Sa hapdi siguro ng mata at sama ng loob ay nakatulog naman ako agad. Nagising na lamang ako sa magkakasunod na katok sa aking pinto. "Mommy wake up!" sigaw ni Fabio sa labas. "I am baby!" sigaw ko. "Okay! We will wait for you downstairs okay?" "Okay!" Tumahimik na sa labas indikasyon na umalis na si Fabio. Tinatamad akong umalis kung hindi lang dahil gusto kong makita ang pamangkin ko. Magtatanong sa akin si Nicola at hindi ko alam kung anong ipapaliwanag ko sakaniya. Paano ko sasabihin na naloko na naman ako sa ikalawang pagkakataon? I sighed. There's a box on my side table. Ito siguro ang damit na tinutukoy ni Mommy. I opened the box and my eyes widened as I saw an elegant red maxi dress. Ganito talaga ang gustong ipasuot sakin ni Mommy? Mas tatalbugan ko pa ata s

