Juancho Severio Montecillo
Nagshower muna ako bago matulog.
Hindi ako makapaniwala na hinayaan ko si Franco na gawin sakin yun!
Why is he so competetive when it comes to his brother? Halos lahat naman ay nasa kaniya na pero bakit parang hindi pa rin siya makuntento? Siguro ay mas gwapo at mas matalino ang kaniyang kapatid kaya siya ganun!
Kinabukasan ay maaga akong nagising kaya napagisipan kong magprepare ng breakfast. Suot ang isang oversize shirt at boxer short ay lumabas na ako. Amoy na amoy ang bacon mula sa aking kwarto, nagulat ako nang maabutan si Franco na nakaboxer short at nakatopless habang nagtotoast ng tinapay. Bakas ang pagwowork out sakaniyang katawan. Katamtaman ang laki pero fit talaga siya. Napalunok ako sa aking iniisip. Ito na ba ang almusal mo ha Eva?
Umubo ako nang bahagya kaya naman humarap siya agad sa aking gawi. Patay malisya lamang akong lumapit sa hapag kainan.
"Good morning." his husky and sleepy voice is very evident.
"Ang aga mo ata? It's just 7:00 am." sabi ko habang naglalagay ng bacon sa pinggan.
"I have an important meeting at 9:00 am. Susunduin kita dito around lunch so better be prepared. Ipapadala ko nalang kay Ezra ang mga susuotin mo. Sa isang hotel restaurant tayo maglulunch." seryoso niyang sabi habang umupo na din sa tabi ko.
"Hanggang anong oras ba yun? I still need to perform sa club. Hindi naman siguro aabutin nang gabi yun?" tanong ko. Humarap lamang siya sakin at kinunutan ako ng noo.
"Do you still need to go there? Babayaran naman kita Eva. Hindi na siguro kailangan pa yun." bakas ang iritasyon sakaniyang boses. Ibinaba ko ang aking tinidor at humarap sakaniya.
"Wala yan sa napagusapan Franco. Ang usapan lang natin ay magpapanggap akong asawa mo. Hindi ako pwedeng basta nalang umalis dun dahil may kontrata din ako sa club. At isa pa, pole dancing is not just my job. It's my passion." mataray kong sabi.
Hindi na siya umimik matapos kong sabihin yun. Tingin ko ay wala namang masama sa sinabi ko. Ayaw ko namang talikuran na lang sina Mamang Ruby at Molly dahil lang may mas malaking offer sakin si Franco. Kailangan kong alalahanin na sila ang tumanggap saking nung panahon na walang wala ako.
Matapos kumain ay ako na ang nagligpit at naghugas. Pumasok na siya sakaniyang kwarto. Tingin ko ay mag aayos na siya. Nang wala na akong magawa ay lumabas muna ako sa veranda para magpahingin.
Maaga pa naman kaya hindi pa mainit. Kinuha ko ang isang stick ng sigarilyo mula sa aking bulsa at sinindihan ito. I don't usually smoke, pag stress lamang or bored. Minsan din pag umiinom kami nila Molly at ng mga kasamahan ko sa club. Hindi naman ito maiiwasan sa aming trabaho.
Saktong pagkabuga ko ng usok ay ang pagsulpot ni Franco sa aking harapan.
"Ano ba! Nakakagulat ka naman!" gulat kong sabi habang hawak ang aking dibdib.
"You smoke?" taas kilay nitong sabi.
"Obviously? Don't tell me pati ito ay bawal din?" irap ko sakaniya. Umiling lamang ito at bumuntong hininga.
Ano Franco? Do you still want me to be your wife huh?
"Aalis na ako. Ezra should be here in a minute. Hindi na pala kita masusundo. Siya na ang maghahatid sayo." tumango lamang ako at saka siya tumalikod para umalis.
Naligo na ako para makapag ayos. Hindi naman na mahirap para sakin ang gawin ito dahil sa club ay sanay ako na kami lang ang nag aayos sa aming mga sarili. Nadinig ko na ang doorbell kaya naman dali dali akong lumabas para buksan ito at niluwa nito si Ezra na nakasuit and tie, his usual look and all smiles.
"Hi Eva! Here's your dress and shoes." abot niya sakin.
"Salamat. Pasok ka. Matagal pa kong mag aayos. Okay lang ba sayong mag antay?" I asked as he sitted on the sofa and opened the TV.
"Yup, I'm totally fine. I am paid today just to wait for you." he smiled.
Nagkibit balikat na lamang ako. Mabuti pa at magbihis na nga. Binuksan ko ang box na dala ni Ezra. Nakita ko ang isang wine lace long formal dress.
May kasama din itong accessories at silver stilettos. Sinuot ko na ito at lumabas dala ang aking make ups. Naisip ko na sa labas nalang mag ayos dahil naiilang ako akong isipin na may nag aantay sakin.
Atleast entertain him right?
Lumabas ako ng sala at naabutan si Ezra na nakatutok sa TV habang sumisimsim na ng juice.
Siguro ay madalas na siya dito kaya feel at home na siya. Napatingin siya sa akin at halatang taka taka kung bakit nilabas ko lahat ng gamit ko para sa pag aayos. Nakabihis naman na ako make up at buhok nalang ang aayusin. Umupo na ako sa isang bangko na malapit sakaniya at hinila ang isang walk in mirror.
"Anong klase ba ang pamilya ni Franco? What should I expect from them?" I said as I broke the silence between us.
