Deal "Yung anak ko! Yung anak namin ni Franco!" sigaw niya habang umiiyak at nakahandusay sa sahig. Nanlaki ang aking mata. Nakatitig sa dugong nakakalat sa lapag at sa kamay ni Margarita. Nanginig ang aking tuhod at halos hindi maihakbang ang mga paa. A-anak? May anak sila? Unti-unti akong umatras at natatarantang tumakbo palabas. Nang may makitang pakalat-kalat na waiter ay agad ko itong nilapitan. "There's a woman inside the comfort room that needs your help! Hurry! It's an emergency!" sambit ko at mabilis namang umalis ang waiter. Nang tinalikuran ako nito ay mabilis kong hinanap ang daan palabas. I need to get out of here! I can't believe I almost killed her and the baby! Sa sobrang galit ko ay hindi ko na napigilan. Pero totoo nga ba ang narinig ko? M-may anak

