Chapter 10

1774 Words
Bitch Agad akong pumasok sa aking kwarto at sirado ang pinto. Huminga ako ng malalim. Ano bang ginagawa mo Eva? Stupida! Dapat ay hindi mo ginantihan ang mga halik niya! Hindi naman yun kasama sa kontrata diba? Ang usapan ay pag may mga tao lang kayo kailangan maging showy! Boba!   Dumiretso ako sa banyo at nagshower. Dinamdam ko ang pagbuhos ng malamig na tubig sa aking katawan. Hindi maiwasan ang pagbalik muli ng nangyari kanina sa aking isipan. Umiling ako. Mali! Hindi ko dapat ito damdamin. Alam ko naman na may nararamdaman pa siya sa ex niya. Kaya nga ako nandito hindi ba? Para ipakita niya rito na ayos na siya!   Itinulog ko nalang ang nangyaring iyon. Kinaumagahan ay halos hindi ako bumangon dahil naiilang akong harapin si Franco. Pero naisip ko na hindi dapat ako mailang dahil wala naman akong ginawang masama!   Suot ang aking oversized shirt at cycling na hindi kita ay lumabas na ako.   Nanlaki ang aking mata at kumabog ang dibdib na nagaasikaso na agad si Franco ng almusal! Kahit lasing siya ay nakapaghanda pa din siya?   Lumapit ako agad at umupo. I have to act cool as much as possible. Hindi dapat halatang affected ako sa mga nangyayari!   "Good morning.." ang magaspang nitong boses ay nagpapahiwatig ng hang over.   "Good morning din.." kinuha ko ang tasa sa kaniyang harapan. Nilagyan ko ito ng mainit na tubig at tinimplahan ng kape. Nilapag ko ito sa harapan niya at napatingin lamang ito sakin.   "Inumin mo yan. Baka sakaling mawala sakit ng ulo mo." sabi ko habang nagkukunwaring abala sa aking pagkain ng toast at peanut butter.   Tumango lamang ito at kita ko sa aking peripheral ang pagtitig niya sakin bago siya uminom.   "Uh..Eva.. Did I do something or said something weird last night? Cause honestly wala akong maalala." sambit nito.   Halos mabuga ko ang kapeng iniinom ko sa kaniyang tanong.   "Uh ano? Wa-wala! A-ano naman sa-sabihin mo? Wala wala! Si ano.. Si Ezra ang nag asikaso sayo!" dipensa ko.   Tumango lamang ito. Hindi ba masiyado akong obvious? Hindi naman siguro! Naku!   "Today is my mom's birthday. Pupunta tayo mamaya dun okay? Baka pwedeng magpaalam ka muna sa bar." seryoso niyang sabi.   "Ngayon na pala yun?" gulat kong atas.   Nagtext agad ako kay Molly na hindi ako makakapasok dahil may pupuntahan pa kami ni Franco. Pumayag naman ito at siya na daw bahala magsabi kay Mamang Ruby.   "Dadalhin nalang ni Ezra ang susuotin mo. Semi formal lang naman ito pero baka may dumating na mga current and previous clients ng aming pamilya. Even Nicola. So you have to look extravagant." paliwanag nito.   Hindi magawang kalimutan ni Franco si Nicola. Now I am very curious.   She must be that beautiful huh? Or Is she that good in bed that's why? I want to know. I am so eager.   "Sige antayin ko nalang si Ezra. Ihahatid mo ba ako o si Ezra na lang ulit?" tanong ko.   "Si Ezra na. Magkita nalang tayo sa bahay." tumango na lamang ako.   Pagkaalis niya ay dumating din naman agad makalipas lang ng isang oras.   Hawak ko na ang isang sky blue empire knee length dress at isang silver stilettos. Nakaupo lamang ako sa sofa at tinititigan ito. Si Ezra naman ay nakapalumbaba na nakaharap sa akin.   "Anong problema? Haha parang ayaw mo niyan ah? Pwede naman natin papalitan." natatawang sabi ni Ezra.   "Napepressure ako Ezra." sambit ko.   "Bakit naman?" kunot noo nitong tanong.   Naisip ko na mula nung nakilala ko si Ezra ay pakiramdam ko naman na mapagkakatiwalaan ito. He's working for Franco for several years na daw so for sure proven and tested na din siya nito.   Wala akong makausap or mapagsabihan ng sama ng loob ko kaya pakiramdam ko wala naman masamang magsabi kay Ezra kahit papano.   "Kagabi.. When I'm about to put Franco in his bed.. I heard him mouthed Nicola's name. His ex girlfriend.." sabi ko habang diretso ang tingin sakaniya pero siya naman ang nagiwas.   "I'm sorry Eva.. Yes.. Hindi pa siya nakakamove on kay Nicola. Kaya siya naglasing dahil sakaniya.. Dahil nagkita na naman sila." sambit nito.   "Don't get me wrong, Ezra. Wala akong feelings sakaniya. I am just pressured dahil baka hindi ko man lang magampanan ang gusto ni Franco." seryoso kong sabi.   "Kaya moyan! Hindi ka namin pipiliin kung hindi mo kaya!" Napangiti nalang ako sakanyang sinabi.   Tama siya. I have to pull this off. Kailangan ipamukha ko sa Ex niya na mali siyang iniwan niya si Franco.   Sinuot kona ang damit at ang sapatos na dala ni Ezra at bumagay naman ito sa akin. Nagmukha akong maamo dahil sa kulay nito.   I curled my hair at pinalaylay lamang ito. Naglagay ako ng necklace at earrings. Nag apply na ako ng make up. I want to maintain my innocent aura so light make up will do.   Paglabas ko ay nakangisi si Ezra sa akin.   "See? Sinong magsasabi na napepressure kapa ng lagay na yan? You are so gorgeous, Eva!" puri nito.   Ngumiti lamang ako sakaniyang sinabi.   Siguro nga ay hindi dapat ako mabagabag. Hindi ako tinawag na Queen of Poles if I can't slay anything.   Hinatid na ako ni Ezra sa bahay nila Franco. Hindi siya muli pumasok sa loob. Pagkalabas ko ng kotse ay gaya ng inaasahan. Malaki at magarbong bahay ang tumambad sakin.   Niluwa agad ng pinto si Franco na naka long sleeves na itim at nakatupi ang sleeves nito hanggang siko. Nakaleather shoes din ito.  Sinalubong ako nito at hinalikan sa pisngi sabay bumulong.   "They're here. All of them. Let's be intimate. Okay?" he whisper.   Tumango lamang ako at humawak sa kaniyang braso bilang pag alalay.   Pagpasok namin ay madami nang tao. Halatang mayayaman ang mga ito dahil sa magagarbong damit at alahas na kanilang suot. Abala din sila sa pakikipagusap habang hawak ang kanikanilang wine glass.   "There's mom and dad. Greet them okay?" malumanay nitong sabi.   Tumango lamang ako as we approach his parents table. Nang namataan kami ng mga ito ay agad silang tumayo at sinalubong kami.   "Eva iha! You came!" sambit nito habang sinalubong ako ng yakap.   "As promised Tita Ina. Happy birthday po! Di halatang 50 na kayo!" bati ko.   Bumeso din ako kay Tito. Nakakahiya nga dahil wala akong dalang regalo.   "Thank you iha! Sumama kana muna kay Franco para makakain ka." mahinahon nitong sabi.   Tumango lamang ako at dumiretso na kami sa buffet table. Si Franco na ang naglagay ng mga pagkain sa plato ko. Ang dami nga niyang kinuha ni hindi ko alam kung mauubos ko ba!   Umupo kami sa isang table at nagsimula na akong kumain.   "You see that blonded girl wearing a red dress? That's Nicola." sambit nito.   Tinitigan ko ang babae. Bakas ang pagiging mayaman sa itsura nito. Halatang may sinasabi sa buhay. May mga kausap itong mga tao. Her boobs are almost exploding while she's laughing. I smirked. Tss! May boobs din naman ako pero mas malaki ang kaniya!   Nagulat ako ng tinawag nito si Franco at kinawayan habang papalapit sa lamesa namin.   "She's going here." bulong ni Franco na nagpaalerto sakin. Uminom ako ng tubig at tumayo na din kasabay ni Franco.   "Franco!" maarteng sabi nito sabay tingin sakin.   "Nicola, meet Eva my fiance." I smiled fakely.   "Oh! Hi Eva!" bumeso ito sakin.   "Congrats ha! Sawakas naka move on ka din sakin! Joke!" biro nito.   Nagpapasalamat naman ako dahil napigilan ko ang pagtaas ng kilay ko.   Naka move on? Akala mo lang! Kahit tulog yan ikaw ang binabanggit niyan!   "Pwede bang pahiram muna kay Franco? Papakilala ko lang siya sa mga possible investors na kausap ko. Can I, Eva?" malambing nitong sabi.   "Ah.. Sure.." sabi ko.   Tumingin sakin si Franco na tila nagpapalaam. Tinanguan ko lamang ito saka ako bumalik sa aking table at nilantakan muli ang mga pagkain.   Sinama niya pa ako kung iiwan niya din naman ako dito para sa ex niya? Effective? Paano kami magiging effective kung isang sabi lang ng ex niya ay iiwan nya ako? Tss! Sunod sunod ang aking subo dahil sa inis.   Kitang kita ko sa pwesto ko kung paano hawakan ni Nicola ang braso ni Franco habang tumatawa sila kasama ang investors na sinasabi nito.   Umikot ang aking mata sa aking mga nakikita. Nakalunok ako ng malaking karne kaya umubo ubo ako at hinampas ang dibdib! Kung minamalas ka nga naman!   "Water." tinanggap ko agad ang nakalahad na tubig sa aking harapan.   Nanlaki ang aking mata ng makita si Juancho na nakangisi habang umuupo sa aking tabi.   "Dahan dahan kasi.." sambit nito.   Nang umokay na ang pakiramdam ko ay nagpunas ako ng bibig saka ko siya hinarap.   "Salamat.." sabi ko.   Napatingin siya sa gawi nila Franco kaya napatingin din ako. Masaya silang naguusap kaya umiwas ako ng tingin.   "Buti hindi ka nagseselos? Okay lang sayo na naguusap padin ang fiance mo at ang ex nito?" mapanuya nitong tanong.   "Hindi naman ako selosa." halos walang boses kong sabi. Nagkibit balikat na lamang si Juancho.   "Excuse me. San ang restroom?" tanong ko sakaniya. Pagkaturo niya ay agad naman akong pumunta.   Pumasok ako sa isang cubicle at tinakpan ang bowl saka ako umupo.   Ano bang nangyayare sakin? Bakit ako apektado sa aking nakikita? Wala dapat akong nararamdamang ganito dahil nagpapanggap lang kami! Hinilamos ko ang aking palad sa mukha bago lumabas ng cubicle.   Nagretouch muna ako. Nagbukas ang pinto at niluwa nito si Nicola. Nang makita niya ako ay ngumiti naman ito kaya ganun din ang ginawa ko.   Habang nag aapply ako ng press powder ay nagsimula ito kaya napatingin ako sakaniya.   "You know what? I have never imagined that Franco will be able to have another relationship after ours." sabi nito.   Hilaw lamang akong ngumiti at di nalang nagsalita.   "Di pa kasi ako ready nung inaya niya akong magpakasal eh. Sayang. Ako sana ang kasama niya hindi ikaw." napataas na ang kilay ko ng lingunin siya.   Ano ngayon ang ibig niyang sabihin?   "Pero don't worry! Wala naman akong balak agawin siya sayo. Wag kang mathreatened!" nakangisi nitong sabi.   I act cooly as I lift my chin up. Wag kang papatalo Eva! You are better than this!   Hinarap ko si Nicola at pinantayan.   "I am not threatened Nicola. Not even a bit. I am so thankful to you dahil di mo tinanggap ang kaniyang proposal. If It wasn't for you baka hindi kami ngayon." I smirked. Kita ko ang pagkuyom ng kaniyang palad dahil sa aking sinabi.   "What..what did you said?" inis nitong tanong.   Niligpit kona ang aking powder at nilagay sa purse.   "I can't say may the best b***h win, Nicola. Because obviously I already won. So.." Laglag ang panga niya sa aking sinabi.   I smiled at her sweetly as I exit leaving her speechless. Ano ka ngayon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD