BREADWINNER
Ako si Aesha, not my real name, nasa late 20’s na, isang OFW, no kids, and planning to get married to a foreign national this year, if God’s will po. Ang problema ko is yung both parents ko. Meron pa akong biological parents, but since adopted child ako, I am living with my foster parents. Tinulungan ako both side nung nag-aaral ako, pero more on self-support ako nun since kapos yung family ko.
Marami akong raket, mahilig ako sumali ng mga pageants and other activities sa school, scholar din ako and nage-excel din ako sa school. Kaya hindi masyado mabigat sa bulsa ng mga magulang ko. Pero di yun naa-appreciate ng mga magulang ko. Sa foster parents ko nakakapag-provide na rin ako ng mga needs sa bahay nun while studying. Nung nag-abroad ako, I need to support both family since meron selos na nagaganap sa pagitan nila. And I sent them 3/4 of my salary.
Meron din akong binigay na puhunan sa both parents ko para sa piggery business at fishing. Pero sobrang nalungkot ako kasi never nakuntento yung mga magulang ko sa binibigay ko sa kanila. Parehas na halaga yung binibigay ko sa kanila kasi alam kong magseselos yung isa sa kanila. Di sila nakukuntento sa buhay.
Nag away na naman yung dalawang nanay ko dahil meron po akong biniling bahay, kasi hindi ko rin po ine-expect na makakapag-asawa ako ng ibang lahi. At gusto ng mapapangasawa kong duon kami sa lugar niya manirahan. Awang-awa na rin siya sa akin. Wala akong masyadong ipon since I invested all the properties and savings for them. Yung fiancé ko meron po siyang monthly binibigay sa akin, pero di ko ginagalaw at hindi ko rin sinasabi sa mga magulang ko.
One time nagkasakit ako sa abroad, ni kumusta wala man lang akong natanggap mula sa kanila. Nakakasama ng loob. Btw, meron din akong mga kapatid and meron ng mga sariling pamilya, nagbibigay rin po ako sa kanila. Lalo na every birthdays ng mga pamangkins ko, at pag may gatherings yung family or emergencies. Tinulungan ko rin kapatid ko na pumunta sa lugar kung saan ako nagwo-work abroad. Pero after niyang makapunta dun sa lugar na yun, never akong nakarinig ng kahit kumusta or pasasalamat man lang.
Nung nagbakasyon ako sa Pilipinas akala ko happy memories yung makukuha ko, pero punung-puno ng selos both side. Tsaka wala sumundo sa akin sa airport. Lahat both side ng family ko, pinasyal ko sila sa mga kamag-anak namin sa ibang probinsya, I spend 100K all in all during that trip (2 days) kasi nagsibili rin sila ng mga pasalubong sa mga ninuno ko.
After a month ng bakasyon ko, super stressed ako to the point na nag-mêntal breâkdown ako. Halu-halong emosyon na. Hindi ko maramdaman yung sincere ng family ko sa akin, ang tagal ko sa abroad at one time lang ako umuwi sa amin pero puro stress ang naranasan ko. Bakit ganun, parang nasa akin lahat ung pressure? Minsan di ko na alam gagawin ko that I just want to disâppear in this world.
Pinanghahawakan ko na lang yung pagmamahal na binibigay ng fiancé ko. Naaawa na siya sa akin kasi lahat ng pagmamahal na meron ako, binuhos ko lahat yun sa pamilya ko. Ang gusto ko lang sana walang inggitan ang mangyari. Yung pera hindi ako nanghinayang kasi ginusto ko yun at support naman ako ng fiancé ko dun. Pero yung appreciation galing sa pamilya, never ko naranasan yun. Naiinggit nga ko sa mga merong pamilya na kahit walang-wala sila, buo pa rin yung pagmamahalan nila at walang inggitan.
Saludo ako sa lahat ng mga OFW’s natin, lalo na yung mga breadwinners. Sana iparamdam niyo sa kanila yung pagmamahal na kailangan nila. Kumustahin niyo sila araw-araw. Hindi biro ang magtrabaho sa ibang bansa lalo na't mag-isa ka lang, walang kakampi kundi sarili mo lang. Mahirap din magtiwala kahit kalahi mo pa yan, kasi hindi mo alam kung totoo sila sayo o hindi.
Salamat sa lahat ng naglaan ng oras para basahin.
AESHA
2015
Nursing