Chapter 4

1673 Words
I am looking at her now. Hindi ko pagsasawaang pagmasdan si Jyselle. Para siyang isang tanawin na hindi kayang tanggihan ng mga mata. Ang ganda niya pang tingnan lalo kung tulog siya. "Sir Matter? May problema po?" tanong niya sa akin. Inalis niya ang kaniyang shades. Hellfuck! Akala ko natutulog siya. Hindi pala. Namula tuloy ako dahil sa hiya. Kanina pa naman ako nakatitig sa kaniya. "W-Wala naman. Forget it," sabi ki at agad na inayos ang aking pagkakaupo. Nagdequattro ako at huminga ako nang malalim. Kinuha ko na lang ang newspaper at agad akong nagbasa. To be honest, I am not sure if I was reading or I'm just literally escaping from the awkwardness I feel. Nasa VIP class kami ni Jyselle. Bigla akong nakaamoy ng mabango. This smell is really familiar to me. Naamoy ko na ito noon pero hindi ko alam kung kailan at kung saan. "Hi, boy," bati ni Jyselle sa batang nakapuwesto sa upuang nasa unahan namin. Lumunok ako nang makita paano kainin ng batang lalaki ang tinapay na malambot na may dahon ng saging sa ilalim. Nanunubig ang loob ng aking bibig dahil sa inggit ko sa batang kumakain paharap sa amin. Tumingin sa akin ang bata na para bang mas pinaiinggit niya ako. "Uy, nanlalaway na iyan. Gusto mo ano?" sabi ng bata sa akin. Hindi ako nagsalita. Kung wala lang sa tabi nito ang kaniyang ina ay pinektusan ko na ito. Sarap pitikin ng ilong. Ang hayop niya talagang murahin. Gumulong ang kaniyang mga mata at mas pinaiinggit niya pa ako. "Boy, don't do that. That's bad," sabi ni Jyselle. Narinig ng ina ng bata ang sabi ni Jyselle kaya ay tumingin ito sa amin. Akala ko ay pagagalitan niya kami. Sa halip ay pinitik niya ang tainga ng bata. I feel satisfied because of what I see. Ang sarap talaga sa feeling na may gumagawa ng gusto mo para sa iyo. "Mommy, why did you do that?! That hurts a lot!" reklamo ng bata. "Hurts a lot?! Hurts a lot, Tomi? Bastos jang bata ka! Kaya ay dadalhin kita sa Pilipinas para matuto kang rumespeto sa iba," sabi ng ina nito. Nakapag-asawa tiyak ng Amerikano ang babaeng ito. "Mommy, that's crazy! That man is making fun of me!" sabi ng bata dahil nagmake-face ako patitig sa kaniya. Ang sarap lang talagang mag-asar ng bata. "Sir, I'm so sorry for the manners she shows to you," sabi ng babae. "Okay lang po," sabi ko. "Ay, Pinoy pala kayo? Ang guwapo niyo naman po. Para kayong Amerikano na may halong Briton! Pasensya po talaga sa inasal ng anak ko. Inispoiled kasi ng daddy niya kaya ganiyan na ang asal niya," paliwanag ng babae. Hindi naman ang background ng bata ang concern ko. Gusto ko kumain ng tinapay na kinakain ng bata. "Hayaan mo na ang bata, ate. Gusto lang kumain nitong kasama ko ng Bibingka," sabi ni Jyselle. Lumaki ang mga mata kong tumitig kay Jyselle. Para akong nilamon ng lupa dahil sa hiya ko. Hellfuck. She really said that to the woman. "Jyselle!" "Naku! Nagluto ako ng Bibingka kagabi dahil paborito ito ni Tomi." May kinuha ito sa ilalim at agad niyang binigay sa akin ang isang baunan na transparent. "Yes?" "Kunin mo na, sir. Marami akong niluto kagabi. Sige na. Maraming laman iyan. Share na lang kayo ng misis mo," sabi niya. Hindi ko maiwasang ngumiti nang malapad dahil sa sinabi ng babae. "Salamat," sabi ko na lang. "Naku! Kinikilig si sir, ma'am! Bigyan mo na kasi ng anak para mas kiligin," sabi ng babae. Nasamid ang laway ko sa aking lalamunan kaya ay napaubo ako nang biglaan. Hindi na nagsalita ang babae. Humarap na ito at abala na ito sa pagasikaso sa malikot na bata. Panay ubo pa rin ako. Binigyan ako ni Jyselle ng isang plastic bottle na may lamang tubig. Uminom ako kaya ay umokay na ang aking lalamunan. Pinunasan ko ang mga luha ko. Sino ba naman kasi ang hindi maluluha sa sinabi ng babae? "Kainin mo na iyan," sabi ni Jyselle. "What is its name again?" tanong ko kay Jyselle. Pilit kong inaalis sa isipan ko ang sinabi ng babae. "That's Bibingka. Sikat na pagkain iyan sa Pilipinas. Ang talino mong tao pero hindi mo alam kung ano iyan?" "You have the guts to question me." Mahina itong tumawa. Nakakainis. Bigla na lang akong kinakabahan na para bang punapasayaran ng balahibo ng manok ang puso ko sa tuwing nakikita kong ngumiti o tumawa si Jyselle. "Pinapaliwanag ko lang naman sa iyo, sir," sabi niya. Umiling na lang ako. Hindi na siya nagsalita pang muli. Nakatitig na naman siya sa mga ulap. Naisipan kong tikman ang Bibingka. Nang binuksan ko ang baunan ay nalanghap ko agad ang nakakatakap na amoy nito. Hindi na ako nagdalawang-isip pa na kainin ang mga Bibingka na bigay ng babae. Masamang nakatitig sa akin ang batang si Tomi pero hindi ko na siya inintindi pa. I burped. Hellfuck. Ang baboy ko. Tatlo ang tinira ko para kay Jyselle para I love you. Tumingin ako sa kaniyang gawi. Malalim ang iniisip niya. "Jyselle, we're here up with the clouds but you think deeper than the sea," sabi ko. Tumingin siya sa akin at kiming ngumiti. "May problema ka ba?" tanong ko sa kaniya. Umiling siya. "Wala, sir. Iniisip ko lang kasi na masyadong matagal na panahon na pala ang lumipas nanguli akong tumapak sa lupang sinilangan ko. Hindi rin kasi madali para sa akin na iwan ang New York dahil naging parte na ito ng buhay ko at buhay ni nanay," aniya. Bigla akong naguilty. Ako ang dahilan kung bakit niya iniwan ang lugar na pinagtanawan niya nang malalim na utang na loob. Bahala na nga. Mas mabuti na itong nasa tabi ko siya dahil matitiyak kong malayo siya sa mga manyak na bahagi ng nakaraan niya. Gusto kong masecure siya. "Don't worry, Jyselle. Dodoblehin ko ang sahod mo kapag nasa Pilipinas na tayo," nakangiti kong saad. Ngumiti kang siya at hindi na umimik pa. Muli na naman niyang binato ang titig niya sa labas ng bintana. She sighed. Nalungkot ako para kay Jyselle. Tiyak ako na may bagay siyang hindi sinasabi sa akin. Hanggang makarating na kami sa airport ay hindi pa rin nagsalita si Jyselle. Naglalakad na kami ngayon palabas sa airport. Nakita ko agad si Uncle Timothy. Halos patakbo siyang lumapit sa akin. Isang mahigpit na yakap ang kaniyang inalay sa akin. Inamoy niya pa ang leeg ko tulad noing ginagawa niya sa akin noong bata pa ako. "Damn it! Ang laki-laki mo na, Matter! Grabe! Geller na Geller ka talaga! Guwapo na at daks pa!" "Uncle," ani ko at umatras dahil dinakma ba naman ni uncle ang aking manoy. "What? Nakita ko na