Jea Raine Serrano’s POV “Ma’am JR.” Biglang tumayo si Ate Chona nang makita akong lumapit sa table nito. “Where’s my husband?” tipid na tanong ko. Baka naman kasi nainis na ang asawa ko at iniwan na lang ako basta. Sabi nito ay mag-ayos ako within five minutes, pero inabot ako ng ten minutes mahigit. Pero hindi naman na nag-follow up pa si Rafael sa paghihintay. Paano naman kasi ay mukha akong pinagsakluban ng langit at lupa sa itsura ko. Halata ang pag-iyak ko, malungkot ang mukha ko at namumutla nga ako. Hindi naman ako mahilig mag-apply ng make up dahil gusto lang din ni Rafael na simpleng itsura. Ginawa ko ay nag-apply ako ng manipis na powder at nagpahid ng makapal na red lipstick para hindi ako mamutla. Hindi pumayag si Rafael na hindi ako kumain nang hindi ito kasabay. Kahi

