Chapter 5

1823 Words
Si Uncle Timothy ang magmaneho habang kami naman ni Jyselle ay nasa backseat. Kanina ko pa napapansin na tahimik siya pero hindi na ako nagtanong pa kung bakit. Hinyaan ko lang siyang nagmuni-muni. Ngumiti lang ako nang kumurap siya. Binibilang ko kasi ang kaniyang pagkurap mula kanina sa airport. She blinked six hundred and fifty three times. Hinintay kong umabot sa seven hundred ang bilang ng kaniyang pagkurap bago ako tumigil sa pagbilang ng mga ito. "Kumusta ang New York, Matter?" tanong ni Uncle Timothy sa akin. Huminga ako nang malalim. Ang dami kong gustong ikuwento tungkol sa lugar na iyon. That place molded me to become the person who I am now. Malaki ang ambag ng New York sa akin lalo na't doon ako lumaki at doon ko tinaguyog ang aking pangalan. "New York is a place to find oneself," sabi ko kay Uncle Timothy. Nagtama ang mga mata namin. Napailing na lang siya dahil sa aking naging sagot. He sighed. Alam ko na kung ano ang ibig-sabihin ng paghingang malalim ni Uncle Timothy. "Iba talaga kapag mga matatalino sa larangan ng entrepreneurship ang kausap, ano? Para kang naghahanap ng kasagutan sa mga taong mo sa loob ng tainga ng pusa. Magkuwento ka naman ng mga nakakaaliw na experience mo roon," sabi ni Uncle Timothy. Tumawa ako nang mahina. "Well, what's entertaining about the place? Uhm. Doon ako nanalo ng best thesis and best researcher. May sinalihan din akong Olympic and I won. Ang saya rin noong sumali ako sa swimming competition kasi ako rin ang nanalo. May contest rin ng patalihan, banned na ako sa contest noong high school ako dahil palagi kong naiiwan sa base ang kalaban ko. That's fun! Hays… those beautiful days," sabi ko habang inalala ang mga bagay na nangyari sa akin at mga karanasang hindi ko malilimutan. "Ano pa? Iyong mas nakakaaliw naman. Parang boring iyon," sabi ni Uncle Timothy sa akin. "I forgot to share that I also won—" "Matter, hindi ganiyang nakakaaliw ang gusto kong marinig mula sa iyo. Kuwentuhan mo ako ng mga nakakaaliw na karanasan mo sa New York," sabi niya na binigyan niya talaga ng emphasis ang salitang nakakaaliw. I rolled my eyes. Hindi ko gets kung ano ang sinasabi ni Uncle Timothy. "Uncle, hindi ka ba naaaliw sa mga kuwento ko? That's surely fun for me," sabi ko. "Naku, ibang nakakaaliw ang gusto kong marinig mula sa iyo, pamangkin." "Tulad ng?" He smiled widely. Ang kaniyang mga ngiti ay naging tawa rin sa huli. "Matter, iyong mga bagay na nakakaaliw para sa ating mga lalaki. Hindi mo ba talaga alam kung ano ang mga iyon? Diyos ko ka," aniya. I sighed. Now, I finally understand what does he means by that. "Uncle, there's no things like what you think happened to me when I was in New York. Lahat ng mga babaeng may plano akong gahasain ay pinalalayas ko agad. May mga naging sekretarya ako na mga manyak. Minsan nagigising ako na nakababa na ang underwear ko kapag natutulog ako dahil sa kalasingan sa office kasi minomolestya ako ng naging sekretarya ko. Ang iba naman ay nilalasing ako para mahalikan nila ako." "That's what I'm talking about! Ano may nangyari ba sa inyo ng mga babaeng iyon? That's really entertaining," komento ni Tito. Umiling ako. Ibang klase talaga ang mga taong ito basta kalibugan ang pinag-uusapan. Palagi silang natutuwa kapag mga kamanyakan ang kinukuwento mo sa kanila. "Hindi iyon nakakaaliw para sa akin, Uncle Timothy. That's way better to be called as an insult. Yeah. Hellfuck. That's really insulting," sabi ko. "Paano ka