Chapter 4

1304 Words
Accept Nabigla ako sakanyang tanong.  He is asking me to be his wife?  Baliw na nga talaga siya!  "Why me?" Tanong ko.  "Why not? This is just for a show Eva don't worry! Pag nagpakasal tayo at napasailalim na sakin itong buong kumpanya? Pwede na tayong magdivorce at sabihing nagkalabuan na lamang tayo." He shrugged as he answered back.  "Nabasa mo naman sa backround checks mo hindi ba? I am just a pole dancer! People call us words like pokpok or prostitute dahil sa gawain namin! Sa yaman mong iyan ay paniguradong madami kang kakilalang babae na pwedeng magpanggap na asawa para sayo!" Diretsa kong sabi.  "Excuse me Eva.." Sabat ni Ezra mula sa aming gilid.  "Hindi na nag-aalok si Mr. Franco sa ibang babae dahil knowing of his backround of being a playboy ay walang naniniwala sakaniya na gusto na nitong mag asawa. At isa pa." Tumingin muna ito kay Franco na tila nagpapaalam kung itutuloy ang sasabihin.  Tumango lamang si Franco bilang pag sang ayon.  "His last long term girlfriend left him, he wants revenge. Gusto niyang ipakita na ayos na siya ngayon. Sana ay matulungan mo siya. In exchange, hindi mo na kailangan pang sumayaw gabi gabi. Dahil babayaran ka namin." Nakangisi nitong sabi.  "See it's win win! You'll have your money? I'll have my company. Easy right? You have all the capacity to do those things Eva. By your looks and body ay kayang kaya mong paniwalain lahat na mag asawa nga tayong dalawa." Sabat ni Franco.  Parang ang hirap naman ata ng gusto niyang mangyari.  He wants me to pretend para lang mapasakaniya ang kumpanya at mapagselos ang ex niya?  Bigla akong nalito.  Akala ko pa naman at pag sumama ako sakaniya ng isang gabi ay bibigyan niya na ako ng ganung kalaking halaga.  Ano ka ba Eva? Tingin mo ba ay ganun ganun lamang iyon?  Paano na ang plano kong lumayo?  Tumayo na ako at hinarap siya.  Kailangan ko muna itong pagisipan muli. Ibang usapan na ang pag aasawa! At paano kung mahuli kami? Baka ipakulong pa ako!  "I'm sorry Mr. Montecillo, pero mukhang kailangan ko muna ulit itong pagisipang mabuti. Kasing bigat nang halagang inaalok mo ang kapalit nito kaya it's not easy for me to decide. Aalis na ako." paalam ko at agad naman akong naglakad ng mabilis palabas sa kanilang double doors.  Agad agad akong naglakad sa hallway. Ngumiti muli ang babae sakin,nagbalik muli ako ng ngiti. Marahas kong pinindot ang button ng elevator baka kasi sundan ako ni Ezra at kuliting muli. Pagkababa ay agad naman akong pumara ng taxi at nagpahatid sa Club.  -------  Pagkarating ko ay sinalubong ako ni Mamang Ruby na malawak ang ngiti.  "Eva!! Ano? Kamusta naman ang date niyo ni Mr. Montecillo?" nakangisi nitong tanong.  Nilagpasan ko na lamang siya pero nakasunod ito sa aking likuran.  "Hindi kami nag-date mang. Yung gabing tumabi ako sakaniya ay talagang tabi lang ang nangyari dun." sabi ko habang pinanood ang pag eensayo ng aking mga kasamahan.  "Betina! Hindi ganyan! Mababagok ka sa ginagawa mo! Tightened your legs!" kumento ko sa kasamahan kong nakasalang sa pole at ginagawa ang kaniyang act.  "Kung ako sayo Eva, pumayag ka na sa gusto niya! Buhay buhay ka dun! Baka nga magkaroon ka na ng sarili mong club pag nagkataon eh!" buyo nito bago ako iniwan.  Umiling na lamang ako. Wala siyang kaide-ideya sa inaalok ni Franco sa akin. Ang hirap na nga ng naging buhay ko eh. Gagawin ko pa bang mas komplikado?  Dumiretso na lamang ako sa back stage para ayusin ang susuotin mamaya sa show. Habang naghahanap ako ng aking gagamitin ay biglang tumunog ang aking telepono.  Hindi nakarehistro ang numero kaya nagdalawang isip akong sagutin. Ngunit naisip ko na baka ang landlady ko ito. Kaya mabilis ko naman itong sinagot.  "Hello?" bungad ko habang iniisa isa ang hanay ng mga damit sa aking harapan.  "Eva..." magaspang ang boses ng nasa kabilang linya agad akong kinabahan dahil parang pamilyar ang boses nito.  "Si..sino 'to?" nauutal kong tanong.  "Ako ito... Si Enteng.. Nakalimutan mo na? Tatlong taon na din kasi ano? Pero ako.. Hindi ko makalimutan kung paano ko nilasap ang iyong katawa-" pinutol ko agad ang tawag at nanginginig kong binato sa lapag ang aking telepono. Paano niya nalaman ang numero ko? Binigay ba ni Tiya Beth? Ano pa bang kailangan niya sakin?  Abot abot ang aking kaba. Nanginginig ang aking kalamnan. Hindi ko lubos maisip na maririnig kong muli ang kaniyang boses!  Nagulat ako at napasigaw nang may humawak sa aking balikat.  "Eva! Huy! Ako 'to! Ano bang nangyayare sayo?" nag alalang tanong ni Molly.  Niyakap ko siya ng mahigpit at humagulgol sakaniya.  "Molly! Si tiyo... Tumawag siya!! Molly!! Alam niya ang numero ko!! Molly!! Paano kung puntahan niya ako dito?!" natataranta kong sabi.  "Eva! Kumalma ka okay? Malaki ang Maynila at panigurado ay wala yun pera para lumuwas pa dito kaya wag kang mag alala! At isa pa, habang nandito ako hindi kita pababayaan!" tumango tango na lamang ako.  Pinakalma ko na ang aking sarili. Inisip ko na baka makaapekto ito sa performance ko mamaya kaya pinilit kong iwala ang alaala.  Nagsuot na ako ng aking costume. Silver stringed bikini naman ang sinuot ko na binagayan ko din ng silver stilettos.  Ibubuhos ko na lamang ang bumabagabag sakin sa pagsasayaw.  Sumilip ako sa crowd at nanlaki ang mata ng makita si Ezra at Franco na nakaupo at matamang nanonood sa kung sino na ang nagpeperform!  Anong ginagawa nila rito? Mukhang namihasa na sila at gabi gabi na silang nanonood dito!  "Eva! Your turn!" Tawag sakin ni Mamang Ruby sabay ngisi na may kahulugan.  Binaliwala ko lamang iyon at sumampa na sa stage. Nangatog ng bahagya ang aking tuhod ng magawi ang aking paningin sa pwesto nila Ezra.  Pumalakpak si Ezra samantalang si Franco ay titig na titig sakin at tila mabuti akong inoobserbahan.  Nagumpisa na ang musika at agad akong humawak sa aking pole. Nag angat baba muna ako dito habang inuusli ang aking puwitan. Nagingay nanaman ang mga manonood dahil sa aking ginawa.  Sumampa na ako dito. Nang makarating na ako sa tuktok at bumaliktad ako, ang aking legs na ang nakakakapit sa taas habang ang ang aking kamay ay nakalaylay sa ibaba.  Hinagod ko ang aking katawan.   I stopped at my boobs and I gently caressed them kaya halos lumuwa ang mga mata ng mga nanonood sakin.  Napatingin ako sa gilid sa bandang dulo at nanlaki ang aking mga mata ng makita ko si Tiyo Enteng!!!  Ang mala demonyo niyang ngiti ay nangingibabaw!!!  Nataranta ako at nawala na sa aking sarili!  Naramdaman ko nalang ang pagbulusok ko pababa at pagtama ko sa sahig. Napangiwi ako sa sakit ng aking pagbagsak.Tumama ang aking siko sa lapag dahil ginawa ko itong panangga upang hindi ako mabagok.  Napasinghap ang mga nanonood. Nadinig ko din ang sigaw ni Mamang Ruby mula sa crowd.  Nakaramdam ako ng mga bisig na bumalot sa aking katawan kaya nataranta ako!  "Huwag! Tama na! Layuan mo na ako!" sigaw ko.  "Eva! Ano bang sinasabi mo? It's me Franco!" napatingin ako kay Franco habang yakap ko ang aking katawan at pilit lumalayo sakaniya.  Hinubad niya ang kaniyang coat at binalot sa akin.  "Let's go. Kaya mo bang tumayo?" malumanay ang kaniyang boses kaya tumango tango na lamang ako.  Inalalayan niya ako sa aking pagtayo at agad akong binuhat palabas. Ramdam ko padin ang panginginig ng aking katawan. Naramdaman ko na lamang na ligtas ako ng makapasok na kami sa loob ng kaniyang kotse.  Ramdam ko ang paninitig nito sa akin. Nanganganib na ang buhay ko dito. Kailangan ko si Franco upang maprotektahan ako. Kayang kayang gawan ng paraan gamit ang pera para hindi ako kailanman malapitan ni Tiyo Enteng.  "Franco.." tinignan ko siya at nakita ko kung paano niya ako titigan pabalik.  "I accept the offer and be your wife." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD