Hello sa lahat ng avid readers sa page na to. Just call me Vem. Meron na akong fiancé, let's call him Jay. Nagkakilala kami nung 14 years old pa ako and hinintay niya ako mag-18 tapos dun na siya nanligaw through online kasi nasa Manila siya that time.
After 10 months, umuwi na siya sa province namin. Yung set up kasi namin is give and take pero minsan nasasâkál na ako kasi everytime na may lakad kami dapat half half kami sa bayarin, eh siya naman nag-aaya.
Ilang taon na nakalipas, akala ko magbabago siya. Actually, third year college pa ako ngayon pero nakapag-decide na magpakasal kasi siya na raw magpapaaral sa akin, yan yung promise niya sa parents ko. Nasasaktan ako kasi everytime na may kailangan ako para sa school, oo andyan siya tutulungan ako, pero babayaran ko rin lahat yun pag may pera na ako.
Engaged na kami pero pag ihahatid niya ako kailangan ako pa magpa-gas sa motor niya. Siya naman yung may stable na work, eh. Nagi-struggle ako sa gastusin ko sa school kasi nasa private school ako. Nahihiya din ako humingi sa parents ko kasi mag-aasawa na ako, kaya umabot ako sa point na kailangan ko na lang magtrabaho sa palayan para may pangbayad ako sa school. Kasi kapag lalapit ako sa kanya sasabihin lang niya na hindi pa niya ako responsibilidad. Hindi pa ba niya ako responsibilidad? Ngayon nga kung may kailangan ako, babayaran ko pa lahat ng yun sa kanya kasi hindi pa raw niya ako responsibilidad. Daig ko pa nakapag-asawa ng búmbäy.
Nasasâkál na ako. Ganito ba talaga kahit engaged ka na? Kailangan mong bayaran gastos niya sayo? Engaged na kami. Pero hindi na ako sigurado. Paano ko sasabihin na napapagod na ako sa ilang taon na ganyan siya? Pwede pa bang mag-back out? I badly need your advice.
Vem
2022
*Confidential