noon iyan! Isa oa at napaliguan na kita! Kaya huwag kang mahiya! Don't worry, hindi ako bakla!" pabirong sabi ni uncle sa akin. "I know. You're a p***y hunter," sabi ko sa kaniya. "And I hope you are too!" Umiling ako. Tumingin ako kay Jyselle at tumingin ako kay Uncle Timothy. "Uncle, this is my secretary. She's Jyselle," sabi ko. "Jyselle, si Uncle Timothy. Isa sa mga tigasin at guwapo kong uncles!" Nilahad ni Jyselle ang kaniyang kamay kaya ay tinanggap ito ni Uncle Timothy. Halos magsalpukan ang mga kilay ko nang makita ko kung paano himasin ng hintuturo ni Uncle Timothy ang kamay ni Jyselle. "Ahem!" "Hi, Jyselle! Welcome to Philippines," sabi ni uncle. "Thanks, sir. Nice meeting you po." "Ikaw, Matter. Ang galing mong pumili ah! Akala ko ba ay may pang Miss Gay na kami?! Mabuti na lang dahil lalaki kang tunay! Hindi na ikaw si Matie! Ikaw nga si Matter!" Namula ako. They keep on teasing me gay. There's nothing wrong about it but I'm not. "Uncle!" "Oh fine! Hinawakan ko lang kamay ng dream girl mo ay parang ikamamatay mo na," sabi niya at marahang binitawan ang kamay ni Jyselle. "That's not the reason why—" "Fine. Iyong-iyo lang naman si Jyselle." Napatitig ako kay Jyselle na tawang-tawa. Kinuha na ni Uncle ang mga dala naming bahagi kaya at mabilis itong naglakad patungo sa kaniyang sasakyan. Si Uncle Timothy lang ang sinabihan ko na uuwi ako at kasama ko si Jyselle. Siya rin ang pinaprepare ko ng lahat ng bagay na kailangan para sa surprise ko sa mga magulang ko. May naririnig ako. Kanina pa tumatawa si Jyselle. "Ako ba ang pinagtatawanan mo?" tanong ko sa kaniya. Pinilit niyang ihinto ang kaniyang pagtawa. Diyos ko! Bakita ang ganda ng babaeng ito? "Natawa lang ako sa uncle mo. Masyado siyang joker," sabi ni Jyselle. "Ako nga ang pinagtatawanan mo," sabi ko. "Not really. Hindi ko lang kasi maimagine na ang isang Matter Geller ay inaasar lang pala na parang bata ng mga tito niya. That's really funny, sir," sabi niya. I just sighed. "I'm not gay." "Sinabi ko ba? Wala naman akong sinabi. Ang defensive mo sa part na iyan," sabi niya. Muli na naman siyang tumawa. "Kapag hindi ka tumigil katatawa, Jyselle, ay hahalikan kita," sabi ko sa kaniya. "Lumang style na iyan," sabi niya. She left me speechless. Patuloy siya sa pagtawa. Umiling na lang ako dahil sa sinabi niya. Next time ay hindi ko na siya hahayaan pang umalis na lang. Hahalikan ko na talaga siya kapag pagtatawanan niya pa ako. I sighed before walking off to where Uncle Timothy awaits for us. "Sir, pupunta lang ako sa restroom," paalam niya. Tumango na lang ako. "Hindi mo na sasamahan? Maraming titingin sa bebit mo sa sexy at ganda niyan." Aalis na sana ako para sundan si Jyselle pero agad akong hinila pabalik ni uncle. "Crazy! Nagbibiro lang ako! Hayaan mo na siya. Malaki na iyan." Tumawa pa ang loko. "Type na type mo talaga, ano? Akala ko ba ay makapaghihintay ang love life?" "I like her so much. Okay na ang buhay ko. Matayog naman ang katayuan ng business ko, Uncle Timothy. Baka panahon na para trabahuin ko naman ang love life ko," sabi ko na nakatanod sa likod ni Jyselle.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD