Chapter 2
Nang dahil sa ginawa kong pagcomfort kay Jyselle ay hindi ako makatulog ng ilang araw. Sabay na kaming pumapasok ngayon at sa condo ko na rin siya pinauuwi. Madalas kaming pinag-uusapan sa Matter Enterprises pero hindi ko na iyon inintindi pa. All I know, I am making this for my needy employee. Kahit sino rin naman siguro sa mga employee ko ang mangangailangan ng tulong ay gagawin ko kung ano ang ginawa kong pagtulong kay Jyselle.
“Sir, ano pala ang gusto mong kainin ngayong lunch?” tanong ni Jyselle.
Tumingin ako sa kaniya at agad akong ngumiti. She is gorgeous. Kahit na wala akong alam kung paano kumilala ng babae ay tiyak ako na kung ano ang mga katangian ni Jyselle ay siyang hinahanap ng mga tulad ko— I mean, ng mga lalaki.
“Kahit ano na lang, Jyselle. We can order,” sabi ko.
Palagi na lang siyang nagluluto kaya ay bumigat ako. I am taking care of my body but when she got here, she always reminds me to eat my meals completely.
Nasa unit kami ngayon dahil araw ng Linggo. Actually, I'm planning to fly to Philippines this day pero hinihintay ko pa ang response ni Jyselle sa proposal ko sa kaniya. I don't want another secretary kapag nasa Pinas na ako. Ayaw kong mag-adjust and I want Jyselle as my secretary. She fits the position and she's professional in work.
“Sir Matter, bakit ba tayo magtitiis sa mga pinag-oorder natin kung mahal lang ang mga ito at saka hindi masarap? Makakapagluto naman ako at mas mainam kapag lutong-bahay.”
She's actually right. Sa totoo lang ay naaappreciate ko ang ginagawa ni Jyselle. Hindi ko na kailangan pang magpaakyat ng cleaners dahil palaging malinis ang unit. Dumagdag pa ang effort niya sa pagluluto. She's really brilliant at cooking. Paborito ko ang tahong niya— tahong na niluluto niya.
“Ano ba ang mayroon tayo sa refrigerator?” tanong ko sa kaniya.
Humalukipkip siya at inalala niya kung ano ang mga puwedeng lutuin na nasa fridge namin.
“Pork belly, chicken meat at may tahong—”
Napa-snap ako dahil sa narinig ko. Natigilan rin sa pagsasalita si Jyselle dahil sa ginawa ko.
“Why, sir?” tanong niya sa akin.
“I miss licking your mussels, Jyselle. Alam mo iyon? Iyong palagi kong hinahanap ang tahong mo kahit nasaan ako. Your tahong is tasteful and it feels like my mouth is always looking for it. Aaaah hellfuck! Gusto kong sinisipsip ang tahong mo—”
“S-Sir!” awat sa akin ni Jyselle.
Tinitigan ko siya. She's turning red. Inisip ko ang sinabi ko if I offended her. And hellfuck! I forgot that tahong is also a v****a in the Philippines. All the Gellers even using that. I heard my uncles often using that term.
“S-Sorry, Jyselle. Y-Yung Pork belly na lang. Yes. I-I miss Pork belly,” sabi ko na lang.
Hindi kumibo si Jyselle pero nakita ko na ang awkward ng kaniyang titig sa akin at hindi pa siya mapakali. Umalis siya at tumungo siya sa kusina. Napailing ako nang maiwan ako sa living room.
Habang hinihintay ko na maluto ang mga pagkaing niluluto ni Jyselle ay maigi akong humarap sa aking laptop. Tinitigan ko ang graph na nagpapakita kung gaano ka-taas ang sales ng mga negosyo ko.
I can't imagine that I am living my wildest dreams now. Akala ko ay parehong buhay na tinamasa ng pamilya ko ang magiging kalakaran ng buhay ko. Mabuti na lang dahil maaga pa lang ay namulat na ako na kailangan kong umibang landas. Sinabi ko sa sarili ko na hindi ako papasok sa Black Mafia at iyon nga ang ginawa ko. Actually, kapag iyan ang inoopen ni Daddy Dos na topic ay iniiwasan ko at nililihis ko ang usapan namin.
“Sir, naluto na po ang pagkain at ulam. Kumain na tayo,” sabi ni Jyselle.
Pumunta ako sa dining area nang tumawag si Jyselle. I am always amused the way how she prepare food. Ang linis at wala ka talagang pagdadalawang-isip na kainin ang mga inihahanda niya sa hapag.
Lihim akong napangiti. Naalala ko na ito ang ginagawa ni Mommy Kath noon. Pinagsisilbihan niya si Daddy Dos. After that, magyayaya si Daddy na mag-mall para masuklian kahit papaano si Mommy.
Kumain lang kami ng kumain ni Jyselle. May awkwardness pa rin pero hindi ko pinahahalata sa kaniya na pati ako ay nakararamdam noon.
“Napag-isipan mo na ba ang proposal ko?”
“Ahm. Oo, sir,” maikling sabi ni Jyselle.
It is impossible if she's not gonna go with me. Kung ako ang magdedesisyon ay mas mainam sa Pilipinas. Her mother was sick. Madadalaw niya pa ang kaniyang nanay kapag sumama siya sa akin.
“And?”
“Hindi ko pa alam kung sasama ako sa iyo o hindi, sir.”
“But isn't it a winning situation for you? Bukod sa makakauwi ka sa ating bayan ay matitiyak mo pa ang kalusugan ng nanay mo. Same salary lang din naman ang matatanggap mo mula sa akin kapag nandoon na tayo. Dollar rate pa rin,” sabi ko and I even smirked.
Kaunti siyang ngumiti pero agad niyang binato ang titig sa malayo. I can feel that she is afraid to go home. Kahit hindi niya pa sabihin ay mababasa ko ang takot sa kaniyang mga mata.
“H-Hindi pa ako handa, sir,” sabi na lamang niya.
Tumango na lang ako.
Hindi ko na siya pinilit pa na sumama sa akin. I am not in her shoes and I am not in the situation to decide for her. Alam ko rin naman na matalino siyang babae and she knows what is best for her.
Bumalik ako sa sala nang matapos na kaming kumain. Hindi sumunod si Jyselle sa akin. Siguro ay naghuhugas na naman iyon ng mga pinagkainan namin.
Nabagot ako kaya ay bumalik ako sa kusina upang yayain siya na mag-mall at upang makapag-grocery na rin kami.
“Jy—Wow! Hellfuck!”
Napalunok ako sa aking nakita. Her butt is swaying seductively. Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko dahil sa nakita ko. She is dancing while washing the dishes. What a beautiful show. Hellfuck! Wala nga sa dugo ko ang pagpasok sa Mafia world pero lumalatay sa mga ugat ko ang dugo ko na Geller. Pati rin sa isang ugat ko ay namamayagpag ang pagiging Geller ko. Kahit na gaano ko gustong takasan ito ay hindi ko kaya. After all, I am a Geller. But I only felt this on her— on Jyselle.
I want to take my eyes off of her—but how? Hindi ko kaya. Naagaw ng bagay na nasa loob ng pantalon ko ang aking pansin. My thing was hard and even harder as I was looking on Jyselle's nape that has bullets of sweat. How to resist her hotness? Hellfuck!
“You're a gentleman and you know that it is not good to fantasize about a woman,” pangaral ko sa sarili ko.
Hindi niya naramdaman na nandito ako sa likod niya dahil nga ay malakas ang tugtog sa loob ng kusina. She's fond of washing the dishes while listening to upbeat music. Kahit na ayaw ko sa maingay na paligid ay nagustuhan ko na lang ito nang dahil kay Jyselle.
“S-Sir, kanina ka pa ba riyan!?” nahihiya niyang tanong nang humarap siya sa akin.
Pinatay niya ang musika at nahihiyang lumakad papunta sa gawi ko. Gusto kong matawa dahil sa expression ng kaniyang mukha. Kanina ay masyado siyang magalaw pero ngayon ay para na siyang estatwa.
“Not really. Kapapasok ko lang naman,” I lied.
“Good! Akala ko nakita mo ang— never mind! Ano pala ang sadya mo? May files ba akong dapat na kunin sa Matter Enterprises? May iuutos ka?”
Actually I saw it all. I saw her dancing. I wanted to tell her that she was dancing out of the beat but then she's hot and sexy and gorgeous. But that would offend her, so I chose to just smile.
“Magpapasama ako sa iyo. I have to buy a new ballpen. Nahulog kasi ang ballpen ko kaya ay putol-putol na ang kinalalabasan nito kapag may pinipirmahan ako. And also, maggo-grocery tayo,” I said.
May pag-aalinlangan sa kaniyang mukha.
“Sir—”
“Magtatampo ako, Jyselle. You always said no to my offers,” sabi ko.
“Did I?”
“Ahm, yes.”
Sa huli ay napapayag ko siyang sumama sa akin. Ngayon ay naglalakad kami sa isang mall dito sa NY. Ito ang paborito kong puntahan dahil nga hindi masyadong maingay ang paligid.
All eyes on us. Kilala ako ng mga manager dito and they even want me to impart them my products. Ang aking mga products kasi ay may kalidad at tinatangkilik kahit na saan. Guess what. This is my favorite mall but I didn't bother to put my name on this. The owner even proposed to me about being his partner but I disagree. I just told him that I will be his loyal customer but not his partner.
“Sir, tingnan mo iyon! Tara laro tayo!”
Hindi na ako nakapaghindi. Dinala na ako ni Jyselle sa tapat ng ring. Hellfuck! Hindi ako marunong mag-basketball.
Nawala saglit si Jyselle pero bumalik din siya agad with a lot of tokens. Hinulugan niya ang puwesto ko kaya ay lumuwa ng sampung bola ang machine.
Kumuha ako ng isang bola at hinawakan ko ito. Hinagis ko ang bola sa ring at tulad ng inaasahan ko, hindi pumasok ang bola.
“Kung sa kuwan, shooter. Pero sa basketball, hindi,” bulong ni Jyselle.
Tumingin ako sa kaniya. I know I'm turning red. I want to prove her wrong. Kumuha ako ng isa pang bola at sinubukan ko itong i-shoot pero wala pa ring nangyari. Mas lumakas ang tawa ni Jyselle kaya ay napatingin na ang mga batang katabi kong naglalaro.
“This is shameful. Mas magaling pa ang mga bata sa iyo! Let me help you!” sabi niya at agad siyang pumuwesto sa aking likuran.
“Jyselle?” marahan kong sabi.
Para akong tinangay sa alapaap nang kinulong ni Jyselle sa kaniyang mga bisig ang katawan ko. Her twin mountain even touched my back. Para akong nakuryente nang hinawakan ni Jyselle ang likod ng mga kamay ko.
Dalawa na kami ngayong nakahawak sa bola.
“Ang kailangan mo lang gawin ay isentro mo ang bolang hawak mo sa ring. Look at the ring and focus. Kailangan din ay marunong kang kumontrol sa pag-shoot mo. It should not be short and too long. Kailangan ay tamang-tama lang,” sabi niya.
My mind absorbed her words. Magaling akong mag-comprehend at mag-apply ng mga tinuturo sa akin. As my head absorbed her words, my other head couldn't control not to nod continuously. Natatamaan ng mga bundok ni Jyselle ang likod ko at iyan ang rason kung bakit ako tinitigasan ngayon.
I am sweating right now. Ang bola ay nabasa na rin dahil sa pawis ng mga kamay ko.
“Throw it, sir! Ipasok mo!” she said.
Biglang may malaswang imahe na dumalaw sa aking isipan. It feels like Jyselle was telling me to do that on her.
“Ugh!”
Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong pasok na pasok ang bolang hinagis ko. Hinila niya ako at hinarap niya ako sa kaniya.
“You are such a good shooter!” sabi niya at niyakap niya ako.
Saglit lang ang yakap niya nang mapansin niyang may lalaking lumapit sa aming gawi. The man was tall and had an athletic built body.
“Hey, pick up girl,” sabi niya kay Jyselle.
Nawala ang ngiti at saya ni Jyselle nang hinawakan ng lalaki ang pisngi niya. Dumilim ang paningin ko. Hinawakan ko ang kamay ng lalaki at hinagis ko ito.
“What the hell are you doing, man?”
“Touch her again and you will lose your life.”
“Sir, hayaan mo na lang umalis na lang tayo,” awat ni Jyselle sa akin.
Tumingin ako sa kaniya. Tinitigan ko lang siya bago ko muling hinagis ang titig ko sa lalaki na kung umasta ay parang may-ari ng mundo.
“You're mean, man! I just want to say hi to someone I'd hook up with,” sabi ng lalaki.
“Jyselle?”
Tumitig ako kay Jyselle ulit. My stare was asking her about what the man said. Alam ko naman kung ano ang ibig-sabihin ng mga sinabi ng lalaki. It's just that, I am hoping that it was a mistake. Baka kasi nagkamali ang lalaki at kamukha lang ni Jyselle ang babaeng tinutukoy niya.
Sa halip na sumagot ay nakita kong umalon ang lalamunan ni Jyselle. Her tears rolled down her face and it hurt me seeing her with tears again.
“Leave her alone,” sabi ko sa lalaki at agad kong hinila si Jyselle palabas ng mall.
Pinasok ko siya sa kotse at dumiretso ako sa pagmamaneho. Dahil sa galit ko ay sobrang bilis ng aking pagpapatakbo.
Halos hindi ko matandaan kung paano kami nakarating ni Jyselle sa unit. Nakatayo kami sa gitna ng sala. Nakayuko siya habang ako naman ay nakatalikod sa kaniya.
“You should pretend that you don't know that man, Jyselle! Hindi iyong umiyak ka na lang. There are lots of people who have heard it,” sabi ko sa kaniya.
Suminghot siya bago siya tumitig sa akin.
“That is why I want to stay here, sir. Alam ko na mangyayari ito. And I am sorry kung maraming tao ang nakarinig kanina. I caused you shame,” sabi niya.
“That is not what I mean, Jyselle.”
“Then, ano? I am only your employee, sir! Bakit mo ginagawa sa akin ang lahat ng ito? I don't deserve this all!”
“You wanna know!?”
“Yes! Gusto kong malaman, sir! Hindi iyong ganito na lang palagi!”
I can't control my tears. Tumulo ang mga luha ko habang tinitigan ko ang mga mata ni Jyselle na puno ng mga luha.
“I don't like it when you are being disrespected, Jyselle! Nasasaktan ako!”
“You shouldn't be, sir! I am just an employee!”
“Hindi ko alam, Jyselle, kung empleyado lang talaga ang tingin ko sa iyo! I hate myself when I cannot shield you from the disrespect that people throw at you! Gusto ko palagi kitang pinoprotektahan at gusto ko palagi ka lang nakangiti!”
“But why!?”
“Maybe... Jyselle, g-gusto na kita! No. Nilamon ko ang sinabi ko sa mga tiyuhin ko na hindi muna ako magkakagusto sa kahit na sinong babae. But I cannot refuse this feeling,” sabi ko. “I really really like you, Jyselle. No. Not just that. M-Mahal na siguro kita, instantly!”