Chapter 5

1381 Words
No sex Hindi nagbago ang ekspresyon niya. Kalmado ito ay tila tinatantya ang aking pagiisip.  "Are you sure about this Eva? Once you accept my offer you can no longer take it back, unless kailangan na nating magdivorce." Seryoso niyang tanong.  Ilang araw ko na din naman itong pinagisipan. Noong una ay hindi pa ako makapagpasiya. Pero ngayong nagpaparamdam si Tiyo Enteng ay hindi pwedeng ako lang palagi mag isa. Hindi ko lubos maisip na magkikita kami ulit matapos ng tatlong taon kong pagtatago mula sakanila.  Alam kaya ni Tiya Beth ang ginawa ng kaniyang asawa? Alam kaya niyang tinangkang lapastanganin nito ang kaniyang pamangkin? May pakialam kaya ito kung sakaling nalaman niya? "Go ahead. You can make our contract para dito Franco. Nakapagdecide na ako, magpapanggap ako bilang asawa mo." diretsa ko.  Tumango tango lamang siya.  "Can you explain to me what happened there earlier? Bakit ka nag histerical?" Nagulat ako sakaniyang tanong. Nag iwas lamang ako ng tingin.  "Wag...Wag na nating pagusapan.. Babalik na ako sa loob. Ayos na ako.." Naiilang kong sabi.  "No. Ihahatid na kita. Kinausap ko na si Ruby na tapos ka na for tonight, ako ng bahala." Mababa at baritono ang kaniyang boses.  Tumango na lamang ako. Ang ginaw sa kaniyang sasakyan. Hindi na ako nakapagsuot ng roba dahil dinala niya na ako agad dito. Ang suot ko lamang ay ang stringed bikini at ang coat na nakabalot sa katawan ko. Abot lamang ito sa aking tiyan kaya expose ang aking mga binti sakaniya.  "Sige. Diyan lang ako sa 12th street." Nahihiya kong sabi.  Tumango lamang siya at hinarap ako. Unti unti siyang lumapit sakin. Hinawakan niya ang magkabilang gilid ng coat at ibinalot ng maigi sakin. Halos makuryente ako ng madaplisan niya ng bahagya ang aking dibdib.  Ramdam ko ang init ng kaniyang mga daliri ngunit hindi ko ito pinaramdam. Kinabit niya din ang aking seatbelt bago humarap at pinaharurot ang kaniyang sasakyan.  Nakarating kami sa aking apartment ng walang nagsasalita. Hinubad ko na ang aking seatbelt ay dirediretsong lumabas. Noong una ay akala ko uuwi na siya pero nagulat ako ng bumaba rin ito at nakasunod sa aking likod. Hinarap ko siya at kitang kita ko ang pagtingin niya sa kabuuan ng aking apartment.  "Gusto mong pumasok?" Tanong ko habang nasa hamba ng pintuan.  "Sinong kasama mo sa loob?" Tanong niya. "Iba iba. Yung iba hindi ko naman kilala. Iba't ibang pinto ang nandiyan. Kaya magisa naman ako sa kwarto ko." Tumango tango lamang siya.  "Get in and rest. Bukas ay magkita tayo para mapagusapan natin ang ating arrangement." Tumango na lamang ako at tinalikuran na siya.  Umakyat agad ako sa aking kwarto at sinilip ang aking bintana para tignan ang paglayo ng kaniyang sasakyan.  Hindi na ako ligtas dito. Paano kung matunton ako ni Tiyo Enteng? Nangilabot ako sa aking pagiisip.  Uminom ako ng gamot para makatulog ng matiwasay. .Medyo mahal kasi ang gamot na ito. Para maiwasan ang masasama kong panaginip.  Mahimbing ang aking tulog kaya masarap ang aking gising.  Bumaba ako para makapag almusal at nakita ko si Molly na gising na at nagpiprito ng hotdog.  Namataan niya ako agad at tinitigang mabuti hanggang makaupo ako sa lamesa.  "Penge ah!" Sabay tusok ko sa hotdog at sinubo.  "Ayos ka na ba? Alalang alala kami sayo lalo na si Mamang Ruby nung nahulog ka sa pole. That was the first time na nalaglag ka sa isang performance Eva." umiiling pa ito habang nilalapag ang fried rice sa aking harapan.  "Molly.. He's here.. Tiyo Enteng." unlike yesterday mas kalma ako ngayon. Epekto padin siguro ng gamot.  "What? Paano? Saan?" nanlaki ang kaniyang mata sa gulat.  "Nakita ko siya kagabi. Habang nagpeperform ako,kaya nagpanic ako at nalaglag." kwento ko. Umiling iling si Molly at halatang di makapaniwala sa aking balita.  "Anong plano mo ngayon?" seryoso niyang tanong.  "Tinanggap ko na ang offer ni Franco. Tingin ko ay pag pumayag ako, mas mapoprotektahan niya ako mula kay Tiyo. Magpapanggap lang naman eh. Kaya ko na yun." alinlangan kong sabi.  Tumunog ang aking cellphone, pangalan ni Aunti Beth ang nakalagay. Sinagot ko naman ito.  "Hell-" pinutol agad ito ni Auntie.  "Hoy Eva! Bakit ito lang ang pinadala mo? Sampung libo? Aanhin ko to? Pambayad lang ito ng mga utang ko eh! Paano naman ang pangkain namin ni Enteng? Wala panaman iyon ngayon dito at naghahanap daw ng trabaho!" nagulat ako sakanyang sinabi.  Ibig sabihin ay hindi niya alam na nandito si Tiyo Enteng? Ang pagkakaalam niya ay naghahanap ito ng trabaho?  Lalo akong kinilabutan sa aking nalaman. Nagsinungaling siya kay Auntie Beth para lang masundan ako.  Ganun siya kaderesperadong makalapit sa akin.  "Sige po Auntie, magpapadala na lang po ako ulit." malumanay kong sagot.  "Aba dapat lang! Kulang pa ito sa mga pinalamon ko sayo noon!" sabay baba nito ng tawag.  Napabuntong hininga na lamang ako sakaniyang sinabi. Matapos ng tawag ay may nagtext naman sa akin. Unknown number ang nakalagay dito.  Unknown:  Itallanis. 5pm. Napakunot ako ng noo. Inisip ko na baka mali lang pero may sumunod pa itong mensahe.  Unknown: This is Franco. Please save my number.  Hindi na ako nagtaka na nalaman niya ang akong numero. Kung nalaman niya nga ang aking backround ay hindi na mahirap sakaniya na malamang ito.  Nagbihis naman ako agad ay nag ayos. Ngayon na siguro namin pag uusapan ang set up ng aming gagawin.  Nang makarating ako ng Itallanis at agad kong hinanap si Franco. Nandun na siya agad at nakaupo abala sa kaniyang laptop. Pormal ang kaniyang suot kaya naman ang mga babae sa restaurant na ito ay hindi magkamayaw na lingunin siya.  Taas noo akong lumapit sakaniya at nang maramdaman niya naman ang aking presensiya ay umayos agad ito ng upo. Umupo na ako sa harap niya.  "What do you want?" sabay abot sa akin menu. Umiling lamang ako.  "Let's get straight to the point Franco. Ano ang kailangan natin i-set na rules and expectations sa arrangement na ito?" diretsa kong tanong.  Binaba niya ang hawak na menu at agad naman akong hinarap.  "Palalabasin natin na dalawang taon na tayong magkarelasyon. Pag nagtaka sila kung bakit tayo magpapakasal agad ay sasabihin natin na hindi na tayo makapagantay dahil sobrang mahal natin ang isa't isa." nakangisi nitong sabi dahil tila natawa siya sa huli niyang binanggit.  "This is gonna be a secret right?" Tanong ko.  "Yes. Si Ezra lamang ang nakakaalam nito. Ang aking secretary."  "Akin naman ay si Molly. Kasamahan ko siya sa trabaho. Mapagkakatiwalaan siya. Malapit ko siyang kaibigan kaya wala kang dapat ipagalala." I assured him.  "I would like to remind you that I chose you because I know you don't fall inlove easily. Kaya sana ay ganun nga ang mangyari. This is just for a show always keep that in mind." paalala niya.  "Don't worry. Hindi ako madaling makadevelop ng feelings. Nga pala, no invading of privacy okay? And most importantly. No s*x!" paalala ko naman sakaniya.  Bumuga siya ng malakas na halakhak. Kinunutan ko lamang siya ng noo. Nagpunas pa ito ng luha sa gilid ng kaniyang mata bago nagsalita.  "You sure about that Eva? Okay okay. If that's what you want. No s*x, then." mapanuya nitong sabi.  "And what if you beg? Anong gagawin ko kung ganun? Hindi ko maipapangako na matatanggihan kita." ang kaniyang pag ngisi ay hindi niya napigilan.  "Hindi yun mangyayari Franco."  "We'll see." he smirked.  Matapos ang aming dinner ay hinatid niya ako sa aking apartment. Muli ay akala ko nauna na siya pero lumabas siya mula sakaniyang kotse at naramdaman ko ang pagsunod niya sa aking likuran.  "Papasok na ako." sabi ko sakaniya ng hinarap ko siya.  "Can I come in?" tanong niya.  Nagulat ako sakaniyang sinabi pero pumayag naman ako. Tulog na ang mga tao kaya dahan dahan kaming umakyat patungo sa aking kwarto.  Pagpasok ay agad lumangitngit ang sahig dahil sa kaniyang pag apak. Sa laking lalake niya ay halos magiba ito bawat hakbang niya. Palinga linga siya sa bawat sulok ng aking kwarto.  Umupo pa siya sa aking kama. Maliit lang ito kaya ang cute niyang tignan dahil pilit niyang pinagkakasiya ang kaniyang sarili.  "You sleep here? Nakakatulog ka ba ng maayos dito?" mapanuri niyang tanong. Tumango lamang ako.  "Oo naman!" irap ko. Umiling iling lamang ito na tila hindi naniniwala.  "Pack your things. You're living with me." baritono nitong utos. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD