To all readers, before you read my confession, pakiusap na huwag niyong husgahan ang secteligion na kinabibilangan ko. It's our fault, not the catholic sect.
Year 2016, nung nadestino ka sa paroquia. Hindi katulad ng ibang pari, mas strikto ka kaysa sa kanila. Gwapo ka, kaya nga laging sinasabi ng iba, "sayang ka". Sayang daw ang lahi mo dahil hindi ka puwedeng mag-asawa. Pero gwapo ka nga, palagi namang magkadikit ang kilay mo, kaya nga napagkakamalan ka tuloy na suplado.
Ilang buwan ka palang naka-assign sa parish nang nagkasakit ang secretary. At dahil Youth President ako at marami namang alam sa simbahan, ako ang pumalit bilang secretary. Naghahanap din naman ako ng mapaglilibangan habang wala pang trabaho.
Halos araw-araw akong nasa office at halos araw-araw rin kitang nakikita. Takot nga ako sayo dahil napaka-perfectionist mo. Kaunting pagkakamali ko lang sa paggawa ng schedule mo, nagagalit ka na. May time pa nga na pinatawag mo ko dahil nalaman mong kaya di ko nasabi sa inyo na may bibinyagan dahil binisita ko ang dati naming Parish Priest. Kaya mula non, ikaw na yata ang pinaka-háte ko sa lahat ng nakilala kong pari. Ang bata mo pa pero daig mo pa ang nagme-menopause. Kaya habang ang iba ay nagpapapansin sayo para makipag-close, ako naman palaging iwas sayo.
Half month of 2017, umalis na ko sa pagka-secretary dahil may nag-offer sa aking trabaho dahil CPA na ko.
Naalala ko pa nang wala akong masakyan, may humintong familiar na kotse sa harap ko at alam kong ikaw yon. Sinabay mo ako, magkatabi tayong dalawa sa passenger's seat. Mula noon, tuwing may misa ka at dadaan sa pinagtatrabahuan ko, palagi mo kong tine-text para pasabayin ako. Palaging ganoon ang puwesto natin.
Dahil don naging close tayo, nakikipagkwentuhan ka na rin sa akin. Sinasama mo rin ako sa mga lakad mo lalo na kapag pumupunta ka sa bahay-ampunan. Dahil palagi kitang nakakasama, don kita nakilala, mabait ka naman pala talaga, Father.
Year 2018, talagang naging mag-close na tayo. Napapansin ko rin na nag-iba ang treatment mo sa akin. Napansin din yon ng iba, sabi nga nila nakuha ko na raw ang kiliti ng Parish Priest namin.
Nahuhuli kitang nakatingin sa akin. Palagi ka ring nagte-text sa akin. Walang araw na di ako makakatanggap ng 'good morning', 'good night', 'ingat palagi' galing sayo.
Same year, a day before our feast day, may party non. Ikaw ang bumili ng dress na sinuot ko. Sabi mo gift mo yon sa akin. Di ko nga alam kung bakit binigyan mo ko ng regalo. Pumunta ako sa party na suot-suot yon. Pagpasok ko nakita agad kita, ang gwapo mo sa suot mong fitted polo na ako ang pumili nong sinama mo kong mag-shopping. Nagmano ako sayo pero di gaya ng dati, hindi mo ko pinansin. You snobbed me. Nawala ka sa party, akala namin pagod ka na kaya nagpahinga ka na sa kwarto. Then, tinext mo ko. Your exact message was;
"Bagsy na bagay sayo ang suot ko. Gands mo. Sayang."
Na-typo ka pa sa text mo. Pero di yon ang napansin ko, kundi yung word na "sayang". Hindi ako tângâ para di ko ma-gets ang sinabi mo pero inisip ko na baka assuming lang ako. Nag-reply ako sayo,
"Ay Father, salamat po. Pero, ano po yung sayang? Sayang dahil nagastos pa kayo dahil sa akin? Hahaha!"
Nag-reply ka,
"Punta ka sa *** (parang park), usap tayo."
Pumunta ako sa lugar na sinabi mo. Hinanap ko ang kotse mo dahil sabi mo nandon ka. Pagpasok ko sa loob ng kotse mo, tinanong kita kung bakit mo ko pinapunta. Nabigla ako sa ginawa mo. Niyakap mo ko, naamoy ko ang alak sa hininga mo. Halatang nakainom ka. Gulat na gulat ako dahil bakit mo ako niyakap? Tinanong kita kung lasing ka ba. Ang sabi mo uminom ka dahil may problema ka. Pinilit kita na sabihin kung anong problema mo, pero nong time na yon natatakot ako na paano kung yung nasa isip ko ang sasabihin mo. Paano ako magre-response?
Di nga ako nagkamali sa in-expect ko na sasabihin mo. Inamin mong may nararamdaman ka sa akin. Kaya naglakas din ako ng loob na aminin ang nararamdaman ko sayo. Ang saya-saya ko non dahil pareho pala tayo ng nararamdaman sa isa't isa. Di ko na inisip na bawal to, na malaking kasalanan to.
Pero ilang minuto lang yong saya na yon dahil binawi mo agad ang sinabi mo sa akin. Ang sabi mo baka attracted ka lang, at baka di naman talaga pagmamahal ang nararamdaman mo sa akin. Di ko alam kung sinabi mo yun dahil naisip mo na bawal ito, o kaya naman prank lang yong mahal mo ko, o baka naman yun talaga ang totoo... na na-attached ka lang sa akin pero wala lang yon.
Feast day hindi tayo nag-usap, sobra akong nahiya sayo dahil umamin ako sa nararamdaman ko. Tinext kita,
"Father, sorry sa nangyari kagabi. Kalimutan niyo na lang po ang nasabi ko."
Wala kang naging reply sa text ko, kaya hinayaan na lang kita. Ilang buwan din tayong di nag-uusap, nagse-serve ako sa simbahan hindi man lang tayo nagpapansinan. Nami-miss kita pero ayaw kitang kulitin. Aside, hindi ko gustong masira ang bokasyon mo. Sa tuwing pauwi ako sa bahay galing sa trabaho, palagi kitang nakikita sa terrace ng kumbento. Hindi ko alam kung sinasadya mo yon. Pero kagaya nang nasa isip ko non, nag-desisyon na kong kalimutan ang nararamdaman ko sayo.
Nagsisimba ako sa ibang parish, dahil ayaw muna kitang makita. Sinasabi ko na lang sa mga nagtatanong sa akin na may nagyayaya na magsimba sa akin doon. Ni hindi na ko nakakapag-serve dahil sayo.
Nagsimba na lang ako ng Misa De Gallo na. Sa 10 days na mass na yon, hindi kita kailangang iwasan dahil ikaw mismo hindi mo ko pinapansin. Pagkatapos ng misa halos lahat nga inaaya mong magpa-picture kasama ka, except sa akin. Kapag group na ng mga youth at altar servers ako palagi ang nagte-take ng picture. Parang wala lang tayong napagsamahan.
Christmas day, magga-gabi na yon nung nag-text si P**, isa ring PYM. Ang sabi pinapapunta mo raw kami sa kumbento dahil nalulungkot ka na wala kang kasama ngayong Pasko.
Pumunta naman ako dahil malungkot din naman ang pasko ko dahil mag-isa din ako sa bahay. Masaya naman, ako lang yata ang malungkot. Pati rin pala ikaw, siguro dahil di mo kasama ang family mo. Then, tinext mo ko,
"Punta ka dito sa terrace, may ibibigay ako."
Pumunta ako don, at bigla-bigla mo na lang akong yinakap at hinalikan sa noo. Sabi mo na-miss mo ko. Pero kahit na na-miss din kita, di ako nagpahalata. Baka bawiin mo na naman. Mukhang nalungkot ka sa reaction ko kaya inabot mo nalang yung gift mo sa akin. Portrait ko yon at ikaw ang gumawa. Ang sabi mo dino-drawing mo yan nang nami-miss mo ko. Habang nagkukuwento ka, tahimik lang ako. Nararamdaman ko na sincere ka sa mga sinasabi mo.
Pagkatapos non, bumalik tayo sa dati. At hindi lang yon, napaka-sweet mo pag tayong dalawa lang. Alam nating dalawa na mali pero tuwing magkasama tayo, kinakalimutan ko munang bawal ito, ayaw ko munang maisip na isa kang pari. Sayo ko lang naramdaman ito, ikaw ang first love ko. Kaya kahit mali, di ko napigilan ang nararamdaman ko para sayo.
Nagkaron tayo ng sikretong relasyon, tayong dalawa lang ang nakakaalam. Ang saya natin, at gustung-gusto kong ipagkalat ang pagmamahalan natin pero alam nating di yon pwede.
Nakita ko kung paano ka mag-alaga. Yong boses mo ang palaging nagpapakalma sa akin kapag nagkaka-nervous breakdown ako. Nakaka-guilty, oo. Pero di natin matigilan. Tama nga ang sabi ng iba na masarap ang bawal.
Dahil sa namamagitan sa atin, kinuwestiyon ko ang batas ng kaparian. Bakit ganoon? Bakit may rules na ganoon? Tayo ba ang mali kahit nagmahal lang tayo o ang batas niyo?
Year 2020, ilang taon na rin tayong may nilalabag at tinatagong relasyon. Bigla-bigla nang sinabi mong bibitaw ka sa pagka-pari dahil mahal na mahal mo ako. Sinabi mo na makakapaglingkod ka pa rin sa Panginoon kahit na hindi ka na pari. Pero sa sinabi mong yan, doon ako natauhan.
Mahal kita pero ayaw kong ako ang dahilan kung bakit gusto mong bumitaw sa pagka-pari. Naalala ko pa nong kinuwento mo na ang dami mong pinagdaanan sa seminaryo bago ka naging pari. Ayaw kong mawala yong pinaghirapan mo dahil sa akin. Kaya hindi ako pumayag sa gusto mo, hiniwalayan kita dahil iyon lang ang alam kong paraan para hindi mo ituloy ang balak mo. Kahit nasasaktan ako, sinabi ko sayo na makakakimutan rin natin ang isa't isa.
Bago mag-pandemic dito, pinuntahan ko sa Canada sina mama at papa. Hindi man lang ako nagpaalam sayo. Ayaw ko ang naging desisyon ko pero alam natin na iyon ang tama. Hindi man lang kita pinakinggan nong nagmamakaawa ka sa akin na huwag kitang iwan, dahil kung pinakinggan kita baka masira ko ang buhay mo. Inalis ko lahat ang komunikasyon natin. Pero kahit nandon ako, ikaw pa rin ang nasa isip ko, pero sana maintindihan mo na ginawa ko to para na rin sayo. Ayaw ko ng maging selfish. Ayaw kong masira ang pangako mo sa Panginoon dahil sa akin.
Year 2021, umuwi ako sa Pilipinas pero nag-stay ako sa Manila. Hindi sa dati kong tinitirhan kung saan ikaw ang Parish Priest. Naging busy ako sa work from home na trabaho, naging peaceful pero naging malungkot ang buhay ko.
This year. Akala ko okay na ko. Kaya nag-decide na kong umuwi sa dati kong bahay. Ikaw pa rin naman ang Parish Priest doon since 6 years kang naka-assign. Hindi ko alam noon kung paano ang magiging set-up kapag nagkita na tayo. Ayos ka na kaya?
Umuwi ako at nagulat nang magsimba ako at di na ikaw ang pari. Nabalitaan ko na tinuloy mo pala ang balak mo noon. Bumitaw ka sa pagka-pari. Ang sabi nila na hindi ka raw nakakapag-misa ng maayos at palaging matamlay. Nagulat na lang sila nang bumitaw ka, hindi nila alam kung ano ang dahilan mo.
Ako ba ang dahilan ng pag-bitaw mo? Bumalik lahat ang ala-ala nating dalawa sa isipan ko. Hindi pa pala ako nakapag-move-on, mahal na mahal pa rin pala kita.
Hinanap kita pero isa lang ang sinasabi ng mga tinanong ko. Wala ka sa Pilipinas. Minessage kita sa sss account mo, di ko alam kung active pa yon. Pero umaasa ako na makikita mo yon. Miss na miss na kita, nagsisisi ako na iniwan kita. Gustung-gusto na kitang makita, na-miss ko yung yakap mo, hâlik mo sa akin sa noo, yung natural scent mo.
Nagdadasal ako sa Panginoon na kahit mali ang naging pagsasama natin non, sana tayo ang nakatadhana. Pinagdadasal ko na magkita na tayo ulit. Ayaw kong tuparin mo ang sinabi ko sayo noon, ayaw kong kalimutan mo ko.
Kahit matagal maghihintay ako. Hihintayin kita, Cariño.
MR
2016