Chapter 9

1528 Words
Still   Kinabukasan ay nagising ako na wala si Franco sa tabi.   Nanaginip na naman ako ng masama.   Naalala ko kung paano niya ako binalot ng yakap kagabi. Buong buhay ko na ako lang mag isa. Walang   katuwang sa pinagdadaanan kong problema. Kaya iba sa pakiramdamam yung may kasalo ka.   Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Franco, I can't tell him anything about my past. Ayoko.   Maghihiwalay din naman kami soon at tingin ko ay wala ng halaga pa kahit malaman niya pa yun. Were just pretending here.   Paglabas ko ng kwarto ay naghahain na si Franco, lagi ba siyang maagang nagigising? Nagpatay malisya na lamang ako at umupo na at kumuha ng toast at naglagay ng peanut butter spread. Sa aking peripheral vision ay umupo nadin ito sa aking tabi. Akma kong isusubo ang tinapay ng makita ko ang titig nito sakin.   "Why?" tanong ko habang nakataas ang isang kilay at ngumunguya na. Umiling lamang ito.   "Okay ka na ba?" tanong nito habang kumakain na din.   "I'm fine. Just an ordinary nightmare, ganun lang talaga ako." tipid kong sagot.   "Anong plano mo ngayong araw? Mamaya ay may meeting ako with Nicola's team. If Ezra hasn't mentioned her to you, she's my ex girlfriend. Bago kami mag break ay may unfinished negotiation pa kami with their Family kaya ganun.. At mas mabuti na din yun. Now that you are there.. mas magiging effective ang lahat dahil magkukrus pa ang landas namin, makikita niya na may fiance na ako.." nakangisi nitong sabi.   Gusto ko siyang tanungin kung bakit niya pa yun ginagawa pero naisip ko na baka masiyado ko ng pinanghihimasukan ang kaniyang buhay kaya nanahimik na lamang ako.   "Wala bang gym dito sa condo mo? Or recreational area where I can practice my pole dancing? Yun lang kasi ang pampawala ng boredom ko." tanong ko.   "May gym dito, sa baba 6th floor. Di ko lang alam kung pwede ka pang magsayaw dun..." tumango lamang ako.   Ganun nalang siguro ang gagawin ko para mawala wala naman ang pagiging bored ko. Mamayang gabi pa ako makakalabas dahil sasayaw ako sa bar.   Kumuha ako ng popcorn sa ref at pumunta ako sa living room para manood ng TV. Tawa ako ng tawa sa movie na pinanonood ko. Napapahampas pa ako sa aking hita kakatawa.   Lumabas si Franco sa kaniyang kwarto at umiiling habang nakangising nakatingin sakin.   Napahinto naman ako sa pagtawa at umayos ng upo. Tumikhim ako at hinarap siya.   "Aalis ka na?" tumango lamang siya.   "Mag isip ka na ng petsa ng kasal natin. Mas maaga mas maganda. Kung san mo gustong simbahan etc. Kahit na nagpapanggap tayo, mas magandang hands on padin tayo kahit papano para mas maniwala sila. Mas may oras ka nga lang kaya ganun na lang ang gawin mo para hindi ka nababagot. Here's Ezra's number. You can call him for help." bilin pa niya.   "Okay.. Ingat.." halos pabulong kong sabi.   Napanguso ako ng lumabas na siya sa pinto. Naisip ko na mag gym na muna dahil sa wala akong magawa. Pumasok ako sa kwarto at naghalughog ng gamit sa aking cabinet. Hindi pa kami namimili ni Franco gaya ng pinangako niya kaya kumuha na lamang ako ng legging at isang vneck tshirt. Buti na lang ay nadala ko ang isang rubber shoes ko kaya pwede na ito.   Bumaba ako sa 6th floor at pumasok na sa gym. Nagdala lang ako ng isang bottled water. Pagsilip ko ay walang tao. Masaya akong pumasok sa loob dahil malaya akong makakapagsayaw. Nilapag ko ang aking tubig at bag. I scan my playlist and picked a sexy song for me to dance.   Nagstretch muna ako bago sinimulan ang aking routine. I swayed my hips back and fourth slowly as I jived with the music. The sweat keeps on dripping from my head up to my neck but the hell I care. This is what I love about pole dancing, I can express myself freely.   Dahil walang pole ay nag imagine nalang ako. Nakapikit ako habang nagsasayaw. Ang aking kamay ay lumilipad sa ere pababa sa aking katawan na dahan dahan kong hinuhulma ang mga kurba nito.   Pagtapos ng aking sayaw ay nakarinig ako ng palakpak kaya napadilat ako. Isang lalake ang papalapit sakin habang pumapalakpak. Nakaputing dri fit sando ito at gym shorts. May bimpong nakasabit sa balikat nito.   "That was god damn sexy!" patuloy niya puri habang pumapalakpak.   "Salamat." I akwardly smiled dahil hindi ko naman siya kilala.   "Sorry for barging in. I was about to do my usual excercise routine when I saw you dancing. By the way I'm Tristan Evan De Lavega." sabay lahad nito ng kamay.   