Chapter 1

2503 Words
Chapter 1 Pinarada ko ang Lamborghini ko sa basement ng Matter Hotel. Nakababa na kaming dalawa. Lihim ko siyang sinusulyapan. Bakas sa kaniyang mukha ang pagkahiya. Hindi maalis sa utak ko ang sinabi niya. Gusto kong baguhin ang lahat ng nangyari sa kaniya. Sinisisi ko ang sarili ko kung bakit humantong sa ganito si Jyselle. “Tara na,” sabi ko sa kaniya. “S-Sir,” nag-aalangan niyang sambit. “Jyselle, huwag ka na lang umangal. Huwag ka ring matakot sa akin dahil iba ako sa kanila. Alam ko kung ano ang iniisip mo,” ani ko. “Uunahan na kita, Jyselle. Mali ang iniisip mo. Wala sa bukabolaryo ko ang mag-alipusta ng babae lalo na kung alam ko ang sitwasyon niya,” dagdag ko pa. “I don’t take someone for granted even though I am sure that I can.” Her eyes glitter. Kahit papaano ay naramdaman ko na medyo napanatag na ang loob niya. Sumunod siya sa akin hanggang makapasok kami sa hotel. Tumungo kaming dalawa sa elevator at agad ko siyang dinala sa floor kung saan naroroon ang aking unit. Tumigil ako sa paghakbang dahil hindi siya nakasabay sa akin. “Ah,” aniya. Lumingon ako sa kaniya. Napangiti ako nang makita siyang napahawak sa kaniyang noo. Sinusundan niya kasi ang mga hakbang ko. Noong tumigil ako ay nabunggo siya sa likod ko. “Are you hurt, Jyselle?” tanong ko sa kaniya. Pinipigilan ko ang sarili kong tumawa. Umirap lang siya sabay nguso. She’s cute. Naiilang lang akong tumingin sa kaniya dahil may lipstick at nakamake-up siya ngayon. Hindi ako nasanay na may kolorete sa kaniyang mukha. “Okay lang ako, Sir,” aniya na umiiwas ang titig sa akin. Kumibit-balikat ako. “Alright. Tara pasok na tayo?” pag-aanyaya ko sa kaniya nang sinwipe ko na ang Identification card ko sa swiper upang mabuksan ang pintuan. Bumukas ang pintuan at bumungad sa aming dalawa ang malinis kong unit. May kaunting lalakarin bago maabot ang aking sala. Magara ang kuwarto, malinis at mabango ito. Paborito ko ang amoy ng ubas kaya’y ito ang flavor ng air freshener na gamit ko sa buong unit, mapa sa sala man o sa kuwarto at pati na rin sa aking kusina. I saw how Jyselle's mouth fell open when she saw the inside of my unit. She couldn't believe that my unit was so clean and the things inside were synchronised. Maybe she thought at first that I don't like to clean the house so she just had this expression when she saw the whole of my unit. “Umupo ka muna, Jyselle. I'll just get something to drink,” I told her. Her eyes widened. She always serves me when we are both in the office. She must have been surprised by what I said because I have not offered her any help before besides lending her money. “P-Po?” hindi makapaniwala niyang sabi. “Ang sabi ko, umupo ka muna dahil kukuha lang ako ng maiinom mo,” ulit kong wika. “H-Hindi na, Sir. I mean. A-Ako na lang po. Nakakahiya po sa inyo. I am just your secretary. Naiilang din ako kung kayo pa ang magsilbi sa akin,” aniya. Napangiti ako habang tinitingnan siya. Hindi kasi siya mapakali at desidido talaga siya sa aniyang siya na lang ang kukuha ng maiinom. “Huwag ka ngang umasta ng ganiyan, Jyselle. Sa opisina lang kita sekretarya, hindi rito sa binabahayan ko. You are my guest, Jyselle, kaya hayaan mo na lang ako na pagsilbihan ka,” wika ko. It's a good thing because she didn't fight back. I saw how she hesitated when she sat down. After a while she moves to see if she has soiled the white cover of my sofa. I just shook my head with a smile on my lips. After I made her coffee, I brought it to her. Maigi kong nilapag sa ibabaw ng glass table sa tapat niya ang tasang may kape. “Magkape ka muna para uminit iyang sikmura mo,” ani ko. “S-Salamat, Sir. Nag-abala ka pa po,” sabi niya. Kasuwal lang ang aming pag-uusap ni Jyselle sa opisina. Kami ang tipo ng mag-among hindi sinusungitan ang isa’t isa. Tulad nga ng sinabi ko ay sa kaniya lang ako may tiwala. Siya ang ang tanging sekretarya ko na alam kong hindi gagawa ng masama sa akin. “Huwag mo na lang isipin ang ginagawa ko, Jyselle. Naging mabait kang empleyado sa akin kaya dapat lang kitang tratuhin ng maayos.” Ngumiti ako sa kaniya. Saglit lang siyang tumitig sa akin at muli niyang binawi ang kaniyang mga titig. “Jyselle, inumin mo ang kape mo at huwag kang mailang sa akin. Hindi ba ay wala tayong ilangan?” biro ko sa kaniya. Ngumiti siyang muli subalit nakita ko sa mga mata niya ang panghihinayang. Malamang ay iniisip niya na sana’y hindi niya ginawa ang bagay na iyon. Nababasa ko sa mga mata niya ang pagsisisi. Ngayong wala ang inaalagaan niyang birhenidad ay naiilang na siya sa akin. Bukod pa rito ay alam ko kung ano ang ginawa niya habang wala siya sa opisina ko. “Iba na po kasi ngayon,” aniya. Nawala ang ngiti sa nga labi niya kaya naman ay sumeryuso ako ng titig sa kaniya. I never saw her face being problematic like this before. “What do you mean?” tanong ko kahit na alam ko naman kung ano ang gusto niyang sabihin. Inabot niya ang tainga ng tasa at sumimsim siya ng kape. Nang muli niyang nailapag ang tasa ay tumitig siya sa kaliwang banda. Pinukol niya sa puting pader ang kaniyang titig. “I’m sorry,” aniya at agad niyang inalis ang mga luhang bigla na lang bumulwak mula sa kaniyang mga mata. I never had an experience regarding this matter. Hindi ko alam paano ko patahanin ang babaeng umiiyak sa harapan ko ngayon. Hindi ko rin alam paano sila bolahin para lang mapaamo at mapasunod sila. Hindi ako sanay sa ganito. Bigla akong natakot dahil nakita ko paano pumatak at tumama sa mga hita niya ang kaniyang mga luha. Iba ang eksena kanina dahil pati ako ay naiyak. Kumbaga’y nararamdaman ko siya bilang tao at nilalagay ko ang sarili ko sa sitwasyon niya. Ano ba ang gagawin ko? Lalapit ba ako sa kaniya tapos yayakapin ko siya? I kept thinking that I was the reason why she cried like this. Maybe I was just too carried away by the K-Dramas I was watching so that I’ve said those figurative words to Jyselle earlier on the road. “J-Jyselle,” nauutal kong tawag sa kaniya. Hindi siya lumingon sa aking gawi. If this is a problem about decreasing of gross income I maybe good in solving it, baka nga nasolusyunan ko na agad kung iyon ang kaso. “Puwede bang iwan mo muna ako, S-Sir? Gusto ko lang muna mapag-isa,” aniya. Tumango ako kahit hindi siya nakatingin sa akin. “I-If that helps. S-Sige.” Tumayo ako at agad na tinungo ang aking kuwarto. Pumasok ako sa loob pero hindi ko sinarhang mabuti ang pintuan, pinaawang ko ito upang makita ko siya. Patuloy lamang siya sa kaniyang pag-iyak. Mas lumalakas na nga ang mga hikbi niya. Alam ko na kung ano ang gagawin ko. I need one of my uncles to solve this problem. Sino pa kaya ang gising sa kanila? Tiyak ako na matutulungan nila ako. Mga babaero sila, sigurado ako na kaya nila akong tulungan para mapatahan si Jyselle. Kahit na isa lang sa kanila ang gising pa ay okay na ‘yon. I turned my phone on and tapped the messenger application. Napa-thankyou, Lord, ang utak ko nang makita ang maliit na kulay berdeng bilog sa ibaba ng profile ni Uncle Tobby. Napailing ako nang pinidot ko ang profile niya. Kaya kahit na may asawa na siya ay marami pa ring nanlalandi sa kaniya dahil sa profile picture niyang nakita pa ang malalago niyang mga bulbol. Mabuti na lang at hinayaan siya ni Aunt Dahlia. Pasalamat lang talaga ang Mga Geller na ito dahil ang babait ng mga napangasawa nila. Ewan ko na lang kung hindi mapagpatawad ang mga napuntahan nilang mga palda. Tiyak ako palaging maga ang mga mata nila. I touched the video call label. Ilang beses akong tumawag pero hindi niya ito sinasagot. Minabuti ko na lang i-back ang huling tawag ko at agad akong nagtype ng mensahe. Pinagpapawisan na ako. Umuugong na ang hikbi ni Jyselle sa buong unit ko. Matter Geller> Uncle! I need your hellfuck help here! Please, answer the call! Later, Mattina! I’m on top of your Aunt! Matter Geller> Stop calling me that! I’m hellfuck serious here! Maawa ka naman sa akin, Uncle Tobby! Tulog na kasi yata ang mga kapatid mo dahil nag-alak kayo kanina! Tulungan mo na ako! Hindi sila natulog. Nag-off status lang ang mga hayuk sa tahong na iyon dahil hindi na naman makontrol ng mga mokong ang kanilang mga coke in can, Matter. Kahit siguro ang Daddy mo ay nagpapakasasa na ngayon sa tahong ni Kath. Parang tanga na ako sa ginawa kong ito. Nanlalamig kasi ang mga kamay ko. Natatakot ako na baka himatayin si Jyselle kakaiyak. I am also worried because she might lose a lot of her strength. Muli akong tumawag. Sa pagkakataong ito ay sinagot na ni Uncle Tobby ang tawag ko. Nagulat ako nang makita si Uncle Tobby at Aunt Dahlia na parehong walang saplot. Katatapos lang nila magtalik dahil sa mga mukha nila. May mga pula-pula sa katawan ni Uncle Tobby at buhaghag ang buhok ni Aunt Dahlia. “That was f*****g nice, Dahlia!” “A-Aray! Wala ka talagang kuwentang lalaki, Tobby! Ang sakit ng gitna ko! Ang sabi ko dahan-dahan lang! You’re such a p***y digger!” sabi ni Aunt Dahlia. “Okay lang sana kung maliit lang iyang sa’yo, kaso hindi e! Ang laki!” reklamo pa nito. Nakita ko pa paano kumindat ang Uncle ko. Iniwas ko na lang sa akin ang screen ng phone ko dahil naiilang ako sa nakita ko. Hellfuck the nature of my clan! “At least p***y digger! Hindi gold digger, Baby!” “Baby mo mukha mong mukhang tahong! Hayuk!” diing sabi ni Aunt Dahlia bago niya iniwan si Uncle Tobby. “Nakadamit ka na ba, Uncle?” paninigurado ko. “Bakit, Mattina? Are you horny on my body? You want your Uncle to be naked?” Hinarap ko sa akin ang screen ng phone ko. Sinamaan ko ng titig si Uncle. “Please, stop calling me that name, Uncle! Baka isipin ng iba na bakla ako or what!” naiinis kong sabi. Wala namang masama sa pagiging bakla. I just don’t want to be addressed by the name he calls me. Nakakainis talaga itong si Uncle Tobby! Lakas maka-asar! “Oh, Poor Matter. Don’t cry. Don’t cry!” His eyes widened. Narinig niya siguro ang iyak ni Jyselle. “f**k! Really? Tell me the truth, Matter! Bakit may babae riyan sa unit mo? Soltero na ang Matter namin! Wooooooahooooo!” “Uncle, magseryuso ka naman.” I bit my lower lip. “Mali ang iniisip mo, okay---” Sumenyas pa si Uncle na para bang mas alam niya kung ano ang nangyayari rito. “Tama na, Matter! You don’t need to fight for it. I mean, hindi mo kailangang ipagtanggol ang sarili mo. Likas na sa ating Mga Geller ang lahing coke in can. Alam ko na kapag nakawarak tayo ay tiyak akong iiyak ang babae. That’s normal, Matter! Kaya ayos lang! Lahi tayo ng mga hole wrecker!” “Uncle, you mistook it! Hindi ko siya ginalaw, okay!? We did not f**k each other!” Nawala ang tuwa sa mukha ni Uncle Tobby. Bigla na lang tumamlay ang mga mata niya at nakabusangot siya. Talaga bang kailangan kong patunayan sa kanila ang sarili ko sa pamamagitan ng paraang iniisip nila? Sa paraan kung paano nila binibigyang kahulugan ang mga salitang ‘I am a Geller’? “What now? Ano ang maitutulong ko?” Huminga ako ng malalim. “She’s crying and I don’t know how to make her stop. Tinimplahan ko na siya ng kape pero parang hindi umepekto upang gumaan ang pakiramdam niya. Parang mas lumungkot pa siya noong nakasimsim siya ng kapeng tinimpla ko,” kuwento ko sa kaniya. Kailan ba titino ang tiyuhin kong ito? Pinagtawanan ba naman ako ng todo? I’m hellfucking nervous here but he’s just making fun of me! “Hindi kape ang kailangan niyan, Matter! Masyado mo na talagang inaalis sa ulo ng cobra mo ang pagiging Geller nito,” aniya. “Let her have a milk instead of coffee!” Tumayo ako. “T-Talaga!?” paninigurado ko. He tsked. “Not literal! Painumin mo ng gatas mo!” Umiling pa si Uncle. “Ewan ko talaga sa iyo, Matter. Seryuso nga talaga ang Daddy mo na wala ka talagang kamalay-malay pagdating sa mga babae. Poor Matter. I have to sleep. Goodnight, My Virgin Nephew!” “Unc-!” Napamura na lang ako sa utak ko dahil sa ginawa ni Uncle. Pinatay niya ang tawag kaya’y hindi ko na naituloy ang sasabihin ko. Napahilamos ako ng walang tubig dahil sa exhaustion na lumaganap sa pagkatao ko. Paano ba kasi? Nagbrowse na lang ako at pumunta ako sa google. Gumoogle ako at may nakita naman akong mga sagot sa katanungan ko. “I can do this,” bulong ko sa sarili. Huminga ako ng malalim bago ako lumabas mula sa aking kuwarto. Dala-dala ko ngayon ang isang puting kumot na magiging prop ko. Marahan akong tumabi kay Jyselle. Pinatong ko sa mga balikat niya ang kumot kaya’y napatingin siya sa akin. “Sir,” banggit niya. Kinabig ko ang katawan niya at pinasandal ko siya sa aking dibdib. Mas humagulgol pa siya ng iyak kaya’y mas hinigpitan ko pa ang pagyakap sa kaniya. “Iiyak mo lang iyan, Jyselle. Nandito lang ako para sa iyo. Cry until you get better, Jyselle. I won’t gonna judge you,” bulong ko sa kaniya. Umiyak lang siya ng umiyak. Ilang sandali ang lumipas ay naramdaman ko na lumalayo na siya sa akin. Napawi na rin ang mga luha. Namaga ang mga mata niya dahil sa ginawa niyang pag-iyak. Bakit ganito? Nasasaktan akong nakikita siyang nasasaktan. Malungkot din ako kasi nakita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata. I don’t know what pushed me to do this. Hinila ko siya at muli ko siyang niyakap. Lihim kong hinalikan ang tuktok ng kaniyang ulo. Bumilis ang t***k ng puso ko matapos kong gawin ang bagay na iyon. Para akong hinahabol ng asong ulol dahil humihingal ako. Kinontrol ko nga lang ang aking paghingal dahil ayaw kong magtaka si Jyselle. I want to make sure that that thing was the reason why I am chasing after my hellfuck breath. Muli kong hinalikan ang tuktok ng ulo ni Jyselle. At sa pagkakataong ito ay mas bumilis pa at lumakas ang pagtibok ng puso ko. Bakit kaya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD