After I graduate college, nag-work ako sa BPO Industry then I met this guy na itago na lang natin sa pangalang Dio, ka-team ko siya. Sobrang tahimik niyang tao, yung nagiging mysterious type na siya at naa-attract na ko sa kanya. Then one day lumapit siya sa akin asking me to held his hand, I asked,
"Why?" but I received no reply.
As if there's a magic that my hand automatically touched his hand and he whispered,
"I don't know but I feel safe and contented with you," nag-blush naman akong si gâgâ, jusko, ampogi niya!!!
After nun, nangligaw siya, after 3 months sinagot ko na rin siya. Pinakilala ko sa family ko and he do the same with his family. Months passed and napansin ko nag-iiba siya. Akala ko stress lang sa work namin pero hindi, e. Hindi na niya ako hinihintay sa lobby ng office para sabay umuwi. May mga araw pa na di siya nagpaparamdam lalo pag day-off niya at ako ay may pasok. As in buong araw walang paramdam.
Ilang buwan na ganun ang set-up namin, sobrang nasasaktan na ko pero siya wala nang pake. Nung 1st anniversary namin day-off niya nun pero wala man lang pabati, walang paramdam, napakasakit nun. Kaya I confronted him na asking what's happening. And as usual, walang matinong sagot na makuha sa kanya. Pero after nun nagkaayos pa namam kami then 3 days after nagpaalam siya na pupunta siya sa kaibigan niya, may gagawin lang daw so pinayagan ko naman.
As usual, di na naman siya nagpaparamdam pero wala, e nasanay na ko pero eto na pala yun, dati 24 hours lang siya di nagpaparamdam pero sh*t, mag-iisang linggo na wala pa rin. Kino-contact ko rin parents niya pero walang sagot, mga friends niya wala ring sagot. Like iniiwasan nila ako. So I have to find it out myself kung ano ba ang totoo.
Aalis na dapat ako sa office when someone called me and I turn around, it was Dio. Di ako makapagsalita nun, ewan, parang lutang ako na di ko alam gagawin at sasabihin ko habang nagso-sorry siya sa akin. I'm holding back my tears and asked him where he has been and his answer made my tears fell down.
"The truth is I love you, I really do but I fooled you," then out of nowhere someone gräb my hair screâming.
"Kâbît ka! Hây0p ká! Mälândî!" etc.
Inawat siya ni Dio at ayun bumalik na ko sa senses ko. Naguguluhan pa rin ako when Dio said,
"May asawa't anak na ko. I'm really sorry for hurting you," nung narinig ko mga salitang yun, para akong binuhusan ng napakalamig na tubig.
Sobrang sâkît nga na magkaron ng kâbît yung taong mahal mo, pero mas masakit yung ikaw na pala yung kâbît, hindi mo lang alam.
Always do the background check guys, para di kayo matulad sak ain na nagtiwala agad.
Emerie
2014