Nagpunas muna ako ng pawis bago ko ito tanggapin. Napansin ko agad ang piercing nito sa labi sa bawat ngiti niya.   "Eva.." tanggap ko sakaniyang kamay.   "Bago ka dito noh? This is the first time I saw you ever." sambit nito.   Lumapit ako sa aking mineral water at dinampot ito. Anong sasabihin ko? I have to act as if me and Franco are for real right? At saka paano pag spy lang pala ito na balak siraan si Franco?   "Ah.. Oo.. Kakalipat ko lang.. Me and my partner decided that.. We have to live together.." ilang kong sabi.   Halata ang gulat sa mukha nito habang tumatango.   "Oh, partner as in.. Boyfriend? Husband?" usisa nito.   "Yes. Ah sige mauna na ako. Nice meeting you Tristan. Bye." Sambit ko.   "No Eva.. See you soon.." He winked at me.   Naghilamos na muna ako ng katawan masyado akong nalibang sa gym at dina napansin ang oras kaya dinalian ko na sa pagligo. Bumaba na ako at sumakay ng taxi papunta sa bar.   "Eva!!! I missed you my super star!!!" Sigaw ni mamang Ruby ang nagingibabaw sa crowd. Niyapos ako nito at hinimas pa ang aking buhok.   "I missed you too Mang." I smiled at her.   "Kamusta ka with Franco? Maayos ka ba niyang pinakikisamahan?" tanong nito. Sabi ko kay Molly ay pag magtanong sina Mamang dito sa bar ay sabihin na magpapakasal na kami. Dahil baka may magtanong tanong ay mabuking pa kami.   "Mabait po sila sakin. Wag kayo mag alala." nakangiti kong sabi.   Nagbihis na ako at naghanda sa aking pole dancing performance. Suot ang isang victoria secret model costume na may puting pakpak ay lumabas na ako sa stage.   Nagpalakpakan na ang mga tao pagtungtong ko. I swayed my hips to the rythm of the song. I climb up to my pole and go around it and split right after I reached the ground.   Habang nag sasayaw ay nanlaki ang mga mata ko ng makita si Franco at Ezra sa isnag couch! They're here!   Matapos ng aking performance ay sinuot ko agad ang aking roba at lumapit sakanila. Halatang lasing na si Franco dahil nakapikit na ito habang nakasandal ang ulo sa couch.   "Ezra! Anong nangyari?" alala kong tanong dahil ang gulo na ng damit ni Franco pati na ang buhok nito.   "After his meeting with Nicola's team ay ganyan na siya.." seryosong sambit ni Ezra. Umiling lamang ako dahil Franco really looks ridiculous! Dali dali kong kinuha ang aking gamit at nagbihis ng jacket at short. Nagpaalam ako kina Molly na uuwi na agad dahil iuuwi ko na si Franco.   Lumapit ako sa couch nila at naabutan namang nakayuko na si Franco at halos wala ng malay. My god! Ilang alak ba ang ininom niya at ganito siya kalasing!   Yumuko ako para silipin ang kaniyang mukha.   "Franco.." tawag ko.   "Hmm..." sagot nito.   Kahit yugyugin ko ito at wala talaga siyang malay. Tumayo na ako at hinila inalalayan din siya patayo. Nilagay ko ang kaniyang braso sa aking balikat para maalalayan siya. Sa likuran ko naman ay si Ezra na inalalayan din kami pasakay sa kotse.   Napakabigat ni Franco! My god!   "Umuwi na tayo Ezra. Bakit mo ba kasi siya pinainom?" inis kong tanog habang pinahaharurot na nito ang sasakyan.   "Ayaw nyang magpapigil Eva. Pagtapos ng meeting nila ni Nicola ay ganyan na siya. Baka naisip niya na hindi pa pala siya okay na makaharap ulit ito. Kaya siya naglasing." seryosong sabi ni Ezra.   Nagpasalamat ako kay Ezra sa paghatid samin. Diniretso ko si Franco sa kaniyang kwarto at nilapag sa kama. Hinubad ko ang kaniyang sapatos at medyas. Iiwan ko na sana siya ngunit nagulat ako dahil sa biglang paghila nito sakin kaya nalaglag ako sakaniyang katawan at pumaibabaw dito!   "F-franco.." nauutal kong sabi.   Hindi na siya nagsalita at siniil na lamang ako ng halik. Hindi ko na napigilan ang aking sarili at sumabay sa indayog ng kaniyang bibig. Bawat ikot ng kaniyang dila na lumalapat sakin ay sinasabayan ko din.   I felt his hands slowly touching my breast and playing with it's peak. I let out a soft moan because of what he's doing.   His hand went down to my waist and I felt his warm palm molding my curves.   "Ni.." bulong niya. Hindi ko naintindihan ang bulong nito kaya lumayo ako ng bahagya sakaniya.   "Nicola.. I still love you..." napablikwas ako sakaniyang ibabaw. Dumapa na ito at natulog. Hindi ko alam bakit nakaramdam ako ng kirot sa dibdib. Sa pagkakapahiya ba ito?   Dahil sa iba ang binanggit niyang pangalan habang kahalikan ako?   God Eva! Nadadala ka ata!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD