Chapter 4

1681 Words
Chapter 4 Diane’s Pov NAKAUWI na kanina ang mag-asawa at tapos na rin sila kumain. Pinuri pa ni ate Cataleen ang niluto kong ulam kaya natuwa ako. Mas masaya ako dahil pagkarating nila ate Cataleen ay umalis naman si Claw. Mas mabuti nang umalis na siya dahil may kasama na ako sa bahay. Hindi ko na siya kailangan. Puro ba naman pang-aapi sa akin ang sinasabi niya habang nagluluto ako. Hindi ko lang pinatulan at baka iwan niya ako at magpakita sa akin ang sinasabi niyang white lady. Tapos na din akong kumain at tapos na akong maghugas ng pinggan. Pero bago ako pumasok sa kwarto ko ay siniguro ko na munang naka lock ang mga pinto. Pinatay ko na rin ang ilaw sa kusina at sala. May ilaw naman sa labas ng bahay kaya kahit papano ay hindi masyadong madilim sa loob. Napatakbo pa talaga ako papunta sa kwarto ko matapos kong patayin ang panghuling ilaw. Para akong timang na tumatakbo. Nang makapasok ako sa kwarto ko ay agad akong nilock ang pinto. Naglakad pa ako sa bintana ng kwarto ko para ayusin ang kurtina at baka may sumilip na multo. Langya talaga ‘yun si Claw, kung ano-ano kasi ang pinagsasabi sa akin. Natatakot na tuloy ako. Pumasok na muna ako ng banyo para mag toothbrush at mag half bath. Nagmadali pa ako ng kilos ko dahil gusto ko nang magpahinga. Nang makapasok ako sa banyo ay agad kong ginawa ang dapat kong gawin. Nagtagal ako sa banyo ng 20 minutes. Nang matapos ako ay pumunta ako sa lagayan ng damit ko at kumuha ng maisusuot. Wala naman akong skincare sa gabi, dahil wala akong perang pangbili. Tanging hilamos lang ng sabong safeguard ang ginagawa ko. Mabuti na nga lang at hindi ako katulad ng ibang babae na maraming tigyawat. Hindi ko uunahing bumili ng pang arte sa katawan lalo na’t mahirap lang naman kami ng mama ko. At isa pa, hindi naman ako tinutubuan ng tigidig sa mukha kaya ayos na sa akin. Pumunta na ako sa kama at agad na humiga. Nakahinga ako ng maluwag dahil makakapagpahinga na rin ako sa wakas. Kailangan kong matulog ng maaga dahil may pasok ako bukas. Maaga na naman ako gigising para gawan ng almusal ang mag-asawang Valconeri. Hindi na ako nag cellphone pa at ipinikit ko nalang ang mata ko. Sa sobrang pagod ko ngayong araw ay agad akong nakaramdam ng antok kaya tuluyan akong hinila ng antok at nakatulog. Naalimpungatan lang ako at nagising dahil nakaramdaman ako ng uhaw. Una kong kinapa ang cellphone ko sa bedside table at nakitang 12:45AM na rin pala. Kinusot ko pa ang isa kong mata at umupo ako. Nakaramdam kasi ako ng uhaw. Nainis ako sa aking sarili dahil nakalimutan ko pa lang magdala ng tubig dito sa kwarto ko. Ito kasi ang nakakainis sa akin, nagigising ng madaling araw. Minsan 2AM nagigising ako dahil nauuhaw. Kaya dati, nong nasa resort pa ako ay lagi akong nagdadala ng isang bote na may lamang tubig para hindi na ako lumabas pa ng kwarto. Nauuhaw talaga ako kaya napasabunot ako sa buhok ko sa inis ko. Wala naman akong magagawa kundi ang tumayo at lumabas ng kwarto ko. Kakamot kamot pa akong naglakad papunta sa pinto. Next time talaga, hindi ko na kakalimutang magdala ng tubig para hindi ko na kailangan pang lumabas ng kwarto. Dala-dala ko ang cellphone ko upang gamiting flashlight. Hindi ko na bubuksan ang ilaw para hindi sumakit ang mata ko sa biglang liwanag. Nang makalabas ako ay naglakad ako patungo sa kusina. Dahan-dahan pa talaga akong naglakad at baka marinig nila ako ate Cataleen. Pero sigurado naman akong tulog na sila ngayon. Nang makarating ako sa kusina ay agad akong lumapit sa ref. Kumuha ako ng malamig na tubig saka ako pumunta sa sink para kumuha ng baso. May drawer kasi do’n kung saan nakalagay ang mga baso. Kumuha ako at agad nagsalin ng tubig. Uminom agad ako. Ang sarap uminom ng malamig na tubig. Nagsalin pa ako sa pangalawang pagkakataon at ininom muli. Hindi na ako nagbukas ng ilaw sa kusina kaya madilim. Tanging ilaw lang ng cellphone ko ang maliwanag. Nang matapos akong uminom ay humarap ako sa kaliwang side ng kusina. May napansin kasi akong gumalaw kaya agad akong lumingon. Ngunit wala naman kaya pinagwalang bahala ko na lamang. Humarap na lamang ako kung saan nakalagay ang ref para sana ibalik ang kinuha kong lagayan ng tubig. Ngunit nanigas ako sa kinatatayuan ko at nanlaki ang mata ko nang may nakita akong nakaputi na nakatayo sa tabi ng ref. “M-Multo.. m-multo..” halos nahirapan akong huminga habang sinasambit ‘yun. Puti lang ang nakikita ko. Nakatayo siya dahil sa haba ng puting tela na nakikita ko. Pero dahil sa madilim ay hindi ko makita ang mukha ng multo. Ipinikit ko ang mata ko habang nanginginig ang mga kamay sa takot. Hindi ko alam ang gagawin ko. Diyos ko!, totoo pala talaga ang sinasabi ni Claw na may multo dito sa bahay ni sir Remus. Pakiramdam ko ay maiihi ako sa takot. Hindi ko nagawang gumalaw sa kinatatayuan ko habang hawak ko pa rin ang lalagyan ng tubig. Sinubukan kong idilat ang mata ko at baka sakaling wala na ang puting nakita ko. Ngunit napatili ako nang makita kong nasa harapan ko na ang multo at ang liwanag ng mukha niya. “Wahhhh!!!” Sigaw ko at nabitawan ang hawak ko. Naramdaman ko pang nabasa ang sahig kung saan ako nakatayo pero wala na akong pakialam dahil tumakbo ako palayo sa multo. Ngunit sa kasamaang palad ay nadulas ako dahil sa basa ang sahig. “Wahh!!” Napatili akong muli at hinanda ang sarili sa pagbasak ko sa sahig. Tumingin pa ako sa multo at aksidente kong nahawakan ang puting damit niya. Nanlaki ang mata ko dahil nahawakan ko siya. Sa pagkakaalam ko kasi kapag multo ay hindi nahahawakan at para na silang usok. Eh bakit itong multong nasa harapan ko ay nahawakan ko ang suot niya. Bumagsak ako sa sahig at dahil sa nakahawak ako sa damit ng multo ay bumagsak din siya sa akin. Muntik nang tumama ang ulo ko sa sahig pero hindi nangyari yun dahil may kamay na promutekta sa ulo ko. Nakita ko ang mukha ng multo at tinitigan ko ito ng mabuti. Kitang kita ko dahil flashlight ang hawak niya kanina nang makalapit siya sa akin kaya ang liwanag ng mukha niya. Doon ko napagtanto na si Claw ang multo. Nanlaki ang mata ko habang magkatitigan kaming dalawa. Talagang naglagay pa siya ng makeup sa mukha na dugo-dugo para magmukhang nakakatakot. Nakasuot din siya ng wig para magmukhang babaeng multo. Sa inis ko ay malakas kong inuntog ang