Kiss Kinaumagahan ay hindi ako mapakali. Makailang beses na rin akong nabuwal dahil sa madalas na pag-ikot ng sikmura. Ganito raw talaga kapag first tri-mester. Mas mapapadalas ang morning sickness. Parang mauubusan na ako ng lakas. Ang alingawngaw lang ng pagsuka ko ang maririnig mula sa banyo. Nang mahimasmasan ay nagmumog muna ako at naghilamos bago lumabas. Naabutan ko si Nicola na kakagising lang. Papalapit na sakin at bakas ang pag-aalala sa mukha. "Oh? Nagising ba kita?" nakangiti kong sabi sabay punas ng towel sa nabasang bibig. "Did you vomit again? Magbibihis lang ako. Let's go and meet an OB." hinawakan ko ang palapulsuan niya para pigilan. "Ayos lang ako. This is normal. Pagbalik na lang natin sa pinas para si Dra. Mercado na ang bahala. Hindi ako magiging kumpo