ba naging ganiyan, Matter? Bakit hindi mo nakuha ang lahi nating manunuka ng mani?" "Uncle, hindi ko po talaga kayang sikmurain ang kamanyakan ng angkan natin. Kaya nga ako umalis ng Pilipinas dahil gusto kong nag-ibang landas. Alam mo naman na naniniwala ako sa perfect timing. Kaya rin ako bumalik sa Pinas dahil gusto kong hanapit ang timing na iyon dito," sabi ko. "Bahala ka nga sa buhay mo, Matter. Walang thrill ang buhay mo bilang isang Geller," sabi ni Tito. Doon ako napahalakhak ng wala sa oras. "That's what funny thing is, uncle. Ang sarap kaya ng buhay ko. I always achieve my goals. Punong-puno ako ng achievements sa buhay dahil sa pagsisikap. I've been ito many things bago ko nakukuha ang mga bagay na gusto ko. Pahirapan kung pahirapan pero nagawa ko naman. And again, iyon po ang thrilling moments ng buhay ko while nasa New York ako," sabi ko. "Oo na, marangal na Geller!" Tumawa ako dahil sa sinabi ko. Lahat kasi ng lalaki sa angkan namin ay hayuk sa tawag ng kalibugan. Tinatakasan ko ang bagay na iyon. Gusto kong maging well-preserved para sa babaeng papakasalan ko. And that should be Jyselle. Tumingin ako sa babaeng pangarap kong pakasalan. I'm imagining her walking above the isle while I'm waiting for her at the end of the carpet. "God!" gulat na gulat na sabi ni Jyselle. "f**k! Yumuko kayo!" sabi ni Uncle. Kinabahan ako. Niyakap ko si Jyselle at agad ko siyang pinayuko. Nakasilip ako at nakita ko na may dalawang lalaking nakamotor at patuloy pa rin sa pagbabaril ng kotse ni Uncle Timothy. "Sir, n-natatakot ako," sabi ni Jyselle. "Hindi ka ba tinamaan?" Umiling siya. "Hindi, sir. Pero natatakot talaga ako. Bakit ba kasi tayo pinagbabaril?" tanong ni Jyselle. "I will explain it to you later kapag nasa safe na lugar na tayo. Don't be afraid, Jyselle, dahil kasama mo ako at hindi ko hahayaang may mangyari sa iyo. May tiwala rin ako kay Uncle Timothy. Matibay rin itong sasakyan niya. Just relax, okay?" Mas hinigpitan ko pa ang pagyakap ko sa kaniya. Inabot ng mga kamay ko ang mga kamay niyang nanginginig at hinawakan ko ang mga ito ng mahigpit. "Okay, sir," maiksing sabi niya. Mabuti na lang dahil magaling sa pagligaw ng mga kalaban si Uncle Timothy. Inalalayan ko si Jyselle para makaahon kami nang sabay. "Uncle, sino ba ang mga taong iyon?!" "Hindi ko alam. Base sa paraan nila ng pamamaril ay hindi sila pro! Parang mga bata na naglaro ng baril-barilan," sabi ni Uncle Timothy. Lumunok ako. Nakaakbay pa rin ako kay Jyselle at patuloy ako sa pagtapik sa kaniyang braso nang marahan. "Baka naman may nakalaban na naman kayo. Ang gulo kaya ng buhay niyo," sabi ko. Wala akong ibang maisip kun'di ang posibilidad na iyon. Isang mafia ang daddy ko kaya ay posibleng mga kalaban niya ang nangtangkang ilagay kami sa bingit ng kamatayan. "Ano ka ba, Matter? Isang diablo ang daddy mo sa mundo ng mga mafia. Tanga lang ang kakalaban sa kaniya. Believe me, hindi kalaman ng pamilya natin ang mga buwesit na iyon! Mga pipitsuging bata lang ang mga iyon. Walang tatangkang kakalaban sa amin, Matter. Baka mga adik nga lang iyon," tugon ni uncle. I sighed. Hindi naman ako ganito magreact kung ako lang at si uncle ang nasa loob ng sasakyan. Si Jyselle ang inaalala ko. Takot na takot nga siya hanggang ngayon. "Sir, wala na ba sila? Baka bigla na naman silang babalik," nag-aalalang sabi ni Jyselle. "Calm down, Jyselle. Ligtas na tayo," sabi ko sa kaniya. May inabot si uncle sa ilalim ng manibela. Isang plastic bottle na may lamang tubig ang binigay niya sa akin. "Painumin mo iyang bebot mo at baka himatayin iyan," sabi ni uncle. Binigay ko kay Jyselle ang plastic bottle. "Salamat," sabi ni Jyselle. Inalis ko na ang braso kong nakaakbay sa kaniya. Sinarhan ko ang bote at nilagay ito sa tabi. "Kailangan na malaman ito ni Dos para mabigyan niya ng leksyon ang mga loko-lokong iyon," sabi ni Uncle Timothy. "Hindi na kailangan pang malaman ni daddy ang nangyaring ito, uncle. Ako na mismo ang gagawa ng paraan oara mahanap ang mga iyon. Tinakot nila si Jyselle. So I must return to them the fear they caused to Jyselle," sabi ko. "Bago ka pa lang dito sa Pilipinas, Matter. Hayaan mo na lang sa amin ang magtrabaho sa mga ugok na iyon. Hindi maganda para sa isang bahugan ang gumawa ng kalaban. Isa pa, hindi pa natin natitiyak kung sino ang puntirya ng mga iyon. Baka nga ay nagkamali lang sila," sabi ni Uncle Timothy. Uminit talaga ang aking tainga dahil sa nangyari. Sinabi ko na ayaw ko sa buhay na mayroon si daddy pero parang inuudyok ako ng nangyari upang makiisa sa mundo ni daddy. I hate witnessing Jyselle in fear and I couldn't find myself doing what I must. "Hindi puwede sa akin ang ginawa nila. Tinakot nila si Jyselle—" "Sir, I'm good now. Nabigla lang ako sa nangyari. Makinig ka na lang sa uncle mo. Ang importante ay hindi tayo napuruhan. Ibigay mo na sa kanila ang magtrabaho sa mga taong iyon. Ayaw ko po ng gulo. Kung hindi ka makikinig ay mabuti pang babalik na lang ako sa New York," putol ni Jyselle sa aking linya. Huminga na lang ako nang malalim at lumunok. Tumahimik na lang din ako. "Ihahatid ko na kayo sa hotel bago ako didiretso sa venue ng party. May mga aasikasuhin din akong importante. After na lang ng parte ko kausapin ang daddy mo tungkol sa nangyari, Matter." "Alright," maiksing sabi ko. Hanggang makarating kami sa hotel ay hindi ako umimik. Iniisip ko pa rin ang nangyari kaniya. Hindi na kami sinabayan ni uncle na kumain dahil nga sa pagmamadali niya. Nang makapasok kami sa room namin ay agad akong umupo. Nagliwaliw ang mga mata ni Jyselle na kakaupo pa lang. "Hellfuck," bulong ko. Tumayo ako at agad kong pinuntirya ang telepono. Tumawag ako sa baba. "Hello, good afternoon. I have a concern. Hindi ba ay two bedrooms ang pinareseve kong room? Bakit isa lang ang bedroom?" "Hello, sir. Thanks for letting us know your concern. By the way, ito po bang kausap ko ay si Mister Timothy Geller?" tanong ng babae sa linya. Napairap na lang ako. Tiyak akong nilandi na naman ni uncle ang babaeng ito kaya ganito na lang ang tono ng pananalita nito. "No, I'm not Timothy Geller. I'm his nephew," sabi ko. "I'm sorry to inform you, sir, na room for couple pi ang pinareserve ng uncle niyo. Ang sabi niya kasi ay mag-asawa raw ang magchecheck in," sabi ng babae. Pumikit ako saglit bago ako bumuga ng hangin. Pinagtripan na naman ako ni uncle. "Hellfuck! May bakanteng room pa ba na may two bedrooms?" "Sorry, sir. Wala na talaga. Pati sa mga daughter hotels namin ay puno rin po ang rooms," sabi ng babae. Binaba ko na lang ang telepono. Umupo ako sa tabi ni Jyselle. "Sorry, Jyselle, wala na raw vacant na may two bedrooms," sabi ko sa kaniya. "Okay lang, sir. May tiwala naman ako sa inyo," sabi niya at ngumiti. "Thanks," maikling tugon ko. She smiled. Kung kanina ay labi ko lang ang ngumiti. Ngayon, pati ang puso ko ay nakangiti na rin. This woman never failed to make my heart beat unusually.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD