Chapter 8

1368 Words
Salamat Brother? So ito ang kapatid na kinaiinisan at kakumpetensiya niya? Tinitigan kong mabuti ang lalake sa harap namin at may hawig nga sila. Parehong matigas ang features ng kanilang mga mukha. Depina din ang panga at adams apple nito sa bawat pagsasalita. Matangos ang ilong at pantay ang mapupiting ngipin. Parang may halo silang foreign blood. Si Franco nga lang ay clean cut ang buhok samantalang ang kapatid niya ay mahaba at nakapusod.   Bahagyang natawa lamang ang kapatid niya dahil sa sinabi ni Franco.   "Easy brother! I didn't know okay? Tinulungan ko lang siya." umiiling iling pa ito habang nakangiti.   "Shut up. Akala ko ba ay may kukunin ka sa kotse?" iritang sabi ni Franco.   "Meron nga.. See you later... Eva..." nakangisi nitong sabi bago umalis at lumabas.   Nanatili akong nakatitig sa likuran ni Juancho hanggang makalabas ito nang maramdaman ko ang mahigpit na paghawak ni Franco sa aking siko, napangiwi ako sa sakit.   "What did I tell you huh? Ang tigas talaga ng ulo mo!" galit nitong sabi.   "Ano ba Franco! Bitiwan mo nga ako! Masakit! Hindi ko naman alam na kapatid mo yun ah!" nagulat ito sa aking reaksyon kaya agad naman ako nitong binitawan.   Hinimas ko ang aking siko at tinaliman ko lamang siya ng tingin dahil batid ko ang pamumula nito. Sumeryoso lamang ang mukha niya nang irapan ko siya.   "I'm.. I'm sorry.. nasa loob na sila mommy at daddy inaantay na tayo.. please wear this.." sabay abot sakin ng isang singsing. Simple lamang ito na may diamond sa gitna. Sinuot ko naman ito sa aking daliri.   "That'll serve as our engagement ring. Let's be intimate as much as possible. Tara na sa loob." seryoso nitong sabi at nilagay ang aking kamay sakaniyang braso.   Kabado padin ako lalo nang matanaw ko na ang kaniyang magulang na masayang naguusap. Sumisimsim sila sakanilang wine glass at nang mahagip nila kami ay malugod nila kaming sinalubong.   "Franco!" sambit ng kaniyang Ina na sinalubong siya ng yakap. Nasa likod nito ang Ama naman ni Franco.   "Mom.." tanggap niya sa yakap ng kaniyang Ina.   Lahat sila ay tumingin na sakin. Nakangiti naman ako habang nananatili ang kamay ko sa braso ni Franco.   "Mom.. Dad... This is Genieva Alyona Soraya... My Fiance.." nakangiting pakilala ni Franco.   "Good afternoon Mr. and Mrs. Montecillo. Jut call me Eva po." I hugged and kissed them on their cheeks.   "Iha! Hi! Call us Mom or Dad nalang ano ka ba! You are so indeniably gorgeous!" papuri ni Mrs. Montecillo.   "Welcome to the family. I'm Ricardo Montecillo and this is my wife Ina Montecillo." pakilala nito sakaniyang sarili at sa asawa.   I just smiled at them. Nag aya na sila sa aming mga table para daw makakain.   "Where's your brother by the way? Nandito na yun kanina hindi ba?" tanong ni Mr. Ricardo.   "May kinuha daw sa kotse, pabalik na siguro yun." walang ganang sabi ni Franco.   Umorder na sila ng aming kakainin, all in all ay mabait naman ang kaniyang magulang. Wala akong masabi. Sinakyan ko lang din ang kanilang mga kwento. Hindi sila mahirap pakisamahan kagaya ng iniisip ko. I can't feel our gap at all kaya hindi ako nahirapan.   "Oh. Nandiyan na pala ang kuya mo." sambit ni Mr. Ricardo. Napalingon naman kaming lahat sa kadarating lang na si Juancho. Patay malisya lamang ako sakaniyang pag-upo at dirediretso na lamang kumain.   "Juancho anak, Meet Eva. Your brother's girlfriend." ngiti ni Mrs. Ina.   Ngumiti lamang ako.   "Yup, we've met earlier mom. Nung lumabas ako. Eva right?" he smile and winked at me as he eat his pasta.   "Franco anak.. Eh kelan mo ba balak pakasalan itong si Eva? She's a good catch.. Napakaganda." puri ng kanilang Ina.   "Yes she is Mom.. That's why I want it as soon as possible.." nakangiting hinawakan ni Franco ang aking kamay.   "Hindi ba masiyadong mabilis? Gaano na ba kayo katagal? Are you guys... in a hurry?" nakangising tanong ni Juancho.   Nagkatingininan na lamang kami ni Franco dahil nabigla ako sa tanong ng kaniyang kapatid.   "Juancho." may banta sa boses ng kanilang ama. Nagkibit balikat na lamang si Juancho at nagpatuloy sa pagkain.   Natapos ang aming lunch ng matiwasay. I can say that Franco and I has been a good actor and actress dahil sa ginawa namin kanina.   "So I'll be expecting you sa aking birthday this coming weekend Eva?" paganyaya ni Mrs. Ina.   "Sure Tita. I'll clear my schedule for that." nakangiti kong sabi.   "Franco, make sure that Eva will be there okay? Pagbutihin nyo ng kuya mo sa kumpanya, please wag na kayong magaaway sa board meeting nakakahiya!" bilin naman ng kaniyang Ina.   "Yes Mom. Don't worry." mababang boses ni Franco.   Sumakay na sila sakanilang kotse at umalis. Si Juancho naman ay lumapit sakin. Hinawakan ang aking kamay at hinalikan. Nanlaki ang aking mata sakaniyang ginawa.   "I'm going now.. See you soon Eva.. Bye brother!" nakangisi padin ito bago sumakay sakaniyang kotse.   Hinarap ko si Franco at nakasimangot naman ito.   "Oh? Bakit ganiyan ang mukha mo? Hindi ka ba masaya dahil maayos ang mga nangyari?" tanong ko sakaniya.   "Okay na sana kung sinusunod mo lang ang sinasabi ko na wag kang nakikipagusap kay kuya!" inis nitong sabi bago sumakay sa kotse. Sumakay na dib ako dahil baka iwan ako nito.   "Huwag ka ngang parang bata! I don't want to be rude, tinulungan na nga ako nung tao di ko pa papansinin? Saka hindi ba parang halata naman masiyado na may tinatago tayo kung iiwas ako?" tanong ko habang sinusuot ang aking seatbelt.   "Whatever Eva. San ba kita ihahatid?" pagiiba nito.   "Sa bar na. Mag eensayo pa ako." sabi ko at agad naman niyang pinaharurot ang kaniyang sasakyan.   Nang makarating ako sa club ay agad naman akong sinalubong ni Molly.   "Eva! Akala ko ay hindi ka na babalik! Nag alala ako sayo!" yakap nito sakin.   "Sorry Molly, nag iwan naman ako ng note sayo sa may lamesa bago ako umalis." paliwanag ko sakaniya habang papunta kami sa aming dressing room.   Kaming dalawa lamang ang tao dahil masyado pang maaga. Nagkakalaman lamang ito pag mga 10pm na. Pero dahil 8pm pa lamang ay bakante pa ito.   "So ano na ngang nangyari? Nagsasama na kayo?" usisa niya.   "Oo, pero magkahiwalay naman kami ng kwarto!" dipensa ko.   "Naku Eva! Mag iingat ka ha! Ang mga lalakeng ganiyan kayaman ay hindi dapat nakikitaan ng kahit anong butas o dumi! Bakit ka pa kasi pumapasok dito? Malaki naman ang binibigay sayo diba?" tanong nito.   "Hindi yun sapat Molly. Saka mahal ko ang pole dancing kaya hindi ko magawang iwan. Pero wag kang mag alala isasaisip ko yang mga sinabi mo." ngitian ko lamang siya.   Natapos ang gabing iyon at nakapagperform ako ulit. Nakalikom akong muli ng sapat na pera, balak ko kasing magbukas ng savings account ko para dun ipasok ang mga nakukuha ko. Chineck ko ang aking cellphone at wala namang text si Franco.   Yes Eva? Kailan ka pa naging clingy? Bakit ka itetext ni Franco para hanapin eh nagpapanggap lang naman kayo!? Umiling iling na lamang ako saka pumara ng taxi para umuwi.   Pagkarating ko sa condo ni Franco ay patay na ang ilaw sa sala. Sa kusina na lamang ang liwanag. Lumapit ako sa pintuan ng kaniyang kwarto pero tahimik na ito at ang aircon nalang ang aking naririnig. Mukhang nakatulog na siya. Alas dos na din naman kasi ng madaling araw.   Pumasok na ako sa aking kwarto at nagbihis. Naghilamos ako ng aking katawan at sumalampak na sa kama.   ------  "Akala mo ba ay makakatakas ka? Hangal!" hinatak ako pababa ni Tiyo Enteng kaya napasalampak ako sa sahig.   "Tama na! Tama na! Ayoko! Maawa ka!" patuloy kong humiyaw habang panay ang buhos ng aking luha. ------   "Eva!! Wake up!!" napabalikwas ako at nagsisigaw.   "Aah! Layuan mo ako!" sigaw ko habang nilalagay ang kamay sa magkabila kong tenga at pumunta sa dulo ng kama.   "Ako to! Si Franco!" umiyak lamang ako ng umiyak habang binabalot ako ni Franco ng kaniyang mga bisig at maiinit na yakap. Mahigpit ang kaniyang yakap at hinimas ang aking ulo para mapakalma ako.   Sa loob ng tatlong taon kong pananaginip ng masama ay ngayon pa lang ako nagising na may umalo sakin. Dahil dun, nakabalik muli ako sa aking pagtulog.   Salamat kay Franco.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD