Pasta Kinaumagahan ay halos hindi ko naramdaman na nakatulog ako. Kung ano ano ang sumagi sa aking isipan. Nagselos si Franco kay Tristan? Bakit? Gusto niya ba ako? It can't be right? Dahil nagpapanggap lang naman kami, malabong Malabo na magustuhan niya ako. Ang mga tipo niya ay ang mga tulad ni Nicola na may sinasabi sa buhay. Lumabas ako at naabutang nakahanda na ang hotdog and eggs na niluto ni Franco. Nakatingin agad ito sa akin, tipid lamang akong ngumiti. "Today you'll meet our wedding planner. Ezra will accompany you then visit me in my office for us to have lunch is that okay with you?" malambing nitong sabi sabay lapag nang hot choco sa aking harapan. Tumango lamang ako. "Hindi ba dapat tayong dalawa ang.. I mean kasi diba? Paano kung di mo pal

