"Is your decision final? Isipin mong mabuti yan, Eva." Franco's grip tightened as he held my hand. Matapos ng mga nangyari sa amin kagabi ay para kaming teenager na nangungumpisal sa aming magulang dahil sa ginawang kasalanan. Hindi ako tinigilan ni Franco hanggang hindi napapayag na kausapin si Mommy at sabihing nagkabalikan na kami. NIlingon ko muna siya sa aking tabi bago nagbalik ng tingin sa aking Ina. I sighed as I am now confused about what to decide. Pero matapos ng nangyari kagabi ay ngayon pa ako aatras? "Opo, Ma. Nag-usap na po kami ng maayos ni Franco. After all, he's the father of my child." I said almost a whisper. "And also...we love each other." Sabat ni Franco. He looked straight into my mother's eye giving his full sincerity. Nakakaguilty tuloy na parang

