipa ako at sinabi ko sa kanya na magpapabili ako at sa school ko nalang babayaran.
Nang maisend ko sa kanya ang message ko ay hinintay ko na muna na ma-seen niya. Para alam ko kung papasok ba sa ako school o hindi nalang.
Nakahinga ako ng maluwag nang i-seen ng kaibigan ko ang chat ko. Nag reply siya ng okay kaya nagtipa ulit ako ng message. “Hoy! Magkano ba ang sahod mo kay Boss Remus?” Biglang nagtanong ang gurang na walang ngipin.
Tumingin ako sa kanya. Palipat lipat ang tingin niya sa akin at sa daan. “Bakit mo naman na tanong?” Tanong ko.
“Wala lang. Baka kasi afford mo ng kumuha ng motor para hindi na kita ihahatid sa school. Hayahay ka naman masyado sa buhay mo.” Aniya. Talagang sinimulan na naman niya, kapag ginantihan ko, siya pa ang pikon.
Tinaasan ko siya ng isa kong kilay ng magtagpo ang tingin namin dalawa. “Hindi ako marunong mag-drive ng motor kaya pasensya na, gurang, talagang ihahatid mo ako sa school.” Sabi ko na may kasamang pang-aasar.
“Tangina naman! Ganun ka kabobo?” Pang-aasar niya kaya malakas ko siyang sinuntok sa braso.
“Fvck!” Daing niya dahil sa ginawa ko.
“Ulitin mo pa ang sinabi mo at sisiguraduhin kong sa nguso mo na naman tatama ang kamao ko. Tanggal talaga ‘yang ngipin mong nasa harapan.” pagbabanta ko sa kanya.
“Baliw kang babae ka! Sigurado akong hindi ka magugustuhan ng crush mo dahil bukod sa pangit ka na, pangit pa ang ugali mo!” asik niya sa akin.
“Hoy! FYI ang masamang ugali ko ay lumalabas lang kapag ikaw ang kaharap ko. Demonyo ka kasi kaya sinasabayan ko ang kasamaan mong gurang ka!” Sigaw ko din sa kanya.
“Demonyo pala ha! Sige, ipapakita ko sayo kung gaano ako kademonyong tao.” Aniya kaya inirapan ko na lamang siya.
Hindi na ako sumagot at baka tumubo pa ang sungay niya at buntot. Mahirap na, baka mahawaan pa ako sa kademonyohan niya.
Ilang sandali pa ay huminto ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Nakarating na kami sa eskwelahan pero nagtaka ako kung bakit hindi niya inihinto sa harap talaga ng gate dahil doon naman siya huminto kahapon.
“Bakit dito ka huminto? Pwede naman do’n sa harap ah..” sabi ko at tinuro sa kanya ang unahan.
“Eh sa dito ang gusto kong gumilid. Boss ba kita para sundin ka kung saan mo gustong huminto? Bumaba ka na nga! Feelingera!” Masungit niyang sabi. Naikuyom ko ang kamao ko sa sobrang inis na nararamdaman ko kay Claw. Hindi naman ako feelingera. Nagtataka lang naman ako kung bakit dito siya huminto.
Hindi na ako sumagot at agad na binuksan ang pintuan ng passenger seat. Hindi ko man lang tinignan ang inapakan ko nang bumaba ako kaya halos mapatili ako ng lumusot ang isa kong paa at nahulog ako sa kanal.
Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang nangyari sa sapatos at laylayan ng pantalon ko. Hindi ako makapaniwalang tumingin kay Claw. Ngayon nakuha ko na kung bakit dito niya iginilid dahil may kanal. Alam niyang mahuhulog ako kapag bumaba ako.
Tumingin ako kay Claw at nakita ko siyang ngumisi na parang demonyo. “See? Ganyan ako ka demonyo, Diane.” Sabi pa niya na para bang tuwang-tuwa sa sinapit ko.
Lahat yata ng dugo ko sa katawan ay umakyat dahil sa inis ko kay Claw. Talagang inuubos niya ang pasensya ko. “Ikaw..” nanggigil kong sabi.
Binelatan niya ako kaya agad akong yumuko. Walang kaarte-arte akong dumampot ng putik mula sa kanal at agad na ibinato kay Claw.
“Putangina!” malakas niyang mura nang tamama sa mukha niya ang ibinato ko.
“Pademonyohan tayong dalawa! Piste ka!” Sigaw ko sa kanya sabay bato ulit ng putik.
Agad niyang isinara ang pinto ng passenger seat at pinaharurot ang sasakyan. Ako naman ay naiwang nakalubog sa kanal.
Dali-dali akong umalis sa pagkakalubog at nanlumo dahil ang dumi ng sapatos ko pati na ang pantalon ko. Sobrang dumi pa naman ng kanal dito. Napakabastos talaga ng Claw na ‘yun. Ibang klase gumanti.
Gusto kong maiyak sa sinapit ng sapatos ko. Puti pa naman kasi, kaya sigurado akong mahihirapan ako nito sa paglalaba. Hindi man lang niya naisip na papasok ako sa school. Basta makaganti lang siya sa akin. Alam ko naman na kanina pa siya pikon na pikon sa akin. Dumagdag pa ang natanggal ang isa niyang ngipin dahil sa malakas kong pag-untog sa bibig niya nong tinakot niya ako ng madaling araw. Pero hindi ko naman kasalanan ‘yun eh, gumanti lang naman ako. Hindi naman sana siya matatanggalan ng ngipin kung hindi niya ako tinakot.
Tapos ngayon ito na naman ang ginawa niya sa akin. Ibang level ang kademonyohan ng gagong ‘yun. Sinusumpa ko talaga siya. Sana ay tumanda siyang walang asawa at maging ulyanin. Bwisit siya! Isusumbong ko talaag siya kay Ate Cataleen. Hindi nakakatawa ang ginawa niya sa akin. Paano ako papasok ng school nito kung ganito ang itsura ko. Piste talaga!