"Hmm.. Montecillo family is very hospitable and welcoming. Wala akong masabi sa bait nila. Franco and his brother Juancho is not in good terms ever since kaya mas lalong tumindi ang kompetisyon sa pagitan ng dalawa nang lumaki na sila dahil sa kumpaniya. Magugulat ang mga yun kapag nalaman nilang ang anak nila ay mag aasawa na." he chuckled.
Nagapply na ako ng foundation, light makeup lang ang gagawin ko dahil lunch lang naman ito. Nag lagay din ako ng bronze contour at blush para magkakulay naman ang aking mukha. Pansin ko kasing pumuputla na ako.
"How about Franco's ex? Can you tell me more about that girl." I asked as I apply my lipstick. Tinignan ko siya at kita ko ang kaniyang pag ngisi. Wala naman akong ibig sabihin dun. I just want to know more about Franco.
"His ex girlfriend's name is Nicola Levina Zaragoza. They have been together for 5 years but when Franco finally want to propose,ay nahuli niya ito sa condo ni Nicola na may katabing ibang lalake sa kama. You know." he winked at me.
Nabigla ako sa aking nalaman. Kaya pala ganun niya na lamang gustong gantihan ang ex niya or should I say gusto niyang malaman nito na okay na siya. Mabigat din pala ang ginawa sakaniya nito, at isa pa hindi biro ang limang taon!
Tumango tango lamang ako. Ang ngisi nito ay hindi nawawala.
"Pero wag kang mag alala, wala na talaga sila. I don't know if Franco still has feelings for Nicola basta ang gusto lamang nito ay ipamukha na okay na siya." paliwanag nito.
"Hindi naman ako nag aalala Ezra." depensa ko. Pinusod ko lamang ang aking buhok para madepina ang suot kong earrings at necklace.
Nang matapos ako ay dumiretso na kami sa basement para sumakay sa kaniyang dalang kotse. Ngayon ay ramdam ko na ang kaba. Sana ay hindi ako pumalpak!
Nagvibrate ang aking cellphone. Nakita ko ang pangalan ni Franco kaya binuksan ko ito agad.
Franco:
Nasaan ka na?
Ako:
Otw.
Kaya mo yan Eva!
Magpapanggap ka lang naman!
Isang taon lang ito at pag naipon ko ang pera na ibibigay ni Franco ay magpapakalayo layo na ako!
Nakarating kami sa hotel at abot abot na ang kaba ng aking dibdib.
"Goodluck!" mapanloko ang ngiti ni Ezra.
"Hindi ka sasama?" nag aalala kong tanong.
"Nope. I have other appointments, kaya mo yan!" he chuckled as I exit from his car.
Bumuntong hinga akong muli at naglakad na papasok sa entrance ng hotel.
Sakto lang pala ang suot ko dahil masyadong sosyal ang lugar na ito.
Habang naglalakad ay kinuha ko ang aking cellphone dahil naalala kong itext si Molly para sabihan siya na papasok na ako sa club mamaya.
Nagulat ako nang mabunggo ako kaya nahulog ang aking purse kasabay nang pagkahulog ng kaniyang cellphone. Tumalsik ito at naglikha nang ingay ang pagkabagsak nito.
"Ano ba! Mag ingat ka nga!" singhal ng isang lalake.
Dinampot ko ang aking purse saka ako tumayo at hinarap siya.
"I'm sorry." malumanay kong sabi.
"Tsk! Tatanga tanga kasi eh! Alam mo ba kung magkano to ha? Mababayaran mo ba?" matandang lalake na ito kaya siguro mainitin na ang ulo.
"I'm really sorry I didn't mean to-"
"She said sorry already ano pa bang gusto mo, Mr. Soriano?" parehas kaming napalingon sa lalakeng nagsalita.
Baritono ang boses nito at may malaking pangangatawan. He has a long hair at nakapony ito. He's also wearing suit and tie.
Halos nataranta na ang matandang lalake ng makita ito. Hindi niya na malaman ang kaniyang gagawin.
"Sir Juancho.. Ah eh kasi.. Kakabayad ko lang kasi nito.. Ano.." nauutal nitong sabi.
"I'll send the money to your account. Apologize to her." matigas nitong utos.
Agad namang yumuko ito at pinagsalop ang dalawang kamay.
"So..sorry miss! Hindi ko sinasadya ang mga nasabi ko!" mangiyak ngiyak pa ito.
Umiling lamang ako dahil naawa na din sa kanyang ginagawa.
"Okay na yun." mahinahon kong sabi.
"Sige na umalis ka na." utos ng lalake sa aking likuran.
"I'm so sorry for that... Miss?" napaharap ako sakaniya dahil sakaniyang pagsasalita at tinignan ko ang paglahad niya ng kamay sa akin.
"Genieva. Genieva Alyona." sabay tanggap ko sa kamay nito.
"Juancho Severio." pagpapakilala nito.
"Salamat sa pagtatanggol sakin kanina." sabi ko bago humiwalay sa kamay niya.
"Wala yun. He's working for my family kaya ganun ang reaksyon niya ng makita ako. Sorry again for that." paliwanag niya.
Bago pa ako makapagsalita ay may mainit na kamay na ang humawak ng mahigpit sa aking baywang.
"Can't you just wait for me to introduce her to you huh, brother?" matigas ang ingles at halatang may inis sa pagsasalita ni Franco ng hawakan ako nito at tumabi sakin.