Good news Nauna ng umalis si Nicola dahil magkikita sila ng mga kaibigan niya. Hinayaan ko na lamang siya dahil alam kong malaking parte ng oras niya ang nakukuha ko. Palagi niya akong sinasamahan kahit madalas ko siyang itaboy para bigyan niya naman ng oras ang sarili niya. Ang katwiran niya naman ay kesyo palagi naman daw siyang lumalabas kaya nagsasawa na ito. "Bakit hindi ka pa magbihis? I told you we're going out." nagitla ako sa pagsalita ni Basty sa kalagitnaan ng pag-iisip ko. Tinaasan ko lamang siya ng kilay. "At saan naman tayo pupunta? Ang lamig sa labas!" reklamo ko. "And so? Don't tell me you're not going to enjoy New York just because it's cold?" nakangisi niyang sambit. "Eh saan ba tayo pupunta?" "Gusto mo siyang makita hindi ba?" natigilan ako sa tan