noo ko sa bibig niya. “Ugh.. fvck!” Mura niya at agad akong binitawan ng gago kaya napahiga ako sa sahig. “Bwisit ka! Papatayin talaga kita, Claw!!” Galit na galit kong sigaw at agad na bumangon. Hindi pa siya nakakabawi sa malakas kong pag-untog sa noo ko kaya nakasapo pa rin siya sa kanyang labi. Pero hindi ako naawa sa kanya. Basang basa ang damit ko dahil sa tubig na nabitawan ko sa sahig. Kasalanan niya ‘tong lahat. Agad kong sinakal sa leeg si Claw. Gigil na gigil ako sa kanya. Wala akong pakialam kung maging kakulay siya ni Barney. “T-Tangina.. h-hindi ako makahinga..” nahihirapan niyang sabi ngunit hindi ko siya pinakinggan. “Yun nga ang plano eh, ang hindi ka makahinga para mawala ka na sa landas ko!” Bulalas ko at mas lalo siyang sinakal. “Ughh..” daing niya na para bang ibon na sinasakal. Ngunit sa kasamaang palad ay biglang nagliwanag ang kusina kaya napatigil ako sa pagsakal kay Claw. Sabay pa kaming napalingon sa dumating sa kusina. Ang mag-asawang Valconeri. “Ano na namang ginagawa ninyong dalawa?” Naguguluhang tanong ni ate Cataleen sa amin ni Claw. Naabutan nila kaming sinasakal ko ang unggoy na lalaki. Agad kong tinigilan ang leeg ni Claw kahit inis na inis ako. Kitang kita ko kasi ang stress sa mukha ni ate Cataleen habang nakatitig sa amin ni Claw. Napayuko na lamang ako dahil nahihiya ako na naabutan nila kami na nag-aaway. Basa pa ang sahig dahil sa kalokohan ni Claw. "Hindi talaga kayo titigil sa pag-aaway! Kahit madaling araw nag-aaway pa rin kayo!" Sabi ni ate Cat kaya napakagat na lang ako sa ibaba kong labi. “At ikaw naman, Claw.. hindi ka talaga titigil na asarin si Diane!” Inis na sabi ni ate Cat sa binata. Tumayo naman si Claw habang sapo ang leeg niya at hindi sumagot. “Naka costume ka pa talaga!” Singhal ni ate Cat. Tumayo na rin ako at medyo nadulas pa dahil sa sahig. Basang basa ang damit ko kaya hindi ko mapigilang mahiya. Tumingin pa ako kay Claw para sana pandilatan siya. Ngunit tumingin din siya sa akin kaya napansin kong may dugo sa labi niya. Kung kanina ay naglagay siya ng pula sa labi niya para magmukhang dugo, ngayon, totoong dugo na ang nakikita ko. Dahil siguro sa malakas kong pag untog sa noo ko sa bibig niya. Medyo masakit ang noo ko pero ayos lang, nakita ko namang dumugo ang bibig ni Claw. Pinandilatan ako ni Claw kaya hindi din ako nagpatalo. Natigil lang kaming dalawa dahil sinaway kami ni ate Cataleen. Pareho kaming napayuko ni Claw dahil parang armalite ang bibig ni ate Cataleen na pinagalitan kaming dalawa. Kasalanan talaga ‘to ni Claw eh. Hindi talaga ako makokonsensya kung sakali man na natanggal ang ngipin niya. Deserve niya! Bwisit siya! Nag effort pa talaga siya para lang takutin ako. Piste! Nagising tuloy ang katawang lupa ko dahil sa kanya. Hindi ko alam kung makakatulog ba ako nito agad dahil ang bilis ng t***k ng puso ko sa sobrang takot ko kanina. A/N: May story din po si Cataleen mga mhie. Sa mga bago po dito at hindi pa nababasa ang story niya, baka magustuhan niyo po. Ang title po ay A Vow of Obsession. Search niyo nalang po ang title. Salamat po💚
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD