Chapter 11 [Warning SPG] Selos Hinihingal akong lumabas ng CR at nagmartsa papunta sa table kung saan naroon padin si Juancho at umiinom ng kaniyang wine. Pagkalapag niya nito sa lamesa ay hinablot ko ito at nilagok ang natitira. "Woah! Easy there lady! Baka magalit sakin kapatid ko niyan!" natatawang sambit nito. Hindi ko lamang siya pinansin. I am so pissed right now! That girl Nicola! So all this time ay nagpapanggap lang siyang mabait sa harap ni Franco? Tss! Inikot ko ang aking paningin para hanapin ang magaling kong "fiance" at lalong umakyat ang dugo sa aking ulo nang makita kong magkasama na naman sila ni Nicola at nagtatawanan! Sinama niya pa ako dito kung ganito lang din naman na pauupuin niya ako at ang ex niya lang ang aasikasuhin niya magdamag! K

